Been on a five-day trip somewhere north. Definitely one of the most unforgettable because it's where I did a lot of things for the first time!
First fieldwork
It was my first time to do fieldwork. Not that Thomasians weren't trained on that or something dear biatches! It's just that field/community work was never part of our curriculum. Hey, am a business administration major remember?! Uh well, we did some research, surveys and interviews but most are for Feasibility Studies and a paper in Philippine Business Environment. Enough for explanations! Hehe..
Okay that was fieldwork cum provincial politics 101. Traveling unto the outskirts of the province could really be tiring especially when you are doing a survey. But it is definitely something I enjoyed. Hmm..mas enjoy nga siguro kung hindi political yun topic, I mean something like basic social services and the likes. Eto yun ilan sa mga funny, scary and freaky experiences and observations namin sa field:
ARE YOU FOR REAL?: while talking with an elderly woman in front of their hut, one of her kids (I presumed the little girl was her child) approached me. I looked at the girl and smiled. She smiled back, a shy yet probing look in her eyes. As I continue to chat with the woman, her little girl tapped my small bag as if she's playing with me. I just looked at her and smiled. Suddenly I noticed that there were already about five or six kids around me while I was talking with the woman! They were all looking at me as if I were an alien or something. Some are tapping my shoulder or my arms as if they're trying to get my attention. The mother was kind of reprimanding the kids, I couldn't understand because she used a local dialect. She said, "pasensiya ka na, ne." Told her, "okay lang po, salamat po sa time." I could have stayed there and continue to chat with the woman about life in their barangay, or perhaps play with those kids (and see if they can stand it pag sila pinagkatuwaan ko! hehehe..), but had to go and find my next subject.
FILIPINO HOSPITALITY: if there were hostile subjects, there was thrice as much who exemplified the so-called Filipino hospitality. People would offer you something to eat or drink or would allow you to use their comfort room even though you're a stranger. There was even this group who asked me if I want to join them drink Tanduay. Na-ah, they're not the typical bastos guys in the kanto naman, it's just that they happen to drink that rhum during that time. When I said "no, thanks" the "kuya" (as he was introduced by the house owner, who happened to be running for elections as an independent candidate) even offered that he can get some soft drinks instead. I just politely declined, saying that my companions were already calling me through my mobile phone. And then there were these two guys riding their bicycle whom we asked for the boundaries between two baranggays in one town. My friend jokingly said, ang layo pabalik pasakay naman! He smiled and said tara na, sa akin yun naka-pink! We just laughed and thanked them. Then my friend said while laughing "hala, na-typan ka nun isa ikaw daw I-aangkas niya!" I just laughed and said "ngyek!" ahm, it's just that I don't find his offer offensive naman.
NOT EVEN A ROCK in that part of the province was left unblemished with Pichay's campaign material! I remember blurting out to my friend, "hala, pati ba naman itong malaking bato sa gilid ng daan bago ang tulay may poster ni Pichay?!" And then we laughed. Then we found this house with Pichay's poster saying "Pichay itanim sa Senado" and noticed that someone wrote using a pentel pen, "Huwag itanim ito, ILUTO!" and then we laughed again!
INSTANT HEARTTHROB: we changed our strategy, instead of dropping off two people in one baranggay then coming back to fetch each pair later, we all went down in one baranggay and covered the area before proceeding to the next one. The idea was better because people become more aware that we're just doing a survey and it was easier for us to move around knowing that there were quite a number of us around the area. While we're walking in one area, my friend overheard a group of teenage girls talking with much kilig, "huy, ang gu-guwapo, ang puputi, mga taga maynila!" Then the elderly women asked them to stop and be quiet. My friend said to herself, "ay, hindi mga guwapo yan, magaganda yan!" Knowing that most of our companions were actually gays!
WALA AKONG PERA!: when I approached one lola and asked her if I could ask her just a few questions, she looked at me as if she was trying to assimilate what I was telling her. Suddenly when I asked my first question, she told me "wala akong pera!" I almost laughed out loud as I was trying to explain to the lola that I was not there to ask for money but to just ask her some questions. Then, with the same look in her eyes she finally said, "di ko ma awatan ang salita mo!" whaaaaaaaa..kaya pala!!! Kaya pala ganun na lamang mangusap ang kanyang mga mata, hindi pala niya masyado naiintindihan ang tagalog! Haay, I just politely said bye-bye to the lola.
