Saturday, November 29, 2008

another series of random thoughts

  • Huwag kayong malungkot para sa akin dahil hindi naman ako nalulungkot. Ayaw kong maging dahilan ng kalungkutan ng ibang tao. 
  • Nabanggit ko sa isang nakalipas na blog ang linya ng dati kong propesor sa taxation 1 na “I don’t get mad, I get even.” Pero dahil sa pinipilit kong magpakabait kuno, napagisip-isip kong masama ang maghiganti sa kapwa. Kung sa bagay, hindi naman talaga ako gumaganti (maliban na lang kung asaran lang ang usapan). At isa pa, nauubusan din ako ng pasensiya kaya hindi sa lahat ng pagkakataon eh mapipigilan ko ang sarili ko na mainis. Pero ‘di ba masama rin naman ang mainis? Hmm..paano na? Eh hindi ko talaga maiwasan pag sobra na eh! 
  • Naiinis ako sa mga taong hindi marunong umamin ng pagkakamali. Paanong mababago ang sitwasyon kung wala kang pagkilala na mayroon kang mga pagkukulang? Kung hindi ka pwedeng ituwid ng magulang mo eh di sana ikaw na lang ang magulang at siya ang anak. Kung mas magaling ka sa boss mo eh di sana ikaw na lang ang boss at siya ang staff. Hindi ko sinasabing maging sunud-sunuran ka sa kung kanino man. Gusto ko lang bigyang diin ang halaga ng pakikinig sa pagtatama nakatatanda o nakatataas. Oo, may karapatan ang bawat tao na ihain ang kanyang mga hinaing pero dapat unawain na dapat handa ka rin na makinig kung ano ang sinasabi sa iyo. Oo, maaaring napakarami ng kapalpakan o pagkukulang nila sa iyo, hindi sila perpekto pero ikaw ba, perpekto ka bang tao? Kung ganun ang tingin mo sa sarili mo, malaking problema yan dahil hindi ka tao! Alamin mo kung saang planeta ka nagmula at bumalik ka agad roon para maging mas tahimik, payapa at mabawasan ang mga pasaway sa mundo. 
  • Kung may problema ka sa akin; sa akin mo sabihin hindi yun talak ka nang talak sa ibang tao tungkol sa pagkukulang ko sa iyo. Siguraduhin mo lang na handa ka rin marinig kung ano ang sasabihin ko. 
  • Kung may issue ka sa isang taong malapit sa akin, huwag mo akong idamay. Huwag mo akong pagalitan o pagtaasan ng boses dahil sa mga pagkakamaling hindi naman ako ang may gawa. 
  • Hindi ako nahihiyang magtanong kung hindi ko alam ang ginagawa ko. Kapag tahimik ako ibig sabihin alam ko ang ginagawa ko. 
  • Bago mo ko sermonan, alamin mo muna sana kung bakit ganun ang kinalabasan. Hindi ako tanga para hindi mapagtanto na huli na talaga yon. Pero may mga pagkakataon na kailangan mong ihabol kahit huli at umasa na pwedeng umabot. Imbes na pasakitin mo ang eardrums at damdamin ko sa paninisi sa akin samantalang nais ko lang naman makatulong, sana tinulungan mo na lang din ako bago tuluyang mahuli ang lahat. 
  • Huwag mo akong iwasan dahil nahihiya ka at iniisip mong galit ako, masama ang loob ko o nasasaktan ako. Kung galit ako sa iyo, ni hindi ko gugustuhing makita ka at gagawa ako ng paraan para hindi mangyari ‘yon. Walang kaso sa akin ‘yon, mas naiinis ako sa ginagawa mong pag-iwas dahil naiisip kong ganun pala kababaw ang tingin mo sa akin. 
  • Hindi ko sinasadyang balewalain ka. Talagang napakarami ko lang iniisip sa mga panahong ito. Sana lang maintindihan mo yun kasi kapag nagtampo ka o nag-isip ng kung ano tungkol sa hindi ko pagbibigay ng oras sa iyo eh madadagdagan lang ang mga inaalala ko. 
  • Salamat sa mga umuunawa sa akin, lalo na nitong mga nagdaang dalawang buwan hanggang sa ngayon. Salamat sa mga payo, sa pagpapatawa, sa pag-alala, sa pagpaparamdam ng importansya at pagmamahal. Dahil sa inyo, lalo kong napatunayan na love pa rin ako ni Lord kahit na pasaway ako.
  • Sabi ng isang kaibigan, bago mo ipagkalat ang isang impormasyon, alamin mo muna kung tama o totoo ba iyon kasi nakakasakit ka ng ibang tao sa ginagawa mo. Sang-ayon ako sa kanya. 
  • Kung alam mo kung paanong maging ako sa paraang ini-expect mo, eh di ikaw na lang ang maging ako! 
  • Hanggat kaya ko, iniintindi kita at ang kalagayan mo; sana unawain mo rin naman ako. 
  • Salamat! Hindi mo lang alam kung gaano ko na-appreciate ang mga ginawa at ginagawa mo para sa akin. Pero may hangganan ang lahat ng bagay. 
  • Kung minsan, naiisip ko na mas magaan siguro ang life kung narito ka pa rin. Yun tulad ng dati na anytime kinukulit kita para hingan ng tulong o advice. Nakaka-miss, lalo na ngayon kasi alam ko na marami kang alam tungkol sa mga bagay-bagay na kailangan kong malaman. Nakaka-miss rin yun comfortable silence kapag kasama kita. Minsan, hinihiling ko na sana hindi ka na lang kinuha sa akin. Pero ganun talaga. Maniniwala na lang ako na may mahalagang dahilan kung bakit kailangan kang ipahiram sa akin kahit ilang panahon lang. Natutuwa pa rin ako kasi yun mga happy memories na lang ang naiisip ko ngayon. 

