Sa wakas, natapos ko rin ang sangkatutak na letters sa LGUs! Ayos, bukas iba na gagawin ko. Lately, mga ilang araw na rin akong late umuuwi pero iba ang gabing ito sa dahilang wala akong kasabay. Madalas kasi nakikisabay ako kay Chief o kaya sabay kami ni Clehenia umuuwi pero dahil may conference si Chief sa Traders at si Clehenia ay tatlong araw sa Tagaytay, mag-isa kong uuwi. Nagulat ako paglabas ko ng Main Building, basa ang kapaligiran!
“Ala, umulan pala!” nasabi ko tuloy bigla.
“Kanina po ma’am, huminto naman po,” ang sabi ni manong guard sabay tayo mula sa kanyang desk para pagbuksan ako ng gate. Oo, pagbuksan ng gate kasi naman sinara na niya ang gate dahil past 8:30 na ng gabi!
“Salamat po manong, ba-bye po!” paalam ko sa guard sabay lakad ng mabilis patungong Mendiola Gate. Naku, kailangan abutan ko ang LRT ayaw kong dumaan sa Quiapo dahil nag-iisa ko. Naaalala ko pa rin kasi yun nakakatakot na experience namin ni Janice sa lugar na yun kaya naman hanggat maaari eh iniiwasan kong dumaan dun ng gabi at mag-isa lang ako. Swerte naman, may dumaan agad na jeep sa Centro at sumakay na ako para mapabilis. Bababa na lang ako sa Pureza kesa naman lakarin ko hanggang Legarda. Pagod na kasi ako at medyo wala ako sa sarili. Ewan, medyo windang ata ako dahil sa (1) maaga ko gumising dahil may meeting kami sa Marikina ng 9 am, (2) pagod na talaga ko dahil pagkatapos ng meeting back to office at trabaho na naman ako, (3) ngayon ko lang naramdaman (o narealize kaya) ang epekto nun ininom ko pagkatapos ng meeting sa Marikina. Hmmm..para palang pumasok ako sa office ng lasing! Hehehe..wala naman nakapansin eh. Eh ininom ko kasi lahat yun punch na binigay sa amin. Masarap siya eh, kahit lasang-lasa yun alcohol! Har..har.. Ano pa man ang dahilan, gusto ko na lang maka-uwi agad at makapagpahinga.
Swerte, pag-akyat ko sa escalator dumating ang train! Haay..salamat naman at di ako maghihintay ng matagal. Madalas kasi pag late na tulad nito eh mas matagal ang gap ng pagdating ng train.
Standing pa rin kahit gabi na. Buti na lang malapad ang trains rito, di tulad ng MRT sobrang toxic sumakay dahil siksikan. Malamig sa train kahit maraming tao, ayos na rin. Kaso lang, nang sumara na ang pinto at enclosed na ang train napansin ko na ang ingay pala ng mga tao! Inisip ko nga na siguro tired lang talaga ko kaya I’m cranky na pero hindi pala, meron talagang maiingay kasi bago pa man dumating sa V. Mapa Station eh may I blow na ng kanyang whistle yun guard. Sinaway kasi niya yun isang grupo ng mga estudyante na naglolokohan at nagtatawanan.
“Huwag naman kayong magulo at maingay, public transportation ito hindi ninyo sarili. Ginagawa ninyong parang sa inyo itong public transport,” medyo may kalakasan pero mahinahon na sabi ng guard dahil nasa ikalawang pinto mula sa kinatatayuan niya ang mga estudyante (hindi sila naka-uniform pero mukha silang mga estudyante). Bigla naman nagsi-tahimik ang grupong ito kahit na nga kita sa mga kilos nila na nag-aasaran pa rin at nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin sa pagkakasaway sa kanila ng guard.
So tahimik na ang mga naroon sa malayo, “thank you po Lord, peace at last!” naisip ko ng mga sandaling iyon.
Pero nagkamali pala ako. Kasi naman dun mismo sa harap ko eh biglang nagreact itong isang grupo ng estudyante. 3 girls na naka-uniform ng checkered skirt na predominantly green with combination of yellow, black and white (siguro naman di ko na kailangan pangalanan pa ang unibersidad na pinag-aaralan nila). Dahil nakatalikod naman sila sa guard, inakala nitong tatlo na sila ang sinaway ng guard (kasi naman wala rin silang tigil sa daldalan nila eh). Kung anu-ano ba naman ang sinabi at ginawa nitong tatlong ito sa pangunguna nun isa na panay ang hirit ng English at ang inday eh meron pang button na nakalagay sa kanyang ID na ang nakasulat eh “speak to me in English.”
Habang tinatahak ng train ang track patungong Anonas, di ko maiwasan ang magreact sa aking isip sa mga ginagawa at sinasabi ng tatlong ito. Siyempre pa dahil sinira nila ang pag-asa kong magkaroon ng tahimik na paglalakbay eh si “Meanie Me” ang nagrereact sa isip ko. (Meanie Me is my pranka na may pagkabratinela at kamalditahang side).
Girl 1 (the trying hard to speak in English with the “speak to me in English” button) reacting to the guards reprimand even though it’s not directed to them: Why, we’re in a democracy.
Girl 2 (the one seating): English-in mo nga!
Girl 3: Bawal magsalita?
Meanie Me: Sabi nga nila, batu-bato sa langit ang tamaan ‘wag magalit! Hindi naman kayo ang sinaway ng guard nagre-react kayo. Kasi you feel guilty, alam ninyo na maingay rin kayo. Tama naman ang guard, konting konsiderasyon naman sa mga ibang pasahero. Wait, do you really want me to speak to you in English? Baka kausapin kita eh hindi ka na makasagot diyan? And what if I don’t want to speak to you in English? What if I prefer to speak in French or Japanese or Portuguese instead?
