Monday, October 29, 2007

clouded minds, wounded hearts; play with words, never with hearts

"ang tigas kasi ng ulo mo! i told you, useless rin na pag-aksayahan pa yun ng panahon. ang dami naman kasing ibang pwede, ayaw mo lang i-try."



just let me go through this at my own pace. no need to hurry, am not in a rush.



"ikaw kasi, masyado kang malihim. kung sinabi mo yan sa akin noon, i would have done something.."



sorry but don't you realize that this is the first time that we ever talked about our personal lives? and how do you expect me to talk with you about him when it is him who took my attention off from you? ang labo, pare!



"nope, you're not stupid! siya ang may problema hindi ikaw!"



alam ko! feeling nga lang eh, ano ba?!



"bakit ang hirap niyang mahalin?"



huh? mahirap ba? eh mahal mo 'di ba? nahirapan ka ba? sa tingin ko ang dali nga eh, mabilis!



"alam mo ba yun good news? nabalitaan mo ba na he's around?"



wala akong alam. wala akong balita. hindi ko rin alam kung gusto kong malaman pa.



"paano kung gawin nga niya yun?"



ewan ko. basta, ayaw ko na pagdaanan ulit yun sakit. ayaw ko na pag-isipan kasi masakit pa rin.



"hindi ba kasama yun sa worries mo?"



hindi naman. hindi na. ewan ko, dati kasi hiniling ko yun eh. may dumating, i thought that's the answer pero hindi pala..hindi siguro kasi magulo eh. hindi ko na lang iniisip sa ngayon kasi ang dami kong ibang dapat asikasuhin sa sarili ko.



"mag e-effort ba yun ng ganun kung hindi ka gusto?"



bakit ako tinatanong mo?!



"confused ako..."



confused about what? unless handa kang marinig ang sasabihin ko at sagutin ang itatanong ko, 'wag mo kong kulitin tungkol sa confusion mo! paikot-ikot lang kasi usapan natin eh, nakukulitan na ako sa'yo!



"sabi ko na kasi sa'yo..."



oo nga, at sana naniwala ako na masama kang tao. maybe am just too smitten to realize na sa lahat siguro ng sinabi mo yun lang ang totoo!



"parang hindi sila bagay, maganda siya eh"



'wag mong tingnan yun physical, ano naman gagawin mo sa boyfriend na hunk kung di mo naman makasundo o kaya ginagawa ka lang pandisplay?



Sunday, October 28, 2007

thankful (ang aking late birthday blog)

It's been 28 years and 10 days since my very first "uwwwhaaaa..."





I am thankful.





...sa pamilya at mga malalapit na kaibigan, sa pagbati, sa pagkain, sa regalo, sa pagsama, sa pag-alala. Salamat sa isang taon ng pagpapasensya, ng pag-unawa, pang-asar, pag-alaga, pag-gabay, pagmamahal.





...kay Lord, salamat sa unconditional love, sa unending grace, sa guidance, sa life, sa strength, sa wisdom, sa lahat ng blessings.





...for all those people who touched my life--mga nakilala, nakatrabaho, naka-usap...salamat sa dagdag na kulay sa buhay.





Salamat sa ligaya...sa panibagong taon.

Wednesday, October 10, 2007

random thoughts

  • Time flies.
  • People? They die.
  • Sometimes I can't remember how to forget; other times, I forget to remember.
  • I don't have my mobile phone with me the whole day..haven't noticed the difference!
  • I used to think that life is fair.
  • Some people are just plain rude.
  • Hey, but there are nice ones too!

Saturday, October 06, 2007

Q.C. Kapteyn Linis song

Ahem...maayos pa pala ang memory ko at medyo may natandaan pa ko sa lyrics nun Kapteyn Linis Jingle na nabanggit ko sa previous post ko. Eto yun, pero di ko sure kung tama nga lahat...anyway, may sense naman pag binasa eh. Male voice ang kumanta niyan pero di ko alam kung sino siya at sino ang sumulat ng lyrics. Tagal na kaya nun, Grade six pa ko (1991-1992)!



