Tuesday, March 06, 2007

hinaing ng taong gutom

10:07 pm, sa isang internet shop sa philcoa, katabi ang isang babaeng nagngangalang may flor pagasa

pressure!

dalawang oras akong nakinig sa tikatik ng mouse at keyboard

nagpalipat-lipat sa iba't-ibang sites, naghahanap ng impormasyon tungkol sa bohol, dumaguete at siquijor

wala

hindi ko rin nagawa yun dapat kong gawin

hay, pasaway talaga! bakit ba kasi friendster ang aking inuna? at maya-maya ay nahalina sa virtual traveler na ipinakilala ni pagasa?

parang walang pasok bukas ah

para bang natapos ko na yun speech ni boss na dapat kong gawin

parang walang bayad at hindi inoorasan itong pag gamit ko ng internet

parang hindi pa gabi at hindi pa special trip na lang ang byahe ng tricycle sa don antonio!

ah, ewan!

ang gulo ko talaga no?!

gutom na ko!

No comments:

Post a Comment