PANG-ASAR NA MGA BATA: the Doc told us that we have to be patient and understand the local culture. Hindi raw kami dapat makipag talo or makipag-away. And so, some of us were subjected to tests! Schedar shared that one kid said in a dialect which he happened to understand a little, "may bola, may bola, tumatalbog, paparating!" referring to him approaching their place. As usual, the mother said sorry for what the kid did and Schedar just said, "okay lang po" while deep inside he wanted to snarl at the kid! Hehehe.. JR had another experience. In one area, a group of kids referred to him and said "may bakla." JR smiled, almost telling the kids na "oo, bakla ako!" then the kids said, "uy, ngumiti ang bakla!" Grrrrrrrrrr…
NO PROBLEM!: one of the questions that we asked was "ano ang nakikita ninyong problema sa inyong lugar." I think it was JR who narrated this story that when he asked one woman this question, she answered "wala naman." JR said, "yun kalsada niyo hindi nyo ho ba problema? (okay, that particular barangay had rough roads which are either dusty or muddy, depending on the season). The woman answered, "okay lang naman." Makulit rin si JR so he said, "hindi nyo problema baku-bako, maalikabok..hindi ho ba maputik pag umuulan?" The woman answered, "ayos lang naman yon." Since wala talaga siyang mapiga na problema sa ale, gusto raw niyang sabihin na "ah, wala kayong problema?? Fwez, ngayon meron na! Andito na kaming mga bakla! Mga salot, mga bakla!" Siyempre inside joke lang namin yun at tawa lang kami nang tawa!
ASONG PASAWAY: halos lahat ata kami eh may nakakatakot na experience sa mga aso, as in hinabol at muntik na makagat ng aso! Buti na lang walang natuluyang makagat. Pero kung sakali eh maganda rin sigurong programa sa lugar na iyon ang libreng anti-rabies para sa mga aso!
ANG GRUPO NG MAKUKULIT NA KAMBING: eto yun grupo ng kambing na nakita namin ng kasama ko sa isang barangay. Patawid-tawid sa highway at patambay-tambay sa gilid ng daan. At malakas ang loob nila na awayin yun sigang aso! Palibhasa outnumbered nila yun doggie!
First unusual jeepney ride
Imagine rough roads with rice fields and cornfields on either side. Malamig ang hangin kahit maaraw. Amoy dayami. Malayo sa polluted air ng Metro Manila. Iilan lang ang tao at ang theory namin eh 1:3 ang ratio ng tao sa kalabaw. Kung sa Metro Manila eh hate ko sumakay ng jeepney kapag long travel, definitely love ko ito kapag sa rural area.
|
That's me wearing a yellow shirt. |
Ang pinakamasaya sa jeepney ride ay nang subukan ko mag top ride! First time ko rin ginawa yun, hmm..ang closest thing na nagawa ko before eh yun tumayo sa likod ng pick-up (oh di ba parang campaign!) at sumakay sa truck (with matching pa wave-wave pa) nun mag-parade kami dati bilang mga side kick ni Kapteyn Linis sa Quezon City. Pero iba pa rin yun top ride sa jeep! Bukod sa thrill na first time ko ginawa yun, andun yun sarap ng feeling na vast greenery yun nakikita mo at real fresh air yun nalalanghap mo. Isa pa, enjoy kasama yun grupo! Nun gabi, puro kadiliman ang nakikita namin tapos medyo nagtatakutan kami.
"kung papipiliin ka ano gusto mo, dagitin tayo ng isang malaking ibon o biglang lumaki yun mga damo sa gilid ng kalsada at balutin tayo?"
"huh, ano ba? ayoko nga nun!"
"kung kailangan mo nga pumili?"
"freaky!"
"ay, yun damo na lang!"
"bakit?"
"kasi katakot yun dagitin ng ibon andito tayo sa taas. At least yun damo galing sa lupa, mauuna muna yun mga asa loob ng jeep bago tayo abutin!"
