Thursday, April 02, 2015

Because the customer is not always right

The customer is always right. 

Yes, it's just an old cliché, but before consumer rights advocates and my friends from DTI give me a long lecture on consumer welfare, read this Maundy Thursday saga, okay?

Thursday. April 2, 2015. Around 1:30-2:00PM. Arayat Street, Cubao, Quezon City

I was in queue at a drug store cum convenience store to buy some stash of potato chips and soda. I was third in queue, there was a girl with instant noodles and bread in front of me while the cashier was attending to two ladies who bought two 1.5 liters of cold soda. The cashier asked them if they want to avail of put the bottles in a plastic bag or paper wrapper, and so the story begins...

Cashier: Ma'am ipa-plastic po o paper bag?

Lady 1: I-plastic mo na lang at mabigat

Cashier: Two pesos po

Lady 1: Bakit may bayad?

Lady 2: (lumapit sa cashier at sa kasama niya) Bakit ano problema?

Lady 1: Yun plastic pinapabayaran.

Lady 2: Bakit wala ba kayong plastic? Ayan o, ang dami mong plastic dyan sa tabi mo bakit hindi mo ipagamit?

Cashier: May bayad po talaga ang plastic, kung gusto niyo po dito na lang sa brown paper bag para walang bayad.

Lady 2: E mababasa lang yan papel na yan. Bago kami makarating sa pupuntahan namin nahulog na yan laman. Bakit hindi mo na lang dyan ilagay sa plastic kesa sa papel?

Cashier: Hindi po pwede Ma'am.

Lady 1: Ano? Hindi pwede, pero pag may bayad pwede?

Cashier: Ganun po talaga Ma'am, bawal na po kasi ang plastic.

Lady 2: Bawal ang plastic pero kung may bayad pwede?

Cashier: Para po Ma'am maiwasan kaya po pinapabayaran.

Lady 2: Naku halika na nga, bitbitin na natin sa iyo yun isa! (at umalis na sila)

Girl: (grinning at the cashier) Ako po Ate, paper bag lang!

Cashier: (sighs then smiles at the girl) Hindi naman kami ang naniningil, ang tagal na yun utos ng City Hall...

In case you missed it, there is a "plastic bag reduction ordinance" being enforced in Quezon City since year 2012. Part of its implementation is the collection a plastic recovery system fee of two pesos from the customer for every plastic bag used, regardless of its size. The two pesos per plastic bag fee is collected at the point of sale and should be included in the official receipt. This is to ensure that the fee collected from the customers will be remitted to the City government which logically should be responsible of addressing whatever ill effect the plastic bag will bring to the city once it is disposed by the customer. Na-ah, please do not argue with me nor ask me where and how the City government is using the funds from fees collected; I also wonder about that but to make my life simpler and my brain less stressed, I just bring my reusable bag or place whatever small item I bought inside by bag.

I admire the cashier in this particular case because she remained composed; she didn't raise her voice at the customers who were rude at her nor did she give in to their bullying. As for the two ladies, bless them. I just told myself that maybe they were not locals of the the city so they are not aware of the ordinance (but hey, ignorance of the law excuses no one from compliance -- not even when you are a customer insisting that your demand be granted by the store personnel).

As you can see, the customers were absolutely wrong in this case. Yes, we do have rights but we should remember that rights are not absolute and we also have the responsibility to follow regulations being enforced by authorities. True, some regulations may be burdensome but there is also that principle in law that "the law may be harsh but that is the law" -- but hey, the good news is, laws are not cast in stone, these can be revised or just thrown away into oblivion (kidding! they call it "repeal"). The thing is, it is not right to bark on the wrong tree. The cashier (or business establishments for that matter) are just following the rules enforced by the city government so if one want to challenge that or ask where the two pesos per plastic bag go, visit the City Hall.

Tuesday, March 31, 2015

hindi ako magician

Nasa grade school pa lang ako, mahilig na akong sumulat. Hindi ko maaaring sabihin na mahusay ako dahil alam ko na maraming higit na mahusay sa akin, mga batikan at mga manunulat na kaliwa't-kanan ang natanggap na parangal sa kanilang mga akda. Sabihin na lang natin na libangan ko ang sumulat. 

Pinangarap ko dati ang maging manunulat para sa diyaryo pero dahil lumaki ako na mahiyaing bata ay hindi ko naman natupad ang pangarap kong iyon. Naisip ko kasi na hindi ako bagay maging reporter dahil mahiyain ako at marami akong kinatatakutan. Siguro dahil marami akong insecurities sa buhay noong bata ako. Hindi perfect at puno ng happy moments ang childhood ko pero dahil nakamove on naman na ako mula sa mga hinanakit ko sa tadhana at pagmamalupit ng mga batang bully sa buhay ko eh masayahin naman ako ngayon most of the time. Para sa akin, pagsubok lang lahat ang iyon at masaya ako na nalampasan ko na; hindi ako bitter sa mundo. Sa totoo lang, nakaka-awa rin minsan 'yun mga taong kahit may edad na eh parang hindi pa rin nakakamove on sa unhappy childhood at naghahasik pa rin ng bitterness sa earth sa pamamagitan ng pagiging negatron (nega-tron: a play on the words negative and megatron. Napulot ko lang ang term na ito kay Chairperson Toto Villareal ng MTRCB -- ayan may citation o acknowledgement ng source). Kapag nagdadasal ako, hinihiling ko kay Lord na tulungan silang makamove on para naman mabawasan ang mga nagpapasakit ng aking ulo at nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Nakakabawas kasi ng energy at nakaka-istorbo sa produktibong pag-iisip ang mga negatrons. Oo, gusto ko 'yun pakiramdam na bumibilis ang pagtibok ng puso ko pero 'yun eh kung nakikita, nakaka-usap sa telepono o nagtetext/chat lang yun lalaking gusto ko; pero kung ang dahilan eh dahil sa negatrons, ibang usapan na 'yun!

