Friday, July 27, 2007

itim...puti...kulay...buhay...

hindi ba kulay din naman ang itim?

naalala ko yun sagot ko sa isang kaibigan na nagsabing makulay ata ang isang aspect ng aking buhay

tama naman ako hindi ba?

at alam ko na alam mo kung bakit iyon ang sagot ko

wala akong nakikitang negative connotation sa kulay na itim

pero ang sagot ko sa tanong na kung kasama ako sa isang box ng crayola, anong kulay ako ay: puti

hindi dahil maputi ako -- eh tinutukso nga ako na baluga ng ate ko nun maliliit pa kami eh! pambihira yun, maputi kasi siya!

puti, kasi sa box ng crayola yun ang hindi ko ginagamit

marami naman atang hindi napapansin ang kulay puting crayola

hindi naman kasi halos nag-iiwan ito ng marka sa bond paper dahil nga puti siya

pero kahit na ganun, kasama pa rin siya sa kahon

hindi kumpleto ang laman ng kahon kung wala siya

pero nasubukan mo na bang iguhit ang puting crayola sa manila paper?

nasubukan mo na bang patungan ng puting crayola ang nauna mo nang naiguhit sa papel?

oo, hindi niya nabubura ang nauna pero nag-iiwan ito ng kakaibang timpla sa kulay


kalimitan, nauubos o nawawala ang ibang kulay pero naiiwan ang puting crayola


teka, ano bang patutunguhan nitong mga sinasabi ko?

naalala ko lang kasi
sayang


pero hindi rin pala sayang


ayaw ko ng manghinayang

ayaw ko ng bilangin ang mga oras, araw, buwan at taon na dumaan

minsan ayaw ko na rin maalala ang lahat

pero hindi rin maiwasan at hindi mapigilan

may mga lugar, bagay, oras, petsa, tao at pangyayaring nagpapaalala ng lahat

bakit ba kasi ginawa mo pang komplikado ang buhay?

alam kong wala kang isasagot

hindi na rin ako naghihintay pa ng sagot

kung dumating man o hindi ang araw na handa ka nang sagutin ang mga tanong ko, bahala na
pero naisip ko -- sa box ng crayola lang naman tinatawag na kulay ang itim at ang puti. sabi kasi sa science, ang itim ay ang pagsasanib ng iba't-ibang kulay at ang puti ay ang kawalan ng kulay. 

kung ganun, masasabi mo nga bang makulay ang isang bagay kung lahat ng kulay ay nagsanib-sanib sa kanya at naging itim ito? parang chaotic, magulo, nakakahilo, masakit sa ulo, masakit sa mata, minsan pati sa puso.

mas gusto ko pa rin ng puti. wala man kulay, pwedeng lagyan -- welcome ang ano mang kulay upang makihalo, pero sana 'wag upang paglaruan lang...kapag kasi laging ganun, magiging itim na rin ang puti.

Wednesday, July 25, 2007

readings...

para akong estudyante ulit dahil ang dami kong readings! nope, hindi naman required readings ito, gusto ko lang basahin ang mga bagay-bagay na sa palagay ko dapat kong malaman bago pa man dumating yun oras na kailangan ko nang gumawa ng kung anik-anik na papers at comments. naisip ko lang kasi paano ko naman mabibigyang hustisya ang gagawin kong yun kung hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko? hindi ko lang kasi trip na i-magnify ang kakayahan ko. i'd rather stay low profile muna and master enough knowledge and skills regarding the trade. at least bago ko ipikit ang aking mga mata sa gabi (madalas nga madaling-araw na), content naman ako dahil nagampanan ko ang mga dapat kong gampanan (oh well, most of it). tsaka siyempre, mas okay yun mag-aral muna para naman pagharap mo sa kung ano man eh confident ka noh!

uwi na ko kasi gabi na naman! nakakatakot na rin umuwi mag-isa kasi dumarami na talaga ang masasamang elemento sa daan. tsk..tsk..tsk.. muntik na nga ako mag ala 100-meter dash sa overpass sa don antonio nun lunes ng gabi kasi yun kasalubong kong mama nakakatakot, parang gusto niyang mangharang sa overpass, yun tipo bang feeling niya nakikipaglaro ako ng patintero. eh di iwas ako at halos takbuhin ko ang buong stretch ng overpass! napansin din pala yun nun isang babaeng nauna sa akin ng mga 3 meters pero nakasabay ko na rin pagbaba ng stairs sa BPI side sa pagmamadali ko. hay, thank you Lord talaga at hindi naman ako napapahamak!