"yuck, baka pagtingin natin sa kanila biglang kulay green na silang lahat!"
sabay tawanan.
Masaya yun part na dumaan kami dun sa long bridge. Sabi nun mga kasama ko it's the second longest bridge dito sa Pinas. May I pose kami to take our pictures (salamat kay JR ang aming sponsor for photo coverage!).
A walk through Callao Caves Resort
While the guys, gals and gays were busy figuring out how to use the kayak, Auie and I walked around Callao Caves Resort.
MOMENT OF YOUTH. May playground and working ang swing! Yippee! May I swing ako..sarap ng feeling nun mataas na ang ugoy ng duyan, feeling carefree ako just like during my childhood days. Isa ito sa paborito kong gawin at meron pa kami dating makeshift swing sa harap ng bahay namin kung saan natuklap ang langib ng malalim kong gasgas sa binti nun maliit pa ako!
BIBLICAL LESSON AT THE MUSEUM. Matapos ang "moments mode" lakad-lakad ulit kami hanggang makakita kami ng isang building nakasulat musem. Sinubukan namin puntahan kahit naisip namin na baka sarado kasi Holiday. Anyway, inaccommodate naman kami nun nagbabantay na mama. Ilang pieces lang naman na artifacts at photos ang nandun, tatlong glass panels na parang aquariums lang to be exact. Paliwanag ng bantay eh extension office lang kasi yun at usually pumupunta run ay yun mga nagre-research. Then something caught my attention, yun isang piece of artifact na ang label eh "elephant tusk."
Recalling what the manong earlier said na lahat ng nasa museum eh nahukay sa Cagayan, I asked him, "ito pong elephant tusk, dito rin nahukay?"
He said, "opo Ma'am, nakuha yan fossilized elephant tusk na yan sa may Solana."
Quite amused, I asked, "ibig po bang sabihin nun, meron elepante sa Pilipinas noon?"
Then he replied, "ah hindi, ano yan, inanod lang yan dito noon panahon ni Noah."
Medyo natigilan ako ng ilang segundo bago ko napagtanto ang ibig niyang sabihin, "ah, Noah's Ark?"
"Oo, kasi malaking baha iyon," sagot niya. PANG LENTEN TALAGA!
MOMENTS PART 2: IRRIGATION. Natunton namin ang daan papunta run sa structure na nakita namin while riding the boat the day before. Sabi ni Doc, para sa irrigation daw yun. Curious kami so pinuntahan namin. Mula sa taas ng structure, kitang-kita kung paano hinihigop ng kung anong makinarya ang tubig mula sa ilog. Medyo may kataasan ang kinalalagyan namin pero kitang-kita ang crystal clear na tubig. Nakita ko rin yun mga isda na halos mahigop na ng irrigation pero nagpupumilit na lumangoy palayo.
Nasabi ko bigla kay Au, "ayoko mahulog dyan, parang may vacuum na humihigop."
"Mahina lang naman yan, makakalangoy ka palayo," sagot niya.
"Huh, malakas kaya yan, tingnan mo ngang mabuti!"
"Ay, oo nga tingnan mo yun sa gilid o, gumagalaw yun makapal na bakal!"
Medyo matagal rin kami sa lugar na yun, wala lang tinititigan ang pagdaloy ng tubig, parang nakatingin sa kawalan, tahimik lang. Kung anu-ano na naman ang naisip ko, haay..MOMENTS nga eh, ano bah?!
Matapos ang lunchtime, excited na ko sa next adventure, be brave and enter the cave!
Spelunking 101
First time ko rin ang pumasok sa isang cave. I've never been the adventurer type before, tipong bahay-eskwela girl lang ako. Kaya ngayon eto, excited akong subukan ang iba-ibang adventures basta ba swak sa budget o kaya tulad nito na libre! Hehe..
Nag-umpisa ang aming journey into the caves sa pamamagitan ng pag-akyat sa bundok. Actually it's more like a forest na upward sloped. Yakang-yaka pa, sisiw! Narating namin yun entrance ng cave at doon hinintay namin maka-akyat lahat para sa maikling lecture ng aming guide.
ANG RULES:
1.
