Wednesday, March 19, 2008

kapag may nagsabi sa'yo na... ang bratinela kong tugon

  • kapag may nagsabi sa'yo na masama siyang tao...MANIWALA KA SA KANYA, NO QUESTIONS ASKED!
  • kapag may nagmaganda na nag-edit ng trabaho mo na sa totoo lang ay inaprub na ng director mo...sabihin mo ito: THANKS FOR THE INITIATIVE. YOU EDITED MY WORK WHICH THE DIRECTOR ALREADY APPROVED SO I GUESS YOU HAVE A DIFFERENT APPROACH OR STANDARD IN WRITING. WELL I CAN'T BLAME YOU FOR THAT, KANYA-KANYANG STANDARDS YAN BUT I AM SORRY BECAUSE MINE IS HIGHER AND I HAVE NO PLANS OF YIELDING TO YOUR'S (sabay show ng iyong sweet and charming smile)
  • kapag may nagtanong sa iyo kung bakit wala ka pa rin boy friend...sagutin mo ng: BAKIT, REQUIRED?
  • kapag may nagtanong sa iyo kung bakit ka na-inlab sa taong mahal mo...sagutin mo ng: KAILANGAN BA NG EXPLANATION NUN, HUH, HUH, HUH?!
  • kapag may nagtanong sa iyo kung bakit mo ginagawa o gagawin ang isang bagay...manindigan ka at sabihin mong: GUSTO KO EH! WALA NAMAN AKONG GINUGULANGAN NA TAO AT DITO AKO MALIGAYA -- YUN ANG MAHALAGA (no further explanation required)
  • kapag nauubusan ka na ng pasensya at malapit mo nang batuhin ng lamesa yun taong kina-iinisan mo pero ayaw pa rin tumigil...LUMAYAS KA MUNA SA HARAP NIYA O MAGKUNWARING DI MO SIYA NAKIKITA. ISIPIN MO NA LANG NA HINDI KASI HAPPY ANG CHILDHOOD NIYA!
  • kapag hindi mo matanggap ang "pagtutuwid" na ginagawa ng isang nakatataas sa iyo dahil alam mo naman na tama at di hamak na mas maayos ang gawa mo...SUMANGGUNI SA MAS CREDIBLE AT MAS MATALINO NA MAAARING MAG BACK-UP NG PANIG MO! MAGRESEARCH AT GUMAWA NG ATTRACTIVE NA "TRIVIA" HINGGIL SA PARTIKULAR NA ISYU AT I-POST SA BULLETIN BOARD, BUNDY CLOCK, PINTO NG CR, AT IBA PANG CONSPICUOUS PLACE SA OPISINA KUNG SAAN TIYAK NA MABABASA NIYA. MAAARI RING MAGPALAMINATE KA NITO AT ILAGAY SA ILALIM NG TOPGLASS NG TABLE NIYA (PARANG DESIGN)! KUNG HINDI KA NAMAN ARTISTIC, PADALHAN MO NA LANG NG MEMO O KAYA E-MAIL MO SA KANYA YUN REFERENCE MO!
  • kapag di mo mapigilan ang pagiging bratinela...MAGPOST KA NA LANG SA BLOG MO NG TULAD NITO, KESA NAMAN MAPA-AWAY KA!
PEACE!!! :)

2 comments:

  1. RE this post and the previous one... SINONG NANG-AWAY SA 'YO, ANONG GINAWA NIYA, AT KELAN KA SUSUGOD? pag kelangan mo ng resbak (which i doubt, kasi retorts mo pa lang, enough na), tek mo ko.

    ReplyDelete
  2. ahehehe...wala ateh, wala! naisip ko lang ang mga meanie but witty retorts na yan while talking with a friend one afternoon.

    resbak?? basta pag kelangan ko ng backup contact agad kita! hahaha.. so far, hindi pa. peace-loving citizen ako eh (ngyarks, baka biglang kumidlat! haha..)

    ewan, basta sa mga di inaasahang pagkakataon eh bigla ko na lang nasasabi ang mga hirit ko na minsan iniisip ko rin kung bakit ko nga ba nasabi..ahehe..marami yun eh!

    ReplyDelete