Tagal ko nang walang post sa blog, at di ko pa rin na-upload yun last two blogs ko.
11/11 pala ngayon. First day ng airing ng QTV channel 11! Grand opening din pala nun Paskong Pasiklab sa Q.C. Past 11 na rin ako naka-uwi ngayong gabi!
Great night with the T-girls sa Conspiracy last October 25. Nood ng Orange and Lemons sa Conspiracy after ng picture taking sa "love ko to" Mcdo Visayas.
Star City night with Nanis, Tita Dez at 3 little boys na kasama niya nun October 29. Enjoy talaga kami (kakasigaw. hehehe…). Umpisahan ba ang rides sa wild river?! Pinaka masaya yun sumakay kami ni Nanis sa round-up. Definitely sasakay ako run ulit kapag nakabalik ako sa Star City! Kailangan makahanap ulit ng kasama na game sumakay sa mga wild rides, pumasok sa horror house at sumigaw kahit wala naman nakakatakot, just for the heck of it! Kung pwede rin yun magaling dun sa mga games like pag-shoot ng bola sa malaking milk bottle, pag-shoot ng tokens sa glass squares, etc. Dami kasing ganun games run eh tapos gusto namin ni Nanis yun super laking stuffed toys na prize nila! Eh di naman kami marunong nun mga yun, baka masayang lang money namin kasi eleven pesos isang token.
October 30 to November 6, di talaga ako pumasok sa office! One week na bum. Tulog na walang hanggan. Naging yaya rin pala ko nun one-year old pamangkin ko for almost four days. Hirap talaga mag-alaga ng bata, nakakapagod! Gusto sana namin magbakasyon ni Angel pero wala kami parehong budget para run! Kung ako napagod sa pag-alaga ng pamangkin, siya naman na-bore lang sa bakasyon dahil tinatamad naman siyang gawin yun paper niya.
Last Monday, back to reality ako. Work, work and more work pero siyempre may time pa rin for some nice conversations with the T-girls. I met Angel pala last Monday night. Yun yung gabi na nadapa ako sa stairs kaya until now may pasa ako sa dalawang tuhod. The usual talks lang at confessions..hehehe..sinabi ko na rin pala kay Lola Au yun confession ko. Tuesday morning, as if hindi pa enough yun magkapasa sa knees, naipit naman fingers ko sa door ng fx! Napuruhan nga yun middle finger ko sa left hand, until now sumasakit pa rin kapag nadiinan. Tuesday night, I walked around Quiapo..alone..wala lang, gusto ko lang maglibang (kakaibang trip..sa dami ng lugar sa Quiapo pa!). Wednesday night, tumawa nang tumawa sa fx with PaHam and Meanie. Thursday night, KFC delight sa Mendiola then LRT ride from Legarda hanggang Anonas. Tonight (I can write the saddest lines…ngyek, Pablo Neruda pala yun!), dinner with PaHam and Meanie then coffee sa likod ng QC Hall (di ko alam nun street na yun, intersecting kalayaan ave.).
Ito yun theme ng usapan namin lately, mga reminiscing moments nun younger years namin (grade school, high school, college). Ito yun list ko ng mga bagay na nami-miss ko:
Grade School
1. Mag-review/sagot ng questions from index cards in preparation for the quiz bee
2. Yun upuan namin nun grade 2-3 na may taguan ng things sa ilalim ng desk at table niyo yun likod ng upuan nun nasa harap niyo
3. Yun square tables namin nun grades 5-6. Kami lang ang may ganun sa buong school!
4. Field trips. Madalas ako sa harap ng pila noon dahil kabilang ako sa maliliit sa klase
5. Inter-school competitions
6. Classmates ko, siyempre
7. Scary stories ala urban legend about the school being haunted
8. Swimming at first aid lessons namin nun summer after grade 5 sa red cross. Kasama na yun long walks namin papunta sa Balara Filter
9. Mga programs at class presentations kapag may occasions like Linggo ng Wika, etc.
10. Recognition day at the end of every school year
High School
1. Journalism class (pati teacher at friends!) at Press Conferences, kasama na yun Jollibee together namin after ng last day ng Conference
2. Inter-class contests kapag may occasions like Linggo ng Wika, Science Month, etc.; lalo na yun practice days for song interpretation contests
3. Recognition days pa rin
4. GSP Den
5. Batibot sa harap ng Canteen
6. Classmates ko pa rin, siyemps
7. Yun uniform ko na parang Christmas wrapper (checkered red and green)
8. Science Lab
9. GSP Camping (sayang, 2 lang nasamahan ko!)
10.School programs kasi bukod sa suspended ang klase, madalas mag special number yun crush ko! hehehe…
College
1. UST campus, the way it was
2. Central Library, esp. Filipiniana and Social Science Sections
3. Yun uniform ko na all white, kahit madalas ako mapagkamalang nursing student sa lugar namin!
4. Classmates pa rin!
5. Jollibee Asturias (yun seat sa tabi ng window)
6. Ang pagong, ibon at matsing
7. Graded recitation sa law at taxation! Challenging eh!
8. Computer classes..gusto ko magprogram eh!
9. Paskuhan
10.Group projects
Add ko na rin ito sa list, hango sa isa kong blog site, posted August 2, 2005
Tuwing Umuulan
Minsan, nagsasawa na rin akong magsulat ng tungkol sa feelings ko kapag umuulan. Kadalasan kasi, puro malulungkot na bagay ang naiisip at naisusulat ko. Ewan ko ba, masarap yatang magpakasenti kapag umuulan, napaka perfect nun gloomy na atmosphere. Pero nakakasawa naman magpakasenti lagi noh! Kaya, para maiba naman, iba naman ang inisip ko.
Ilang araw na rin kasing umuulan kaya inisip ko yun top ten masasayang bagay na ginagawa ko noon kapag umuulan..mga bagay na nami-miss ko ngayon at sana pwede ko ulit gawin sa mga darating na araw..
1. Siyempre, ang maligo sa ulan (pwede siguro, dun lang ako sa loob ng bakuran at isasarado ko yun gate)
2. Punuin ng tubig ulan yun drum para magswimming sa loob nito (hindi na masaya ito kasi lagpas bewang ko na lang yun drum eh dati kasi hanggang leeg ko yun!)
3. Gumawa at maglaro ng bangkang papel (yep, why not?!)
4. Maglaro ng putik (yoko na nito kasi pangit yun lupa sa bakuran namin ngayon, di tulad nun sa dati na parang clay)
5. Magduyan sa ilalim ng patak ng ulan (wala na kaming swing eh..pero last time kong nagawa ito June last year..sa isang park..sarap ulitin kung may pagkakataon)
6. Mamitas at kumain ng bayabas pagkatapos ng ulan - hindi ko alam kung bakit nahihinog ang bunga ng bayabas kapag umuulan (sayang, wala na kaming puno ng bayabas)
7. Umakyat sa puno para manghuli ng salagubang - pero takot akong magapangan ng salagubang (hindi ko alam kung marunong pa akong umakyat ng puno..tagal ko na palang hindi nagawa ang umakyat sa puno!)
8. Paanurin na parang bangka yun tsinelas ko sa gilid ng kalsada (ngyek! Yoko na nito..marami na kasing nakatira sa amin eh, dati kasi bukod sa bata lang naman ako eh kaunti pa lang nakatira sa lugar namin at kilala namin mga tao. Ngayon, ewan..dami-dami na nila..)
9. Manood lang ng pagbuhos ng ulan habang nakadungaw sa bintana (this I almost always do)
10. Makipagbatuhan ng plastik na may tubig - a la water grenade (wala na kong kabatuhan ngayon)