Huwag hawakan ang mga rock formations because the human body secretes oil. Ayon sa aming guide na mula sa DENR, kahit na maliit na amount ng oil na kumapit sa mga ito ay nagiging dahilan para ma-disrupt ang proseso ng kanilang paglaki at kadalasan pa nga ay namamatay sila. He said that Sierra cave (ito ang pangalan ng cave na pinasok namin) is a protected area at makikita raw namin sa loob na buhay na buhay pa ang cave na ito. Sabi rin niya, hindi basta-basta makakapasok sa area na ito katunayan nga eh may gate na bakal at naka padlock ang entrance at exit ng Sierra cave.
2. Silence. Hindi dahil may library sa loob ng kuweba kundi dahil magagambala ang mga naninirahang teka, hindi mumu kundi bats sa loob ng cave.
3. Always follow your guide. Bawal ang pasaway na kung saan-saan pumupunta. Bukod sa madilim sa loob, marami raw kasing mga lagusan ang cave at baka magkamali ka ng puntahan eh hindi mo na mahanap ang daan palabas!
ENTRY POINT: Matapos ang tatlong paalala, isa-isa na kaming bumaba papasok sa entrance ng Sierra cave. TIP NO. 1: siguruhing matibay ang kinakapitan at always face the wall kapag bumababa. I passed the initial step, nasa loob na ko ng cave! Nakatayo lang kami habang hinihintay makapasok ang lahat nang biglang, "ngyarks, ano yun?!" may biglang lumipad na paniki at nauntog siya sa gilid ng face ko! Eehw, blessing daw yun, etchos!
LECTURE GALORE: while wandering inside the cave, tinuturo ng aming guide ang iba't-ibang rock formations sa loob. Eto yun mga natandaan ko:
Stalactites – a.k.a. dripstones. Ito yun rock formations na nabuo mula sa tumutulong tubig sa upper surface ng cave, kaya nga "drip"stones. Usually cone-shaped ang mga ito na ang pointed part ay nakaturo sa ground. Kung familiar ka sa computer games na may mga dungeon, katulad ito nun mga pointed spikes na bumabagsak kapag nagkamali ka ng daan. Teka, bakit may tubig saan galing yun? Nagmumula raw ang tubig sa vegetation sa ibabaw. Dahil nasa mountain ang cave, galing ito sa mga puno sa bundok na iyon.
Stalagmites – eto yun partner ng stalactites sa ground. Sabi nga ni Manong Guide, "makikita ninyo na kung ano yun tumutulo, siya ring tumutubo." Kaya usually pag tumingin ka sa ibaba ng isang stalactite kung saan pumapatak ang tubig, meron doon nabubuong stalagmite.
Soda Straws – isang uri ng stalactite na hollow yun loob. Mukha talaga siyang straw na ginagamit sa pag-inom ng "soda!"
Column – ito ang tawag kapag nagpang-abot at stalactite at stalagmite. Literally, mukha talaga siyang isang column.
Flow stone – ito yun rock formations na parang miniature rice terraces. Flow stone ang tawag kasi literally rin, dinadaluyan ito ng tubig kaya ganun ang naging form niya.
Curtains – a.k.a. draperies. Eto yun thin sheets of rock formations na malalapad, para ngang "curtains."
Dog teeth – isang uri rin ng formations na parang isang hilera ng maliliit ng ngipin, parang ngipin ng aso.
THE EYE OF THE CAVE. Eto yun tricky part. Pinapatay sa amin nun guide ang mga flashlights. From afar may nakita kaming something na umiilaw. Mukha ngang dalawang mata. Pinagmasdan namin mabuti, medyo tumahimik lahat. Sabi nun guide namin, ito raw yun tinatawag na "eye of the cave." Tuloy kami sa paglakad. Di ko alam kung ano iniisip ng mga kasama ko pero ako, dahil first time ko nga nun pumasok sa cave amazed na naman ako kasi nga meron something luminous sa gitna ng kadiliman at ang sabi nga eh "eye of the cave" ang tawag.
Di ko napigilan ang sarili kong magtanong, "lahat po ba ng caves meron ganyan?"
"Ah, hindi lahat!" sagot ng aming guide.