Saturday, November 15, 2008

Sagot sa post ni Karen Santiago na “paano nga ba ang paglimot?”

....ang pinagmulan ng lahat ay isang post sa forum ng KKBMovement.org na..
wuy!.. masyadong mdrama 2.. hehe,, pero..


nais ko lng sna malaman ang mga paraan nyo sa paglimot sa isang tao na minsan naging parte ng buhay mo.. L tagalog lang po tayo ha.. :P para mas ramdam, db?
Naisin ko man na maging purong tagalog ang sagot ko, marahil ay hindi ko rin maiiwasan na gumamit ng wikang banyaga..


‘wag mo lang subukan kalimutan. dahil habang pinipilit mong kalimutan, lalo mo lang maaalala. ‘wag kang mag-alala, sa paglipas ng panahon unti-unti rin mawawala yun sa ala-ala mo.. pasasaan ba at tatanda ka rin at magiging ulyanin! kung nais mong mapadali ito, iwasan ang pagkain ng mga pagkaing pampatalas ng isip pati na rin ng mga pinapatalastas sa telebisyon na bitaminang tulad ng memo plus gold at glutaphos.


teka, ano nga ba ang pinag-uusapan dito? usapang adik ba ito (hindi sa droga ha, ‘di mabuti yun) as in adik ka kaiisip sa taong yon? pwedeng isang kaibigan, kamag-anak, kasama sa trabaho, kaklase, o kaya boy/girl friend, o kahit sino basta tao na pilitin mo man ay hindi mo maiwaglit sa iyong isipan, lagi mong naaalala at nais mong muling makasama.


ayon sa aklat na “how to break your addiction to a person” na sinulat ni Dr. Howard M. Halpern noong panahon na malamang hindi pa isinisilang ang mga KKB sa ngayon, “attachment hunger” ang sanhi ng pagiging adik mo sa isang tao. inumpisahan kong basahin may pitong taon ang nakararaan ang librong ito pero hindi ko natapos kasi tinamad ako. sa makatwid, hindi ako na-adik sa pagbabasa sa kanya dahil yun mga tipong mind-boggling na libro na tulad ng kina Scott Turrow, John Grisham, Nancy Taylor Rosenberg at Mary Roberts Rinehart ayaw kong tulugan hanggat di ko tapos basahin tapos nagigising na lang ako sa umaga na hindi ko alam na nakatulog ako. kaya siguro kahit tanungin mo ko ngayon kung anu-ano nang libro nila ang nabasa ko eh hindi ko matandaan kasi karamihan, pagkatapos kong basahin at nalaman ko na ang ending at napag ugnay-ugnay ko na sa isip ko ang mga pangyayari eh ayos na, ‘di ko na masyado iisipin. pero hanggat may mga tanong sa isip ko eh hindi ako makakatulog at makatulog man ako eh hindi matahimik ang utak ko – pasaway talaga!


