hindi naman Amerika ang Pilipinas, bakit ba US situation ang lagi nilang nilalahad sa kanilang literatura? eh sino ngayon ang mga colonial mentality?
sabi may separation of church and state. constitutionally inscribed principle yan. pero nilinaw din naman ng isang miyembro ng concon na ang tinutukoy naman sa 1987 consti ay ang pagbabawal sa pagtatatag o pagkakaroon ng state religion (hindi ko alam kung ilan lang ba ang inabot ng komentaryong iyon). eniwey, tapos na yun election so let us move on and run the nation. hindi naman nga mali kung mag-advocate ang mga religious groups pero hanggang saan ba ang hangganan (o meron nga ba)? naniniwala rin naman ako na "the only way for evil to flourish is for the right ones to do nothing." pero kailangan bang lahat na lang paki-alaman nila? bakit ganun na lang ang influence nila sa gobyernong ito at sila na lang nang sila ang pinakikinggan? granted na sinasabing majority ng mga pinoy eh nabibilang sa sektang ito pero sino lang ba talaga ang masasabing "practicing ones"? hindi ba karamihan eh yun na lang kasi ang kinalakhan? eh kung ipipilit pa rin nila ang argument na marami talaga sa mga pinoy eh sa sektang iyon nabibilang, eh di fine..lahat ng hindi kabilang sa kanila eh "minority" groups pala! eh pwede bang bigyan sila ng seat sa partylist para naman marinig din ang boses nila? eh kaso hindi ba yun "majority" pa nga ang may pinakamaraming seats na nakuha sa partylist noong eleksyon?!
eh ano bang problema ko at nagra-rant ako ng ganito? disappointed lang naman kasi ko dahil nawawala na rin sa katwiran. bakit hindi pwedeng buksan ang isipan at kamalayan para unawain ang isyu, hindi yun sarado agad at puro batikos ang pinagkakaabalahan? para kasing ang dating nila eh "tama ako, hindi dapat yan gusto mo, masama yan at dahil sinusulong mo isa kang kampon ng demonyo." sana bago magsalita at magpakalat ng kanilang mga doktrina eh tingnan muna ang context ng issue sa philippine setting. basahin ang provisions at baguhin ang dapat baguhin..meet halfway kung baga para maresolba at mabigyang solusyon ang problema.
ay naku, baka pag may nakabasa nito (as if meron ibang nagbabasa) eh ipagdasal nila ang aking kaluluwa na sa tingin nila ay sinusunog na sa impyerno. thanks but no thanks! wala naman magagawa ang mga iyon dahil sa huli, ako lang ang magdedesisyon kung saan pupunta ang kaluluwa ko. dahil hindi naman relihiyon ang daan tungo roon kundi ang personal na pagkilala at relasyon sa Lumikha.
ang masasabi ko lang, hindi naman sinabi sa Genesis na "go on and multiply.." ang sabi eh "BE FRUITFUL and multiply.." nauna yun fruitful hindi ba? bakit di kaya nila turuan ang mga followers nila na maging fruitful bago mag-multiply? kung gaano karami ang naturuan nila ng ganitong doktrina dapat makita natin ang resulta..dapat marami dahil maraming pinoy eh nabibilang sa kanila hindi ba? pero teka, huwag naman sana humingi ng pondo sa gobyerno para sa pagpapalaganap ng kanilang doktrina..bakit hindi nila gamitin ang offerings ng mga parishioners nila? aaaarrrgh! tama na nga muna, nasobrahan na ata ako sa kape!
No comments:
Post a Comment