I am a self-confessed kaladkarin girl. NO it's not the derogatory term; it's a term we coined to refer to people who love spontaneous trips. Madaling yayain / kaladkarin sa lakaran, joy ride man sa kung saan o long trip para takasan pansamantala ang jungle ng Kamaynilaan. Hindi man ako ang nasa likod ng manibela, ramdam ko pa rin pareho yun excitement at anxiety sa bawat byahe dahil kasama ako sa paglalakbay.
Tulad ng mga biyaheng biglaan o short notice, parang joy ride lang din ang buhay. Sa ating mga paglalakbay, napapadaan tayo sa mga kalsadang maganda, may sira, may baha, dead-end, one-way, sarado, ginagawa, trapik, paikot-ikot, pati tulay na putol o may sira. Nasubukan ko na daanan lahat nang 'yan sa mga paglalakbay sa iba't-ibang lugar, pati na rin sa buhay; at ngayon feeling ko matapos ang ilang panahon ng paglalakbay, halted na lang bigla ang byahe. Hindi naman dahil sa dead end o nasira ang daan o tulay -- sabihin na lang natin na I am crossing boarders and suddenly yun immigration officer tumanggi na ang passport ko eh tatakan. Hindi naman ako TIP victim, alam ko naman ang aking nais puntahan, pero ewan, baka nag-fit lang ako sa profile nila ng mga hindi dapat payagan na sa boundaries ay dumaan.
Sige, 'wag na lang ipilit kung ayaw. Marami pa naman destination na pwedeng puntahan...pero sayang lang kasi eh, ilang panahon ko na rin yun pinaghandaan tapos wala lang, ganun na lang. So for now, U-turn na lang muna. Kung may bagong daan man, kahit mala-EDSA sa trapik o expressway pa 'yan, pwede naman subukan. The journey continues pa rin.

No comments:
Post a Comment