teka nga, mabalik tayo sa paksa, ikaw ba yun bang tipong ang drama sa buhay eh “hindi ako mabubuhay ng wala siya” o kaya “siya lang ang nagbigay ng kulay sa buhay kong puno ng pasakit at pagdurusa.” adik na adik nga ang dating mo! yun tipong umiikot na lang sa kanya ang mundo mo. tandaan, anumang sobra ay hindi mabuti. bago ka pa maging permanent resident ng mental hospital eh tigilan mo na yan.


subukan mong ituon ang atensyon sa ibang bagay tulad ng pagsusulat. naku, hindi ko sinasabing sabuyan mo ng pintura lahat ng billboard sa kahabaan ng EDSA; sulatan ng “make peace not war” ang lahat ng pedestrian overpass o di kaya eh sulatan ng “LINISIN MO AKO” gamit ang iyong kaliwang hintuturo ang lahat ng maruming salamin ng kotse at gusaling iyong matagpuan! hindi vandalism ang tinutukoy ko kundi pagsusulat – sa journal, sa notebook mo, kung saan mo trip, kahit sa blog mo pa.


libangin ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin sa kawalan. isang araw, may makakapansin sa iyo at aakalain niyang nakatitig ka sa kanya. matutuwa siya at isiping napaka ganda/gwapo niya kaya mo siya tinititigan (tapos feeling niya may background music kang naririnig habang nakatitig ka sa kanya: “you’re just too good to be true, can’t take my eyes off you; you feel like heaven to touch, oh I wanna hold you so much..). bigla siyang mapapangiti, mag-aayos ng buhok, papantayin ang kuwelyo o kung walang kuwelyo eh magpapanggap na meron (tapos sa isip niya, kumakanta siya ng, “hindi kaya ikaw, baka ikaw na nga..”). ikaw naman, nakatingin pa rin sa kawalan at tila ‘di siya nakikita. magugulat ka na lang kapag nilapitan ka niya at nagpakilala. ayos, may bago ka nang kaibigan! o kung hindi mo naman siya gustong kaibigan eh may bago ka nang iisipin – kung paano umiwas sa isang stalker! tumakbo ka na lang. kung nagkataong nasa mall ka, pumasok sa isang tindahan at bumili ng bagong damit. ‘wag mo na isipin kung mahal ang presyo ang mahalaga eh matakasan ang stalker mo. kung meron kang makikita, bumili ng wig, malaking shades, at wide-brim hat. iterno ito sa bago mong outfit. dumaan sa tindahan ng sapatos at bumili ng tsinelas. siguruhing solid colors ang lahat ng gamit na bibilhin at kinabibilangan ng mga kulay na ito: pula, dilaw, bughaw, luntian, fuchsia, itim at puti. dumaan ka sa isang orthodontist at magpakabit ng braces; kung nakapustiso ka naman, alisin muna pansamantala. sa dami ng inikutan mo, malamang naligaw na ang stalker mo. pero kung sakaling may lahing detektib pala siya at nasundan ka pa rin, malamang ay hindi ka na niya type sa ayos mong ganyan. kung sakaling type ka pa rin niya, malaking problema yan.. tumawag sa mental hospital at i-report na natagpuan mo ang nakatakas nilang pasyente. ngayon lalo kang magpupursigi na kalimutan na yun taong gusto mong kalimutan sa takot na maging magka-kosa kayo ng stalker mo as mental.


bilog lang talaga ang buwan! eto na, seryoso na..


