Wednesday, August 29, 2007

confusingly confused

hindi naman Amerika ang Pilipinas, bakit ba US situation ang lagi nilang nilalahad sa kanilang literatura? eh sino ngayon ang mga colonial mentality?



sabi may separation of church and state. constitutionally inscribed principle yan. pero nilinaw din naman ng isang miyembro ng concon na ang tinutukoy naman sa 1987 consti ay ang pagbabawal sa pagtatatag o pagkakaroon ng state religion (hindi ko alam kung ilan lang ba ang inabot ng komentaryong iyon). eniwey, tapos na yun election so let us move on and run the nation. hindi naman nga mali kung mag-advocate ang mga religious groups pero hanggang saan ba ang hangganan (o meron nga ba)? naniniwala rin naman ako na "the only way for evil to flourish is for the right ones to do nothing." pero kailangan bang lahat na lang paki-alaman nila? bakit ganun na lang ang influence nila sa gobyernong ito at sila na lang nang sila ang pinakikinggan? granted na sinasabing majority ng mga pinoy eh nabibilang sa sektang ito pero sino lang ba talaga ang masasabing "practicing ones"? hindi ba karamihan eh yun na lang kasi ang kinalakhan? eh kung ipipilit pa rin nila ang argument na marami talaga sa mga pinoy eh sa sektang iyon nabibilang, eh di fine..lahat ng hindi kabilang sa kanila eh "minority" groups pala! eh pwede bang bigyan sila ng seat sa partylist para naman marinig din ang boses nila? eh kaso hindi ba yun "majority" pa nga ang may pinakamaraming seats na nakuha sa partylist noong eleksyon?!



eh ano bang problema ko at nagra-rant ako ng ganito? disappointed lang naman kasi ko dahil nawawala na rin sa katwiran. bakit hindi pwedeng buksan ang isipan at kamalayan para unawain ang isyu, hindi yun sarado agad at puro batikos ang pinagkakaabalahan? para kasing ang dating nila eh "tama ako, hindi dapat yan gusto mo, masama yan at dahil sinusulong mo isa kang kampon ng demonyo." sana bago magsalita at magpakalat ng kanilang mga doktrina eh tingnan muna ang context ng issue sa philippine setting. basahin ang provisions at baguhin ang dapat baguhin..meet halfway kung baga para maresolba at mabigyang solusyon ang problema.



ay naku, baka pag may nakabasa nito (as if meron ibang nagbabasa) eh ipagdasal nila ang aking kaluluwa na sa tingin nila ay sinusunog na sa impyerno. thanks but no thanks! wala naman magagawa ang mga iyon dahil sa huli, ako lang ang magdedesisyon kung saan pupunta ang kaluluwa ko. dahil hindi naman relihiyon ang daan tungo roon kundi ang personal na pagkilala at relasyon sa Lumikha.



ang masasabi ko lang, hindi naman sinabi sa Genesis na "go on and multiply.." ang sabi eh "BE FRUITFUL and multiply.." nauna yun fruitful hindi ba? bakit di kaya nila turuan ang mga followers nila na maging fruitful bago mag-multiply? kung gaano karami ang naturuan nila ng ganitong doktrina dapat makita natin ang resulta..dapat marami dahil maraming pinoy eh nabibilang sa kanila hindi ba? pero teka, huwag naman sana humingi ng pondo sa gobyerno para sa pagpapalaganap ng kanilang doktrina..bakit hindi nila gamitin ang offerings ng mga parishioners nila? aaaarrrgh! tama na nga muna, nasobrahan na ata ako sa kape!

Tuesday, August 21, 2007

hindi nila ito alam...

Sabi ko, "galit ka?" 
Sagot niya (nakangisi), "oo, kanina pa!" 
Tanong ko ulit, "bakit?" 
Sagot niya ulit (mukhang lalong nakunsume), "things should have been discussed earlier..."
I let it off..wala naman kasi kong magagawa na. At least alam kong galit siya. Yeah, things should have been discussed earlier...sana laging may panahon ang mga tao para i-discuss ang mga bagay-bagay. Pero paano kung wala? Ilang ulit na rin ata akong nag-rant tungkol sa competing priorities. First things first, protocols, etc..paano nga kung halos hindi na kayo nagkikita?? Ano ba, huwag na sana tayong magsisihan kasi in the end pare-pareho lang nagkakasakitan ng kalooban. Oo, aminin man o hindi; constructive criticism man in order to improve things, nagkakasamaan pa rin ng loob. Mali ba ko, o plastic kayo? Ewan, pananaw ko lang ito..kung di ka sang-ayon simple lang, wag mong basahin ang blog ko!

PEACE! Ayaw ko ng gulo!