Na-gets ko rin later on kung bakit yun ang sagot niya. Hindi naman pala natural luminous light yun eye of the cave kundi kandila lang na sinindihan ng isa sa mga guides! Hmm..medyo naloko ko run ah! Ito rin yun MINI-MOMENT time para sa lahat kasi the guide asked us to seat down, keep quiet and then turn off all our flash lights.
Sabi niya, "huwag matakot, papatayin natin mamaya ang kandila. Mararanasan ninyo ang tinatawag na total darkness."
Lights off. Medyo badtrip lang kasi meron kumakalansing na parang mga susi! Sobrang dilim talaga kahit na wide-open pa ang eyes ko! Gusto ko sana super tahimik din at wala yun kumakalansing na susi, tsaka medyo mas matagal para nga MOMENT, pero binuksan na nun guide yun ilaw niya. Iba-iba ang reaction ng grupo. Meron nagsabing parang nakakabingi. Sabi nun isa nahilo raw siya. At meron din palang nakapansin at nagsabing may maingay na susi!
THE PASSAGE. Eto ang nagpatagal sa aming pananatili sa loob ng cave. Dahil maliit lang yun passage, dala-dalawa lang ang pwedeng pumasok at hihintayin silang lumabas bago pumasok yun next pair. Sabi nun guide namin pwede kaming mag-iwan ng sourvenir sa loob ng passage, basta wag lang basura. Challenge ito kasi meron part na kailangan mo talagang gumapang ng nakadapa flat on the ground. Eh problema ko first time ko gawin yun dahil di naman ako dumaan sa training ng CAT nun high school (hehe..girl scout akesh!), di nga ako makaforward nun papasok kami. Hehe buti na lang nun palabas na medyo kuha ko na technique kaya bumilis-bilis na ko!
THE WAY OUT. Dahil late na, doon na kami pinadaan sa easier way out. Sayang, mukhang mas exciting pa naman yun isang way kasi yun yun gapangan at yakapan sa putik to the max! Anyway, due to time constraints nga dun na kami sa medyo mas madaling way. Wag ka, akala mo madali lang dahil di naman kasikipan ang daanan pero meron part na kakatakot kasi akala mo lulubog ka nang tuluyan sa putik! Hmm..akala ko nga eh masisira yun binili kong tsinelas eh, buti na lang it survived! Pero habang naglalakad sa putikan bigla ko naalala yun commercial dati sa TV na Goya Fun Factory. Hehe..sarap siguro kung tsokolate yun dinadaanan namin eh kaso, kadiri rin pala! Paano mo naman kakainin yun kung nakita mo na ngang tinapak-tapakan at may mga kasamahan ka pang nadapa sa mala-tsokolateng putik na yun!
Kami yun unang nakatanaw muli ng liwanag at nakarating sa lagusan palabas kaso lang hindi rin kami makalabas ng wala yun iba kasi naka-lock nga yun gates sa entrance at exit remember? Nang makumpleto na kami eh here comes our guide to open the gate! Ayos, muli na naman kaming nasinagan ng araw!
ALL THE WAY DOWN. Akala ko nung una ayos na, kahit putikan kami eh at least we survived that bruising session called spelunking. Pero mas mahirap pala yun bumaba sa bundok! When finally nakababa na kami, hinintay namin ang mga kasamahan namin na bumaba, cyempre with matching cheer pa! Nakakatawa nga eh para kaming isa-isang niluluwa ng kabundukan!
THE CROWD. Siyempre dahil putikan kami samantalang kay init-init at hindi naman umulan, medyo napapatingin sa amin ang mga taong dumaraan. Yun iba tinanong pa kami kung anong meron dun. Sagot lang kami na galing kami sa cave, etc. sabay sabing i-try rin nila kasi exciting naman. When finally kumpleto na kami, pose ulit kami for another picture taking.
WASHING BY THE RIVER. Habang naghihintay sa banca na magdadala sa amin pabalik sa kabilang side ng ilog, sunud-sunod na kaming lumusong sa tubig para maglinis ng aming mga sarili. Tawanan kami kasi malinaw naman yun tubig ng ilog then nun lumusong kami biglang naging brown! Noon ko na isa-isang nakita yun mga bruises ko sa tuhod tapos meron isa sa malapit sa ankles. Para akong nagtrip at sinubukan kung matalim ang blade sa pamamagitan ng pagguhit nito sa balat ko!