Tuesday, July 24, 2007

ang dami kong tanong...gusto mo bang sagutin?

'wag na lang kaya, baka hindi naman ako handang pakinggan ang isasagot mo

kung sa bagay, hindi ko rin alam kung paano sasabihin ang mga ito

at alam ko rin namang hindi ka handang pakinggan ako
at lalo namang hindi ka handang sagutin ang mga ito

okay lang

sabi sa akin, in due time things will be all right

alam ko naman yun pero salamat sa affirmation

sa pagdaan ng mga araw, lalong dumarami ang tanong ko

hindi ko na minsan alam kung alin yun totoo at alin yun kathang-isip lang

kaya nga ayaw ko na isipin eh, nagiging komplikado lang

ayaw ko ng ganito

simple lang naman kasi ang buhay eh

bakit ba ginawa mo pang komplikado?

tsaka na lang nga

darating din yun tamang oras

siguro

uncertain naman lahat ng bagay sa mundo eh

isa lang ang sigurado ako at sa ngayon at yun na lang muna ang pinaniniwalaan ko

Monday, July 23, 2007

Kumusta Naman Ako?

May mga nagtatanong kung kumusta na ako dalawang linggo mula ng lumipat ako sa kasalukuyan kong opisina. Sandali, sa mga hindi pa nararating ng tsismis, opo, lumipat na ako ng opisina pero same agency pa rin. Malabo ba? Kasi shift from executive support to technical ang drama ko these days. Sa ngayon narito na ko sa second floor ng main building, sa Policy Development and Advocacy Division. Honestly, nangangapa pa rin ako rito, kahit na nga same agency pa rin naman. Siguro kasi nasanay ako ever since na nasa executive support ang beauty ko. I haven’t earned the right yet to compare kung alin ang mas okay pero sa tingin ko, parehong challenging ang trabaho. Hindi pa ko makapagsulat ng mas malalim na analysis kaya mga mababaw na adjustments na lang muna ang isusulat ko.

MISS KO.. ang dati kong room and all the amenities. Ang makukulit kong kasama na sina Tita Chat at Tita Dez na kahit marami kaming ginagawa eh lagi pa rin kaming masaya at nakatawa. Sagot nga namin ni Tita Dez sa kung paano magcope with stress eh, we laugh and make fun out of it!

ENJOY AKO.. kasi sa unang pagkakataon (or at least sa pagkakatanda ko), I attended the agency planning workshop na hindi ako documentor or secretariat! Hehe..sarap ng feeling! Sabi nga ni Lowlah Maecel sa akin, “aba hindi ka na documentor ngayon!” Sagot ko, “ay oo, at last graduate na ko sa trabahong yan!” Not that I don’t value the task of documenting the process, actually it’s a very challenging task. Pero kung ilang taon ka ba naman pagdocumentin ng kung anik-anik na mga planning at meetings eh di ka ba naman magsawa?! Not only that, meron ka pang maririnig na ibang nagko-comment as if ang dali-dali lang ng ginagawa mo..ay, kung pwede lang ibato ko ang laptop sa kanila at sabihing, “madali pala eh, di ikaw kaya gumawa?!” Siyempwe, nagpupumilit pa rin akong magkaroon ng kahit kaunting ounce ng diplomasya at pasensya kaya dead-ma na lang sabay borrow ng line line ni Jesus na, “patawarin Niyo po sila, hindi nila alam ang kanilang ginagawa” at dagdag ng “sorry po at ako’y nag-isip ng masama sa aking kapwa, tulungan Niyo po akong maalis ito sa aking isipan.”

Kung hanggang kalian ako sa kinaroroonan ko ngayon, hindi ko alam. Nothing is permanent in this life except change nga di ba? Abangan na lang natin ang mga susunod na kaganapan.