marami pang ibang tao sa paligid mo na pwede mong pagtuunan ng pansin. makipag bonding sa iyong mga magulang at kapatid. higit kanino mang tao, pamilya mo pa rin ang lagi mong takbuhan at tatanggap sa iyo kahit na talikuran ka na ng buong mundo. nariyan din ang iyong mga kaibigan. baka naman dahil sa isang tao eh medyo napabayaan at napalayo ka na sa kanila. at siyempre, ‘wag isara ang mata, puso at isipan sa mga taong hindi mo pa kakilala. itigil mo yang drama mong, “hindi ko kailangan ang kaibigan, marami na akong kaibigan!” malay mo, andyan lang pala sa paligid mo ang taong tunay na magpapahalaga at magmamahal sa iyo kaya lang masyado kang abala sa paglimot sa isang taong wala na o malayo na. ayos lang ‘yan, makipagkaibigan ka lang. wala naman masama run. pag marami ka na kaibigan, as in sobrang dami na talaga at isa ka nang bonggang bonggang sikat sa buong bayan, pwede ka na tumakbo sa darating na halalan o di kaya eh sumali sa mga kontest sa tv kung saan pwede kang manalo sa pamamagitan ng text votes ng sangkaterba mong kaibigan sa iyo! (sabi na kasi bilog ang buwan eh!)

Friday, November 14, 2008

dAzEd

Dazed. Ilang araw nang yan ang status message ko. May mga bagay bagay lang talagang nakakawindang nitong mga nagdaang panahon. Ang hirap ng ganito, ang ending lagi ikaw lahat may kasalanan sa mga nagaganap na kapalpakan sa sanlibutan. Kulang na lang eh ikaw ang ituro na nakinabang ng husto sa fertilizer fund scam. Ano naman magagawa ko eh hindi naman ako perpektong tao. Maraming mga bagay na hindi ko naman kontrolado. Kung perpekto ako at kaya kong kontrolin ang lahat ng bagay eh hindi na ko tao nun, ako na siguro si Lord. Pero naman, I am not! Oo sinusubukan kong maging mabuting tao kahit ang hirap magpakabait sa mundong ito, pero hindi ibig sabihin nun eh magiging manhid na lang ako sa kung anu-anong naririnig kong nakakasama ng loob at nakaka-asar. What am I exactly driving at? Ewan, am dazed nga eh. Tipong ayaw ko na lang isipin pa yun mga yun. Live each day as it comes. Patawa-tawa lang o kaya dedma. Basta every morning hoping na lang ako na maging mas maayos ang lahat. Nope, am not saying that everything will fall into their proper places just like that. I know I have to work things out. Kahit papano nagagawa ko naman. Siguro some more time. Nakakapagod na rin pero I just have to face the realities of life. Keri lang. Whatever happens next, hindi ko alam. Basta I still believe that all things work together for good for people who trust and follow Him.

Friday, November 07, 2008

So Close

I'm so secure. You're here with me.
You stay the same.
Your love remains here in my heart.


So close I believe
You're holding me now, in Your hands I belong.
You'll never let me go;
So close I believe
You're holding me now in Your hands I belong,
You'll never let me go.


You gave Your life and Your endless love.
You set me free & show the way; now I am found


So close I believe
You're holding me now in Your hands I belong,
You'll never let me go.


All along You were beside me
even when I couldn't tell and through the years
You showed me more of You more of You


So close I believe
You're holding me now in Your hands I belong,
You'll never let me go.


Thank you for holding me close. I may not understand everything now but I believe that in due time, I will. What more can I ask for? More patience and a heart that follows Your will. Faith, hope and strength to go on. Yep, I still am a work in progress but let me find rest in knowing that You are in control of everything.

Sunday, November 02, 2008

Of Cupids and Match-Makers

The last time I checked (and that was this morning), I don’t have a tag etched on my forehead that says, “wanted: boyfriend.” And why am I being “praning” about it? Kasi naman ang daming gustong gumanap na Kupido sa istorya ng buhay ko.