Going home
Nang makabalik kami, fall in line para makaligo tapos we packed our things na para makabalik sa City where we'll take the bus back to Manila. Paalam na kami at picture taking with Ate Sunkist ang family. Sila yun nagpakain sa amin ng masasarap na pagkaing Pinoy, kasama na yun specialty an pancit sa lugar na yun. Pagdating sa bus, dinner kami tapos rest. Pagod kaming lahat eh! Hindi rin ako halos nakatulog sa byahe, mas gusto ko tumingin sa labas ng bintana, lalo na dun sa mountainous part ng Nueva Vizcaya at Nueva Ecija. Medyo maliwanag pa rin kasi yun buwan kaya kita yun kapaligiran sa labas. Madaling-araw nasa Bulacan na kami. ETA namin sa Manila is around 7 a.m.
SUNRISE. I witnessed the sunrise once again! Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling napagmasdan ang pagsikat ng araw. Yun bang nakikita mo kung paano unti-unting lumiliwanag ang paligid tapos from afar sisilip yun yellowish sun. Maliit lang muna pero once na lumitaw na siya, ang bilis na mabuo nun bilog tapos unti-unti para siyang umaangat mula sa grounds.
MOMENTS – HIRIT PA ULIT! Sa ala-ala ko, mas maraming beses ko nang napanood ang sunset than sunrise. Siguro dahil sa circumstances na nagbibigay ng pagkakataon para huminto sandali at pagmasdan ang isa sa wonders ng buhay. Kapag sunset, sobrang calm ang atmosphere para sa akin; gloomy yet not frightening. There's this feeling of comfort and serenity. Parang ang sarap mangarap. Ang sarap pagmasdan ng mga bituin na biglang lumilitaw sa malawak na kadiliman. Masarap magreflect kapag ganun.
Pero iba ang feeling when you witness how the sun radiates its light across the land. Para sa akin, sunrise symbolizes a fulfilled promise, another chance for you to see your dreams come true. Upbeat and vibrant ang dating, parang you're ready to face life's challenges.
Sa life, meron din sunset at sunrise. Between those you have night and day; dusk and dawn. Minsan may storm so you cannot see the sun rise but you can still see its light amidst the storm, reminding you that though you haven't seen it, it's still there. Okay lang kasi alam mo naman andyan lang yun at bukas makalawa muli mong masisilayan. Minsan parang ang haba ng gabi, naiinip ka na pero madilim pa rin pero okay lang, sisikat rin ang araw. Minsan you're all too tired of life's wearies, gusto mo na lang gumabi na, umuwi, matulog, kalimutan lahat ng problema. Pero minsan kapag gabi na, lalo kang nanghihina at nalulungkot kasi lalo mong naiisip yun mga pangarap, yun mga ala-ala. Minsan nagtatanong ka kung bukas kaya matutupad na yun mga pangarap mo? Bukas kaya may magbabago sa kalagayan mo? Ano kaya ang naghihintay sa'yo bukas? Minsan dumating na yun dawn, masaya ka at excited dahil ayan na, unti-unti nakikita mo na yun araw hanggang sa balutin na ng liwanag ang iyong kapaligiran then suddenly there's darkness. Solar eclipse. Disappointing. Ganun talaga buhay. Pero you have to move on. Mahirap minsan, ni hindi mo nga maisip kung paano pero when you're left with no other choice believe me, magagawa mo rin. Minsan pag sunset, maaalala mo lahat yun, minsan nga di mo maiwasan umiyak pero okay lang, ilang oras lang naman yan kasi bukas, sisikat muli ang araw. Lilipas rin ang maraming sunrise at sunset, at sa paglipas ng panahon gagaling din lahat ng bruises. Minsang kainis kasi may peklat pero bakit mo ba tititigan yun peklat mo eh maliit na bahagi lang naman yan ng katawan mo at hindi naman diyan masusukat ang pagkatao mo?
Malapit na kami sa terminal. Kailangan nang maghanda sa pagbaba. Pagdating ng Maynila, diretso kami sa isa pang trip!