Gising na, kumilos na
Tayo ay maglinis na
Sama-samang magtatanim
Gaganda ang bukas natin



Malinis na Paligid magmumula sa'tin
Kung ang ating lungsod ay ating mamahalin



Ngayon atin nang natatamasa
Lungsod na maunlad at malaya
Lungsod Quezon tulung-tulong tayong
Pagyamanin ang tahanang ito



Lungsod Quezon, Lungsod Quezon
Tulung-tulong tayo sa kaunlaran
Lungsod Quezon, Lungsod Quezon
Tunay ngang hiyas ka ng Inang Bayan

Friday, October 05, 2007

Campaign jingle ng FIDEL Iodized Salt

Walang Bobo, Walang Talo
Kung Iodized Salt ang Gamit Nyo
Walang Bobo, Walang Talo
Mag-iodized salt tayo
Oh, ha..Let’s DOH it!



Iodized salt, iodized salt
Mag-iodized salt tayo
Iodized salt, iodized salt
Mag-iodized salt tayo



(spoken)
Basta’t may FIDEL logo,
Iodized salt po ito
Maging Matalino!



Iodized salt, iodized salt
Mag-iodized salt tayo
Iodized salt, iodized salt
Mag-iodized salt tayo



If anyone remembers, campaign jingle ito ng DOH (na inawit ni LA Lopez) noong panahon ni President Fidel Ramos. Kaya siguro FIDEL which by the way means Fortification for Iodine Deficiency Elimination. Panahon kasi ni FVR nun magkaroon tayo ng ASIN o yun Act Promoting Salt Iodization Nationwide (see, ang galing natin lumikha ng acronyms!).

recall...recall..

Kahapon ko pa nire-recall ang mga slogan at theme na may recall (kasi isa ito sa criteria nun pa contest sa office eh). Eto yun ilan sa mga natatandaan ko:



  • Kung Sila’y Mahal Niyo, Magplano (Family Planning Campaign)


  • Ligtas Buntis (Maternal Health)


  • Oplan Alis Disis (DOH Campaign)


  • Let’s DOH it! (DOH slogan ata ito)


  • Basurang Itinapon Mo, Babalik Din Sa’yo (Drive on responsible garbage disposal)


  • Save the User, Jail the Pusher (Anti-drugs campaign)


  • Boto Mo, Kinabukasan Ko (private sector ata ito on responsible voting)


Mga campaign mascots:



  • Yosi, Kadiri (anti-smoking campaign ng DOH na meron pang official mascot)


  • Eddie Exercise (ang mascot na nang-eengganyo sa mga taong mag-ehersisyo. High School ako noon eh so FVR time. Di ko sure kung galing ito sa DOH din o sa Dep Ed na dating DECS, basta ang natatandaan ko kahawig siya ni FVR – parang ginawa mong cartoons si FVR tapos naka short shorts at sando. Hey, Eddie ang nickname ni FVR di ba?)


  • Kapteyn Linis (Mascot ng Quezon City sa clean and green drive noong early 90's. Si Atong Redillas na dating child star ang nasa likod ng maskara ni Kapteyn Linis. Short-lived lang ang campaign na ito kasi proyekto pa ito under former mayor Jun Simon na nagpauso ng linyang "I Love Q.C." kaso lang noong mag-eleksyon natalo siya ni Mel Mathay at nauso ang "Smile Q.C." pero ngayon under Mayor Sonny Belmonte ang Q.C. ay hitik na hitik sa slogans na may initials na SB. Meron din palang campaign jingle si Kapteyn Linis..try kong i-recall ang lyrics, maganda siya eh pati ang melody. Paano ko nalaman ito? Eh kasi kasama ko run sa mga julalay ni Kapteyn Linis, yun Linis Brigade na mga batang nakasuot ng puti at lumibot sa mga schools sakay ng float, may bitbit na mga walis tambo, walis tingting, dust pan, basahan at may bunot pa ata!)

suhestyon ng mga timang para sa temang may recall

May contest sa office para sa theme ng nalalapit na 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW). Kagabi, napagkatuwaan namin ng isang officemate ang palitan ng text tungkol sa mga temang may recall.



