Monday, May 10, 2004

I woke up early to vote (my first time at that). Luckily, wala pa naman pila sa polling precinct. I was just upset to know that my brother is not in the certified voters’ list—he wasn’t able to cast his (first) vote (sana). Maraming speculations and hearsays about this election, bago pa man sumapit ang araw na ito. Kung minsan, hindi ko na alam kung sino ang dapat paniwalaan. Gusto ko pa rin sanang magtiwala sa innate goodness and conscience ng mga tao, pero as I’ve learned a bit earlier in this life of mine, inherently wicked na ang mga tao. What more can I expect, this is a fallen world sabi nga, at mula sa kauna-unahang ninuno ng lahi ng tao pa nagmula ang sinful nature. Meron innate goddness, oo pero it takes more than just one’s will power to let it out. I don’t want to be preachy here, alam ko on my own, marami rin akong flaws, but I’m learning to leave each day asking for guidance from the Lord. As for me, I did my part so whatever happens, hindi ako babagabagin ng aking conscience. Much for the elections.



Some minutes ago, I just felt so sad. Ang daming taong nawawala…Ewan ko, siguro na-miss ko lang yung friend ko dati (let’s call him Kermit). I also wonder what happened to my Kuya Jimay, nde na siya nagte-text ngayon…I hope he’s okay. I also tried to contact some high school friends, but their mobile and landline phones are no longer at work. Haay, people…they just come and go. Sabi nga, some of them just pass by slowly and unnoticed. Yun iba will just pass by, share some moments with you then walk out of your life pero wala lang, it’s easy for you to consider them as just part of yesterday. There are some naman na you’re so used to their presence that once they left you’d miss them a lot. Then there are still some who passed by unnoticed, then went back, talk to you for a little while, then leave you longing for their company. Naisip ko lang, siguro I have to let go of sweet memories of Kermit problem is, I don’t know how and where to start. For sometime, I’ve convinced myself that Kermit is not worth all those sadness but I still end up missing the sweet Kermit. Minsan, naiinis ako at sa sobrang inis ko, gusto ko siyang i-dissect na para bang nasa biology class ako! But then again, ano nga ba ang real reason kung bakit ako naiinis?



Haay…parang walang sense ang mga sinasabi ko rito…susubukan ko na lang matulog…

Saturday, May 08, 2004

I’ve been listless the past two weeks or so. There were not a few times when people would ask, “ano ba iniisip mo? Bakit ang layo ng tingin mo? Bakit ang lungkot mo?…” Madali rin akong maasar…Feeling ko parang ang dami kong iniisip pero wala naman akong magawa…lalo tuloy nakakalungkot. Nililibang ko na nga lang sarili ko sa iba’t-ibang bagay pero pansamantala lang naman yun, para bang deep inside, sad pa rin ako. I miss CJ so much. Feeling ko kasi he’s so far from me, miss ko na yun comfort of knowing that he’s always around for me. Okay, I admit, fault ko rin naman kung bakit ganito eh. Masyado kasi akong naging relaxed knowing na he’s always ready to help me in everything, yun bang feeling ko I don’t have to do anything in return so I more often than not neglected him. Parang lately kasi mas iniisip ko yun mga trabaho, yun mga friends ko, problems ko and other things. Isa pa, mga ilang araw din na di maganda pakiramdam ko, parang magkakasakit ako na di ko maintindihan. Nung Wednesday naman, sumakit ang tyan ko, absent tuloy ako ng Thursday, and top it all, di ako makakain dahil nga sumasakit ang tyan ko. Naisip ko nga, ano ba, may kinalaman ba rito ang bilog na buwan at meteor showers? Ha ha ha…of course alam kong wala naman connection, that’s just a sort of a joke. Maybe I just need some more time…

Saturday, May 01, 2004

Oh, well...I guess meron pang ibang nakakarelate rito aside from me...mushy indeed!!! =)



Alam mo, nalulungkot ako palagi, kasi nami-miss na kita, ang daya mo kasi eh, bigla mo na lang akong iniwan, tama ba naman yun? Siguro mali lang ang akala ko, sori ha, di ko naman sinasadyang mangyari ito eh, hindi ko naman talaga ginustong ma-miss ka at maalala araw-araw. Hindi ko naman sinasadyang magalit sa iyo dahil iniwan mo ko. Oo, galit ako sa iyo. Galit ako dahil araw-araw, sinasaktan mo ko. Nasasaktan ako dahil iniwan mo ko. Iniwan mo ko nun mga sandaling kailangan kitang makasama o maka-usap man lang. Ano bang right ko para magalit sa iyo? Bakit ba ko nagdedemand ng atensyon mula sa iyo? Sino ba naman ako sa buhay mo di ba? Sori, nakalimutan ko, wala nga pala kong right. Hindi ko naman sinasadya eh, hindi ko naman ginusto ito, pero wala akong magawa, ito talaga ang nararamdaman ko. Sori, hindi ko naman sinasadyang mahalin ka.



Sayang, sana hindi ka umalis agad, sana man lang nasabi ko sa iyo ang mga gusto kong sabihin. Sana nandito ka sa tabi ko ngayon.