Yun Uncle ko na ninong ko sa Kumpil (yep, meron ako nun!), ilang ulit na sinabing may ipakikilala sa akin na taga province. Kesyo mabait raw yun, walang bisyo, may itsura raw at kahawig ni Oyo Boy Sotto. Tsaka ‘di naman daw niya ko ipakikilala run kung luko-luko yun. At nagpatuloy siya sa pagkkwento hanggang makarating kami sa EspaƱa cor. A.H. Lacson (sumabay ako sa kanya mula sa bahay papasok sa office). Naisip ko lang, eh kung mistulang perfect na Mr. Dreamboy itong si Oyo Boy look-a-like eh bakit di siya humanap ng gf sa sarili niya noh! Hmm..kailangan pang magpatulong nun magulang niya sa mga friends nila para ihanap siya ng gf, mahilig daw mag-gym at yun lang ang libangan dahil wala nga raw bisyo..naku po, di naman kaya bf ang type niya?! Ahihihihi.. Ayoko nun, am not a boy! Potential kaagaw pa ata sa mga boys ang lalaking yun! Eeehw! Sa mga pinsang ko na posibleng nagbabasa nito..walang magsusumbong, lagot kayo sa akin! (naks, gamitin ang pagiging senior! Hehe..)

Yun barkada ng Papa ko na nakatira ilang streets away from us eh tinanong minsan si Mama kung single raw ako at kung may bf ako. Nun sinabing wala eh pakikilala raw ako sa anak niya para maging mag balae raw sila! Naisip ko, “anak ng pato naman, kung hindi ka lang matanda eh sisipain kita!”

Yun college friend ko naman eh pakikilala raw ako sa manager niya sa work niya. Eh single raw yun, walang love life at taga Fairview so magkalapit lang daw kami kung sakali. Hmm..pwede siguro kaming magtayo ng Samahan ng mga Walang Love Life, Fairview Chapter! Yun nah!

Yun mga officemates ko naman, mina-match ako kay MOVE President. Aba, nakahanap sila ng bagong source of happiness! Masaya at kinikilig silang lahat habang ako naman eh hiyang-hiya na kay Atty.

Pati nga yun trip namin sa Bohol with people from the Population Commission, sa airport pa lang eh mina-match naman ako dun sa kasama namin sa galing sa UPPI. Tuwang-tuwa pa sila kasi magkakulay raw ang shirt na suot namin tapos nagkatabi pa kami sa eroplano. Naman, masyadong bata yun; gusto ko yun matured! hehehe...

I don’t have anything against these people naman, natatawa lang ako sa kanila but at the same time nakakapikon yun iba. Yep, there’s nothing wrong with meeting and knowing new people, lalo na kung cool naman sila. Ayoko lang yun mga hirit na tulad nun sa barkada ng Tatay ko. Hindi ako naniniwala sa Kupido. Ayaw ko ng dinidiktahan ako kung sino ang gugustuhin ko. Oo, okay lang naman makipag-kilala, open ako sa ganun, but to immediately conclude that we’ll be an item eh ibang usapan na yun.

Teasing friends + torpe guy = deadly combination. Perhaps not exactly. Meron kulang sa equation na yan para maging reality sa istorya ko. Siguro torpe guy raised to the N power where N = unresolved issues from his past multiplied by being so immature that he can’t face it head on. Gosh, I love you’s, even if you repeat it a hundred times and put in the words “so much” are not enough for me to have a romantic relationship with someone. Ang hirap mag let go but at that point that’s the only thing to do. Ito rin ang reason kung bakit sad ako pag Pasko. But my friends (who brought us together) are still my friends, perhaps even closer. Sabi ko nga eh, I have nothing against them. Kasi everything that happened after I first met that guy, decision ko na yun.

Sabi ng officemates ko, ang dami raw pagbabago sa akin lately. Alam ko yun. Pero alam ko rin na they are pointing that out para i-connect sa pagiging “inspired” ko dahil meron daw akong Atty. By the way, this afternoon while talking with Mich she reminded me about Dennis who’s also an ex-seminarian na sinubukan din niyang i-partner sa akin few years back. Hehe..naalala ko, this Dennis guy used to work at NAPC with Mich at umuuwi sa bandang COA. So ang Mich ilang ulit nagpilit na magkita kami sa Philcoa before I go home tapos sinasama niya ang Dennis and since pareho kami ng way pauwi at si Mich ay pa-Cainta eh we end up going home together. Ang result: oo, nag-click kami ni Dennis – si Mich ang pinag-tripan namin asarin habang kami eh wala lang, parang magbarkadang mapang-asar! Now going back to my being “inspired” because of Atty.. walang ganun noh, hindi siya ang dahilan kung bakit ako nagkaka ganito. Dahil lang nag-birthday na naman ako. Ang usual na turning point ng life ko ay birthday ko at Christmas season. I did some reflection and I realized na ang dami kong dapat baguhin sa life ko para maging mas mabuting tao. Yep, I have to grow up some more; to move on with my own life; to think of my future; to enjoy life further. I may not have all the perfect things in life but I still feel so blessed that I am given another year.