BABALA: ang susunod ninyong mababasa ang pawang kalokohan lamang ng mga taong puyat at walang anumang kaugnayan sa opisyal na posisyon o pahayag ng ahensiyang aming kinabibilangan.



Carlo’s entries:



General themes/campaign slogan:



  • Bantay Kontra Blackeye


  • Karahasan sa Kababaihan: Totoong Problema, Hindi Chorva


  • Kampanyang Tiyak Pangontra Sapak


  • Laban Kabog, Tigil Bugbog


  • Karahasan sa Kababaihan, Isuplong sa Kinauukulan


Payo sa perpetrator:



  • Galit kay Inday, Ibaling sa Bonsai


  • Idinulot na Hibik, sa Impiyerno Triple ang Balik


Payo sa biktima:



  • Karahasan Isuplong sa Pulis, Di Baleng Matsismis


  • Reklamong Natengga, Para Mas Mabilis, Ipa-media


  • Kababaihan Pumalag, Huwag Hayaang Majombag




Honey’s entries:



Babala sa perpetrator:



  • Perpetrator ng VAW, Padilaan sa Kalabaw


  • Ang Mambugbog, Babatuhin ng Niyog


  • Pag VAW ‘di Tinigilan, Tadyakan Kita Jan


  • Karahasan ay Tigilan, Magbunot ng Hagdan


Payo sa biktima:



  • ‘Wag Magtiis, Pakagat Siya sa Ipis


Sa mga taga gobyerno:



  • Pag di Nagserbisyo, Suntok Mapapasa’yo


  • Ang di Magsilbi ng Tapat, Bugbog ang Katapat


Police to perpetrator:



  • Black eye na Binigay Mo, Ibabalik Sa’yo


DOH response to VAW:



  • Serbisyong Medikal Para sa Nahampas ng Bakal


DSWD response thru temporary shelter:



  • Libreng Tulog Handog sa Nabugbog


Private Sector participation/CSR:



  • Jollibee: Bubuyog Kontra Bugbog


  • KFC/Max’s: Manok Kontra Sapok


  • Gas stations: Iwas Dahas, Magkarga ng Gas


Carlo’s Official Mascot for the campaign:



  • Zaida: Pulis Pangkababaihan – Ang Parak Versus Sapak


Iba pang palitan ng kalokohan



  • Ulirang kawani, e-load walang pambili


  • Pang-asar sa mga mahilig mag-utos: "Di Mo Nga Magawa, Ako Pa Kaya"


  • Kay Carlo, dahil napuyat ako at sumakit ang tiyan katatawa: "Pag Bukas Ako’y Na-late, Bilhan Mo Ko ng Chocolate"


  • Text ni Carlo kaninang umaga: "Ang Ma-late Ngayong Araw, Bibigyan ng VAW;"  "Taga-ncfar na Antukin, Mag 3 in 1 Na Rin!"


Yun lang, kalokohan lang walang personalan. Ang susunod kong entry sa category na ito seryoso na (sana!).



Wednesday, October 03, 2007

birth month ko na naman! eto ang latest...



  • bago na look ng page ko. inalis ko na yun super mario na theme, black ang white na siya tulad ng blog ko.




  • third day ng birth month ko, three days na akong late sa office! ngyarks...ang sarap kasing matulog dahil laging umuulan sa umaga (sinisi pa ang panahon!)




  • just got a sad news from a h.s. classmate. our third year math teacher died raw of vehicular accident, birthday pa naman niya bukas (oct. 4). sad :(




  • ang dami ko na natanggap na birthday gifts! (read: dagdag sa to do list ko sa office)




  • nakita ko pala nun lunes yun crush ko sa congress!(hahaha..parang high school!)




  • am getting bigger, ang takaw kasi! kaya tuloy sinabihan ako nun officemate ko na kaya alam niyang ginamit ko yun pc niya at umupo sa workplace niya kasi lumubog yun cushion ng chair niya!


teka nga, next time na lang ulit..may makulit rito eh!