Tuesday, August 14, 2007

ramblings

salamat naman at nariyan ka ngayong mga panahong ito, kahit papaano nalilibang ako sa'yo. 
ewan ko ba, basta...
ayaw ko na...
hindi matulog sa gabi
maalala yun gusto kong kalimutan
malimutan ang dapat kong tandaan
magbyahe ng malayo
ng trapik


ng usok
ng papel
ng sulat
ng siksikan sa sasakyan
ng dagdag na problema
mapagod
maglakad
hintayin mapuno ang tricycle
mag-hintay ng fx
sumakay ng jeep
sumisik sa bus/mrt
lumakad patungong lrt
magbayad ng taxi
makakita ng palaka
dumaan sa overpass
makagat ng langgam
makita ang pangalan ni sb
magsuklay ng buhok
maglagay ng retainers
magtext
maghintay ng text
mag e-mail
mag hintay ma-attach ang file sa e-mail
ng emotional attachment
ng masyadong mabango
ng amoy ng yosi
ng beer
ng manika
ng bear
ng bulaklak
ng pangalan ko
nakakapagod na kasi
ewan. 
paano pa ba naman akong matutulog kung kailangan gumising ulit? 


ang gulo ko talaga!



Friday, August 03, 2007

random thoughts 5

  • pretending to be smart doesn't make you smart
  • it’s okay to cry
  • it's okay to mess up
  • it's okay to feel like crap from time to time
  • it's okay to complain and whine to your friends
  • it’s okay to ask for help
  • it’s okay to take chances
  • you can't control falling in love
  • time is not responsible for healing our wounds; it doesn’t erase all the pain. as time goes by, we learn to accept that we’re wounded and it will leave us with scars; and we learn to live with or tolerate the pain until we no longer feel it (or we no longer care); and then we feel mortified over the scars but then again, we get used to seeing it until we learn to accept that it is already a part of who we are
  • love is not enough to have a romantic relationship with someone. you should establish a certain level of trust and confidence and commit to work things out in order to stay in that relationship
  • often, the things that we want to forget are the things which we need to talk about most
  • if asked to name ONE thing that money cannot buy, my answer would be this: A PURE HEART

Friday, July 27, 2007

itim...puti...kulay...buhay...

hindi ba kulay din naman ang itim?

naalala ko yun sagot ko sa isang kaibigan na nagsabing makulay ata ang isang aspect ng aking buhay

tama naman ako hindi ba?

at alam ko na alam mo kung bakit iyon ang sagot ko

wala akong nakikitang negative connotation sa kulay na itim

pero ang sagot ko sa tanong na kung kasama ako sa isang box ng crayola, anong kulay ako ay: puti

hindi dahil maputi ako -- eh tinutukso nga ako na baluga ng ate ko nun maliliit pa kami eh! pambihira yun, maputi kasi siya!

puti, kasi sa box ng crayola yun ang hindi ko ginagamit

marami naman atang hindi napapansin ang kulay puting crayola

hindi naman kasi halos nag-iiwan ito ng marka sa bond paper dahil nga puti siya

pero kahit na ganun, kasama pa rin siya sa kahon

hindi kumpleto ang laman ng kahon kung wala siya

pero nasubukan mo na bang iguhit ang puting crayola sa manila paper?

nasubukan mo na bang patungan ng puting crayola ang nauna mo nang naiguhit sa papel?

oo, hindi niya nabubura ang nauna pero nag-iiwan ito ng kakaibang timpla sa kulay


kalimitan, nauubos o nawawala ang ibang kulay pero naiiwan ang puting crayola


teka, ano bang patutunguhan nitong mga sinasabi ko?

naalala ko lang kasi
sayang


pero hindi rin pala sayang


ayaw ko ng manghinayang

ayaw ko ng bilangin ang mga oras, araw, buwan at taon na dumaan

minsan ayaw ko na rin maalala ang lahat

pero hindi rin maiwasan at hindi mapigilan

may mga lugar, bagay, oras, petsa, tao at pangyayaring nagpapaalala ng lahat

bakit ba kasi ginawa mo pang komplikado ang buhay?

alam kong wala kang isasagot

hindi na rin ako naghihintay pa ng sagot

kung dumating man o hindi ang araw na handa ka nang sagutin ang mga tanong ko, bahala na
pero naisip ko -- sa box ng crayola lang naman tinatawag na kulay ang itim at ang puti. sabi kasi sa science, ang itim ay ang pagsasanib ng iba't-ibang kulay at ang puti ay ang kawalan ng kulay. 

kung ganun, masasabi mo nga bang makulay ang isang bagay kung lahat ng kulay ay nagsanib-sanib sa kanya at naging itim ito? parang chaotic, magulo, nakakahilo, masakit sa ulo, masakit sa mata, minsan pati sa puso.

mas gusto ko pa rin ng puti. wala man kulay, pwedeng lagyan -- welcome ang ano mang kulay upang makihalo, pero sana 'wag upang paglaruan lang...kapag kasi laging ganun, magiging itim na rin ang puti.