Naiiyak na naman ako. Sori, iyakin talaga ko eh, para talaga kong bata. Don’t worry, di ko naman ipagpipilitan sarili ko sa iyo eh, siguro nga I’m so immature for you. Parang gusto ko tuloy pagsisihan ang araw na nakipagkilala pa ko sa iyo. Sana hindi ko na lang hinayaan ang sarili ko na makipagkaibigan sa iyo. Akala ko naman kasi harmless lang yun eh, yun pala ganito ang mangyayari. Ang alam ko nasabi ko sa iyo na never pa ko nagka-boyfriend, hindi ko alam kung naniwala ka o hindi, sabi mo pa sa akin siguro pihikan ako. Sabi ko di naman ako pihikan, pero sana nasabi ko rin ang totoong dahilan kung bakit. Kasi, hindi ko talaga alam kung paano makipag-deal sa mga guys, I mean yun things like dating, courtship, whatever you call it. Hindi ko kasi ma-gets yun mga guys eh, I mean yun mga nakilala ko before. Yun iba, feeling ko tingin nila one of the boys ako. Then there’s this one who made me feel so special that he ended up pissing me off more often than not. At one point, I felt like I’m beginning to like him siguro kasi he has his own way to make me smile or laugh kahit inis ako, tsaka somehow, he made me feel special, kahit na confused pa rin ako sa reasons niya why he’s doing all those things. Sabi ko nga sa close friend ko, siguro kung sineryoso lang niya na niligawan ako, siya yun una kong naging boyfriend. Sobrang na-confuse ako lalo nun may nagsabi sa akin na he’s gay. Anyway, mula nun, sabi ko sa sarili ko mag-aaral na lang akong mabuti, besides, usapan namin ng mama ko na hindi ako maboboyfriend until I graduate from college. Meron akong mga ibang crush, crush as in, wala, hanggang dun lang. Nasabi ko yata sa iyo yun noon minsang nag-usap tayo. Crush ko sila but not necessarily gusto ko silang maging bf, alam ko naman na di pwede. They’re relatively young, about your age, pero they’ve already accomplished a lot in their lives. Yun yung mga crush na pang-inspire lang to aim for higher goals in life.



Pero what I want is someone who can be with me as I go through life. Someone with whom I can share my dreams, my fears, my happy days, my sad days, someone who can be my big brother to guide and if needed protect me, my best friend to be with me through ups and downs, my little brother para makipag-kulitan at asaran, I like someone who can help me realize na may mga bagay sa mundo na kahit ayaw ko, matututuhan kong tanggapin at intindihin. I like someone with whom I can be the child in me and at the same time patiently watch me grow into a lady. I like a man whom I can respect—someone who can stand and defend his principles, but I know I tend to be childish most of the time, and worst, I can be as stubborn as a brat, so I like someone who would also care for me enough to give-in to my petty wishes at times. I like someone whom I can talk with about almost anything. Noon, tinanong mo ko kung ano ba gusto ko sa guys, hindi kita masagot, kasi hindi ko rin alam. Pero nun araw na iniwan mo ko, narealize ko na more than anything, and more than the physical appearance, ito yun gusto ko sa guy. Nun una, pinilit kong iwasan ka kasi yun mga ayaw ko sa guys nasa iyo na yata lahat, pero I can’t be that mean to drive you away while you’re offering friendship, so nakipag-friends ako sa iyo. But in that short time na nakilala kita, narealize ko na mas importante pala yun character ng isang tao. I realized that I could actually see beyond what’s superficial and look into one’s heart. Sana nasabi ko sa iyo na ikaw yun gusto ko, before you left. Sana hindi mo ko iniwan agad, sana nasabi ko man lang sa harap mo na mahal kita.



I won’t forget that night in July that brought you into my life. Sayang, akala ko pa naman you’re here to stay, kaya lang, wala pang four months, iniwan mo na ko. Hindi ko na tuloy nasabi how much you meant to me, katulad ka rin nun dati kong classmate, you made me feel more confused. Sana hindi ka na lang nakipagkilala sa akin, siguro mas okay pa ang buhay ko. Pero ano naman ba sa iyo kung masaktan ako di ba? Siyempre, you don’t care, perhaps you never did, but why do you have to come into my life then leave me all of a sudden? How could you be so cruel? You made me fall in love tapos you don’t intend to catch me pala. Ikaw pa naman ang nagsabi sa akin na mahalaga ang puso, tapos wala ka rin naman pala nito?



Hindi ko nasabi ito bago mo ko iniwan, gusto ko sanang malaman mo na kahit ayaw ko minahal kita, you made me fall in love, kaya lang iniwan mo naman ako—ang sakit nun. Siguro nga I was just so immature at that time. Siguro kung may makikilala kong ibang guy ngayon, I’ll be more mature. Maybe I have to start all over again, meaning makipagkilala sa ibang tao, kahit total stranger na tulad mo, or maybe he’s just around or in my circle of friends. I wish I’d get over this pain in my heart soonest.



Sana somehow makarating sa iyo ang letter na ito. Sana somehow ma-realize mo na para sa iyo ito. Sana kahit papano, malaman mo na nasaktan mo ko, kahit na siguro hindi ito mahalaga sa iyo. Sana when I meet a new one, I’ll be mature enough to handle the situation, whatever that may be; pero for now, I still have to learn to accept na wala ka na. Masaya ka na siguro dyan, mabuti ka pa. Ako, eto, nami-miss pa rin kita…