Bakit nga ba ako nahilig sa pagsusulat? 

Una, dahil mahiyain akong bata, naging outlet ko ang pagsusulat para ilabas ang nilalaman ng aking puso at isipan. Hindi ako mahusay magsalita lalo na sa harap ng maraming tao kaya sa panulat ko naie-express ang saloobin ko.

Ikalawa, gusto kong ibahagi yun mga nalalaman ko sa ibang tao. Naniniwala ako na mas mapagyayaman mo ang kaalaman kung ibabahagi mo ito sa iba, lalo na sa paraan na maiintindihan nila. Ito siguro 'yun dahilan kung bakit ko ninais noon na maging reporter -- gusto ko 'yun ideya na "write to express not to impress" na natutunan ko sa guro ko sa pamamahayag nun grade six. Oo, kaya kong sakyan o sabayan 'yun mga sumusulat ng mga masalimuot na talata pero para sa akin, may mas mabigat na responsibilidad ang isang manunulat na sumusulat upang magbahagi (hindi magyabang) ng kaalaman. Hanga ako at mataas ang pagtingin ko sa mga taong kayang gawing simple at abot-alam ng karaniwang tao ang mga usapin. Dahil sa kanila, nabibigyan ng pagkakataon na makibahagi sa talakayan na may sapat na kaalaman ang mga Juana at Juan na payak man ang kaalaman o walang mataas na pinag-aralan ay may karapatan pa rin naman na makibahagi sa lipunan lalo na kung kinabukasan nila at mga anak nila ang pinag-uusapan.

Ikatlo, ayaw ko rin naman solohin ang mga kalokohan ko. Mayroon din naman akong sense of humor kaya sinusulat ko rin 'yun mga witty lines na naiisip ko na kung hindi man kapulutan ng aral eh baka sakaling maging dahilan ng pagtawa ng iba. 

Ayan, pumasa na ako sa rule of 3 dahil 3 na ang reasons ko. Bakit ko ba kasi sinusulat ito? Bigla na lang kasi nag-pop ang thought bubble ko kanina na ang sabi eh: "writer ako hindi magician!" Lalo naman hindi ako santa kahit semana santa na -- hindi ako gumagawa ng himala! Nabanggit na rin lang ang semana santa, dapat siguro itulog ko na muna ito bago pa ako magkasala...sorry po Lord at may naisip akong hindi mabuti para sa aking kapwa kanina. Work in progress naman po ako hindi ba? Help me na lang po, please...


Monday, March 02, 2015

Link to Women's Month Dance Video

Juanas and Juans, here is the link where you can download the dance video of "Juana Ikaw Na Ang Manguna" the official song and dance for the 2015 National Women's Month Celebration.

Tuesday, February 24, 2015

2015 National Women's Month Official Dance Song and Instructional Video


Juana, Ikaw Na ang Manguna!
2015 National Women’s Month Celebration Theme Song
Music and Lyrics by: Nikki Delos Santos-Francisco
Musical Arranger: Diwa De Leon
Video Production: Philippine Commission on Women, 
National Commission for Culture and the Arts and Shirley Halili-Cruz School of Ballet

I
Di magaganap ang pagbabago
Kung walang mangangahas na tumayo
Masdan mo ang lipunang nagpapayo
Na kailangan ng isang katulad mo

REFRAIN:
Makinig ka sa akin
Tinig ko ngayo’y dinggin
Pagkakataon na natin
Ikaw na ang tatanghalin

CHORUS:
Kailan pa, kung 'di ngayon na?
Sino pa, kung 'di ikaw, Juana
Galing mo’y ilabas na
Ang bukas sayo’y itataya
Desisyon mo’y mahalaga
Dulot ay pag-asa
Juana, ikaw na ang manguna

II
Simulan mo na ang pamumuno
‘Pagkat tatag at lakas mo ay sandigan ko
Pangako ng pagsulong ang matatamo
Sama-sama sa pagbangon ng bayan ko

(Repeat Refrain and Chorus)

For more information, visit www.pcw.gov.ph


Sunday, February 01, 2015

Random Thoughts # 1 s. 2015

Sometimes, I walk away, back-off or remain silent; not because I give up, but because I know it isn't a good idea to argue with anyone when emotions are high. Often, it would just result in unnecessary fights and further strain in human relations. It's energy-draining too. But there are times when I am forced by circumstances to speak-up, raise my voice a little than normal or even stand-up so that the powers that be will listen, and listen well. Yes, it drains my energy and it saddens me that I have to do that; but sometimes, when people are obsessed with their own voice and their own truth, someone else has to speak and invite them to see the other side. It irks me when they refuse to budge and continue to press on their own argument as if it is the absolute truth; but as long as I've done what I could, the problem is neither me nor mine.