Sunday, August 07, 2005

Tuwing Umuulan

Minsan, nagsasawa na rin akong magsulat ng tungkol sa feelings ko kapag umuulan. Kadalasan kasi, puro malulungkot na bagay ang naiisip at naisusulat ko. Ewan ko ba, masarap yatang magpakasenti kapag umuulan, napaka perfect nun gloomy na atmosphere. Pero nakakasawa naman magpakasenti lagi noh! Kaya, para maiba naman, iba naman ang inisip ko.

Ilang araw na rin kasing umuulan kaya inisip ko yun top ten masasayang bagay na ginagawa ko noon kapag umuulan..mga bagay na nami-miss ko ngayon at sana pwede ko ulit gawin sa mga darating na araw..

(1) Siyempre, ang maligo sa ulan (pwede siguro, dun lang ako sa loob ng bakuran at isasarado ko yun gate)
(2) Punuin ng tubig ulan yun drum para magswimming sa loob nito (hindi na masaya ito kasi lagpas bewang ko na lang yun drum eh dati kasi hanggang leeg ko yun!)
(3) Makipagbatuhan ng plastik na may tubig - a la water grenade (wala na kong kabatuhan ngayon)
(4) Gumawa at maglaro ng bangkang papel (yep, why not?!)
(5) Maglaro ng putik (yoko na nito kasi pangit yun lupa sa bakuran namin ngayon, di tulad nun sa dati na parang clay)
(6) Magduyan sa ilalim ng patak ng ulan (wala na kaming swing eh..pero last time kong nagawa ito June last year..sa isang park..sarap ulitin kung may pagkakataon)
(7) Mamitas at kumain ng bayabas pagkatapos ng ulan - hindi ko alam kung bakit nahihinog ang bunga ng bayabas kapag umuulan (sayang, wala na kaming puno ng bayabas)
(8) Umakyat sa puno para manghuli ng salagubang - pero takot akong magapangan ng salagubang (hindi ko alam kung marunong pa akong umakyat ng puno..tagal ko na palang hindi nagawa ang umakyat sa puno!)
(9) Paanurin na parang bangka yun tsinelas ko sa gilid ng kalsada (ngyek! Yoko na nito..marami na kasing nakatira sa amin eh, dati kasi bukod sa bata lang naman ako eh kaunti pa lang nakatira sa lugar namin at kilala namin mga tao. Ngayon, ewan..dami-dami na nila..)
(10) Manood lang ng pagbuhos ng ulan habang nakadungaw sa bintana (this I almost always do)

No comments:

Post a Comment