Sunday, July 22, 2007

When You Say You Love Me

Like the sound of silence calling,
I hear your voice and suddenly I'm falling, lost in a dream.
Like the echoes of our souls are meeting,
You say those words and my heart stops beating.
I wonder what it means.

What could it be that comes over me?
At times I can't move.
At times I can hardly breath.

When you say you love me
The world goes still, so still inside and
When you say you love me
For a moment, there's no one else alive

You're the one I've always thought of.
I don't know how, but I feel sheltered in your love.
You're where I belong.

And when you're with me if I close my eyes,
There are times I swear I feel like I can fly
For a moment in time.
Somewhere between the Heavens and Earth,
And frozen in time,
Oh when you say those words.

When you say you love me
The world goes still, so still inside and
When you say you love me
For a moment, there's no one else alive

And this journey that we're on.
How far we've come and I celebrate every moment.
And when you say you love me,
That's all you have to say.
I'll always feel this way.

When you say you love me
The world goes still, so still inside and
When you say you love me
In that moment, I know why I'm alive

When you say you love me.
When you say you love me.
Do you know how I love you?

I just love Josh Groban's soulful rendition of this song. 

Thursday, July 05, 2007

kooky mode

I feel like am floating. Na-ah..hindi ako lasheng (di na ko umiinom noh, matagal na! tsaka di naman talaga ko naglalasing); at lalong di ako nakadrugs (ayoko nun!); masama lang talaga pakiramdam ko.

Royal at skyflakes. Sinamahan ako ng friend-officemate ko to buy lunch dyan sa labas kanina. Sabi ko, "punta tayo kay lola (yun nagtitinda sa sari-sari store dyan sa Aguado), bibili ko ng royal kse masama pakiramdam ko eh." Naikwento ko kasi sa kanila dati na skyflakes at royal ang kinakain at iniinom ko noong maliit pa ko (opo, nun maliit pa ko kasi lumaki naman ako ng konti eh) sa tuwing me sakit ako. Sabi nun friend ko, "ewan ko ba kung saan niyo nakuha yan paniniwalang yan, pareho kayo ni tita Loren (yun aming Deputy Director)." Napaisip tuloy ako kanina kung saan nga ba galing ang concept na yun! Basta ang alam ko eh may iba pa akong kakilala na skyflakes at royal rin ang staple food pag may sakit. Kung anuman ang meron sa pagkain at inuming ito na nakapagpapabuti ng pakiramdam ay hindi ko alam -- in the first place, wala naman ata! Basta nakasanayan ko lang yun, ewan ko sa iba. Pero di pa rin mabuti ang aking pakiramdam ngayon. Siguro dahil uminom lang ako ng royal kanina pero di ako nakakain ng skyflakes kasi walang tinda si tita baby eh! ngyahahaha..

Napapaligiran ako ng mga papel. Ang dami-daming papel! Lalo tuloy ako nahahatsing. Di bale, malapit ko na matapos ito. Nilagay ko na sa boxes ang mga gamit ko (yun mga personal employment files at anik-anik, training kits/manuals at ilang reference books na nakuha ko mula sa kung anu-anong conference na inorganize at inattendan ko).

Sa isang linggo nasa ibang office na ko. Hindi ko pa alam kung anong klaseng life ang nakalaan sa akin paglipat ko. Kung tama ba o mali ang pagpili ko, hindi ko na iniisip kasi nga tulad ng sinabi ko sa recent post ko, ang bago kong concept ngayon eh wala naman tama o maling choice o decision. Bahala na si Lord, basta go lang ako.

"Buti naman tatanggapin at mamahalin daw nila ko..uy, may magmamahal na sa akin!" Yan ang part nun sinabi ko nang hingan ako ng short message nun Monday sa flag raising ceremony. Ewan ko ba naman kasi bakit kailangan pa yun ek-ek na ganun noh! Kung bakit ko nasabi yun, siguro yun subconscious mind ko lang ang nakaka-alam. Wala pa akong panahon para i-process yun sa ngayon kasi nga busy ako sa paghahanda sa aking paglipat. O baka rin hindi ko na lang isipin pa yun ever again pag lumipat na ako.