Girl 1: Ahem.. According to the law, law student ako eh front lang itong AHSE (sabay takip sa patch ng blouse niya na nakasulat ay AHSE..siguro name ng college/faculty/department na kinabibilangan ng course niya)..
Meanie Me: Law student ka?! O siya, speak to me in Latin Hija! Halata namang hindi eh, ni hindi mo nga maituloy ang hirit mo. So what does the law say?
Girl 3: freedom of speech
Meanie Me: oh, as if you could read my mind huh?! But don’t you know that your freedom ends where you start stepping on another’s right? Isn’t it true that administrators of places like this, just like schools, churches, malls, theatres, restaurants, parks and all other public places could institute policies or rules and regulations to be observed while you’re within their premises?
Girl 2: wala naman nakalagay
Girl 1: correct! Dapat nilagyan nila dyan ng sign
Meanie Me: Oh come on! I thought you’re a law student? Ignorantia Legis Non Excusat. You ought to know that ignorance of the law excuses no one from compliance thereof. Hmm..sa bagay, pwedeng hindi applicable sa situation na ito ang general principle na ito ng law. Pero common sense lang naman, enclosed area ito at public place so hindi kayo dapat magharutan o magdaldalan ng malakas na para bang nakikipagtawaran kayo ng banre-banyerang isda at gulay sa Balintawak Public Market! Pero oo nga pala, common sense is not common to everyone. Pero hindi ba tinuturuan naman tayo ng good manners and right conduct o di kaya values education sa eskwela? Huwag niyo sabihing tuluyan nang inalis ang pagtuturo nito kapalit ng pagpapahusay raw ng pagtuturo ng English, Math at Science!? Kung sa bagay, hindi rin kasi natututunan sa paaralan ang breeding!
Girl 1: bukas magdadala ko nun gamot, yun nilalagay sa ilalim ng dila para bumaba ang dugo
Girl 2: ano yun?
Girl 1: meron ganun eh, nakalimutan ko pangalan basta nilalagay sa ilalim ng dila pampababa ng dugo
Girl 3: bakit?
Girl 1: high blood eh (sabay turo sa guard)
Meanie Me: Let me guess, are you referring to Norvasc? Sige, magdala ka ng marami ha! Mahal kasi yun eh. But you know what, maybe you should really speak in English because you’re Tagalog is so poor! Maybe you belong to a clan of foreigners so you don’t speak Tagalog at home though to tell you the truth, you don’t seem to look like one! Hindi po ang dugo ang bumaba
ba – ano akala mo run, parang tubig sa washing machine na nakadrain?! Blood pressure hija, blood pressure ang bumababa. Hay naku po, matutuyuan ako ng dugo sa babaeng ito!
Girl 1: o kaya magdadala ko ng pito, hihipan ko rin!
Meanie Me: Anong oras kang sasakay dito bukas? Iiwasan ko na lang makasabay ka ulit kasi dumarami lang ang kasalanan ko sa iyo eh!
Girl 2: (biglang may pinulot na nahulog sa floor. Apparently, yun isang bracket ng braces niya)
Girl 3: uy, yun ngipin mo nahulog!
Girl 2: (parang nahiya ng konti) yun sa brace ko yun
Girl 1: hahaha..naalala ko tuloy yun teacher ko dati, nahulog yun pustiso!
Tawanan sila nang tawanan habang nagkukuwento si Girl 1 about her teacher. ‘Di ko na pinag-aksayahan ng panahon alamin yun kuwento kasi naman puro tawa lang narinig ko and I feel sorry for the teacher for two reasons: (1) gawin bang laughing stuff ang iyong embarrassing moment, and (2) nagkaroon siya ng estudyanteng tulad nito na nagmamarunong at nagmamataas eh lalo naman nagmukhang mangmang walang breeding.
PR System: Next Station, Araneta Center-Cubao; ang susunod na istasyon ay Araneta Center-Cubao.
Tumigil na rin sa katatawa ang tatlo. Biglang naisip planuhin ang mga gagawin nila kinabukasan, nag-usap tungkol sa mga dapat isubmit sa eskwela.
Meanie Me: May dapat naman palang pag-usapan na matino at kapaki-pakinabang na bagay eh, bakit di ginawa kanina pa!
PR System: Approaching Anonas Station; Paparating na sa Anonas Station.
Tuloy sa pag-uusap ang tatlo, reklamo naman sa mga deadlines sa project at papers na ang dami at sabay-sabay.
Meanie Me: Sayangin niyo ba naman oras niyo sa pagtatawa sa kapwa eh tapos rereklamo kayo na kulang ang oras!
The train comes to a full stop at Anonas Station, once again I witnessed the law of inertia in action. The door opens..
Girl 1: (trying pa rin to speak in English este, Taglish naman talaga hindi straight English) ..ay oo nga that one pa! Pwede kayang TO BE FOLLOWED na lang yun?
Meanie Me: SHOCKS, DI KO NA KAYA ITO! WHAAAAAA..BUTI NA LANG BABABA NA AKO!!!
Gusto ko sanang sikuhin sa batok nun dumaan ako eh, tutal di naman siya katangkaran (not to mention feeling lang niya kagandahan siya kung mag-inarte at manlait ng kapwa). Kaso lang, ‘wag na baka mareklamo pa ko ng physical injuries eh. Pero pwede ko kayang gawin depensa ang “battered eardrums syndrome?”
SHOCKS! TINAMAAN ATA TALAGA KO SA NAINOM KO! whehehehe...