As for the Cupids, bahala sila kung saan sila masaya! Basta ako, sinusubukan kong maging mas mature na tao. Sa kasong ito, kahit papano successful naman ako. Kasi nun maliit pa ko, ganito ang mga reactions ko sa mga panunukso:

Umiyak. Dahil cute akong bata, may classmate ako nun kinder na super attracted sa pagiging cute ko (kalimutan muna ang modesty). Tinutukso ko nun iba namin classmates at dahil di pa ko sanay nun sa mga bully eh ang reaction ko lang ay umiyak sa school. Natigil rin naman yun mga panunukso at ang paglapit sa akin nun classmate ko nun minsang umuwi ako sa bahay namin na umiiyak. Pano kasi yun kaklase ko, inabangan kami ni Melody (yun kapit bahay namin na friend at classmate ko) sa labas ng school tapos ninakawan ako ng halik. Whaaaa.. sobrang damsel in distress pa drama ko nun, wala ako nagawa kundi umiyak tapos si Melody pinukpok ng water jug niya yun ulo nun salarin. Siyempre nakarating kay Madir at Pader ang story kaya may I reklamo sa school. Kaya ang ending eh bawal lumapit sa akin si classmate. Nga pala, nun College ako eh nakikita ko pa minsan yun lalaking yun sa tricycle. Gusto ko nga sanang upakan eh; kayang-kaya ko na siyang batukan nun kasi ako lumaki at siya hindi (read: mas matangkad ako sa kanya ng ilang inches). Kaso lang ‘wag na lang, baka marumihan ang puti kong uniporme!

Mang hataw ng tsinelas. Hinampas ko ng tsinelas yun batang lalaki na kalaro ko nun elementary kasi yun mga kalaro namin eh tinutukso kaming dalawa. Pag naaalala ko yun, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit siya ang hinampas ko at hindi yun mga nanunukso!

Makipag-away. Nun high school, meron akong classmate na tinutukso sa akin. 2nd year pa lang kami nun at mula nun tinukso kami as isa’t-isa eh para kaming naging mortal enemies. Nope, not in the way na nag-aaway talaga kami pero nag-iiwasan at naglalaitan lang naman kami (di ba away yun? hehe.. wala lang asaran lang). Kaloka yun dahil pati yun ibang teachers namin pasimpleng nakikisali. And so we continued to stay away from each other. Meron point na may niligawan pa siyang classmate namin, etc. Then came graduation time nun 4th year na kami.. sa isang practice namin ng graduation, nag “sermon” si Mr. Principal. Anak ng pato! Di ko alam kung paano naisingit sa “sermon” niya ang panunukso sa amin dalawa nun classmate ko na yun! Ang nakaka-inis pa run eh nasa school quadrangle kaya kami at andun ang buong graduating class! Hmm.. I stood there imagining that I suddenly disappeared into the air. What happened next? Wala, siniguro ko lang sa sarili ko na kahit yun na lang ang nag-iisang boy sa earth eh ayaw ko sa kanya! Naman, pagkatapos ng lahat ng panlalait namin sa isa’t-isa eh hinding-hindi ko maiisip na maging kami noh! Parang, palanguyin mo na lang ako sa Ilog Pasig men!

Ngayon, wala lang. Patawa-tawa o kaya dedma. Pero pag bordering on making stories na, siyempre deny ko naman dahil di naman totoo. So far ganun. Wala pa naman akong nahahampas, di pa rin naman ako umiiyak! Basta nag warning na ko sa mga nanunukso na kapag ako gumanti walang pikunan! Borrowing Sir Tan-tan’s motto: "I don’t get mad; I get even!" Hehehehe.. Kung meron man maging successful sa mga Kupido sa life ko eh hindi ko alam. No one can tell. Sabi nga ng Prof. ko dati sa RC, “only God knows!”