Monday, December 22, 2008

Random thoughts again..

  • Maraming bagay na nakakasorpresa.
  • Hindi ko gusto yun pakiramdam na parang may tension lagi sa air. Kailangang matigil ito!
  • Dumarating din yun panahon na mangingiti ka na lang kapag naaalala mo yun mga bagay, pangyayari at taong minsan ay ninais mong tuluyang mawala sa ala-ala mo. Kapag dumating ang panahon na iyon, magaan na sa pakiramdam, walang bitterness, walang panghihinayang, walang kalungkutan..dahil alam mo na sa mga panahong iyon ay naging maligaya ka. 
  • Minsan tinanong ako ng isang kaibigan kung alin ang mas pipiliin ko, yun luma o yun bago. Sabi ko, mas pipiliin ko pa rin yun luma. Oo, alam ko yun mga kahinaan nito, yun mga pagkukulang, at kung anu-ano pa, pero anong problema sa ganun? Nagkasundo naman kami ng mahabang panahon at naging maayos naman dahil nag-blend at nag-complement kami. Yun bago, oo siguro nga mas may potential pero sino ba ang makapagsasabi nun sa ngayon? Paano kung dumating yun panahon na masira siya? Oo may warranty pero pano kung malayo ang service center? Iba pa rin yun tried and tested sa loob ng maraming taon!
  • Ang sarap magbakasyon. Relaxing yun feeling na wala kang ibang iniisip kung hindi ang i-enjoy ang mga araw na malayo ka sa lahat ng gumugulo sa isip mo.

Wednesday, December 10, 2008

Grateful

It's time of the year again! December. I've always loved this month but some not so recent events caused me to feel a bit gloomy the past Christmas season. But as what someone said then, "you will be alright." And I am. Well, I am now and am looking forward to a happy Christmas and New Year Season.

I just feel so blessed this year in all aspects of life. Though admittedly, I am still in the midst of a storm having arrived at this point despite my shortcomings and limitations is reason enough for my heart to leap with joy. Yep, life is challenging, frustrating, tiring and disheartening but hey, am able to survive! Hehehe..tenk U Lord!

Went to Doc A last Saturday and happy ako sa result ng exams ko! It just said that I am fine. He told me na I just have to go back sometime in late June next year for regular check-up. And since hindi naman na sumasakit ang ulo ko, okay na..buti naman! Kasi ang next resort na nun sabi ni Doc A eh to consult a neurologist. Naman, afraid! Nope, di naman ako afraid na ma-deads if ever..afraid ako sa gastusin sa ospital at gamot!

Happy ako sa lahat ng blessings! Need I expound more? 'Wag na! hehehe..

Thankful rin ako for what I feel now. Ang light lang sa damdamin..hehehe. Sabi ko nga, I am alright na. Kung last year I felt sad sa pagsapit ng araw na ito; ngayon, okay lang. ;-D

Grateful ako sa lahat-lahat. Maraming challenge pero that's what make living more meaningful. Failures, that's where you learn humility. Acknowledging your weaknesses makes you stronger for you believe that it is no longer you who's working to surpass the hindrances but the One you believe in.

Malapit na matapos yun isang commitment ko. Am looking forward to enjoying life more. Grateful ako sa bawat araw. Happy ako sa bawat bagong kaibigan. Hopeful ako that better days would come.

Saturday, November 29, 2008

another series of random thoughts

  • Huwag kayong malungkot para sa akin dahil hindi naman ako nalulungkot. Ayaw kong maging dahilan ng kalungkutan ng ibang tao. 
  • Nabanggit ko sa isang nakalipas na blog ang linya ng dati kong propesor sa taxation 1 na “I don’t get mad, I get even.” Pero dahil sa pinipilit kong magpakabait kuno, napagisip-isip kong masama ang maghiganti sa kapwa. Kung sa bagay, hindi naman talaga ako gumaganti (maliban na lang kung asaran lang ang usapan). At isa pa, nauubusan din ako ng pasensiya kaya hindi sa lahat ng pagkakataon eh mapipigilan ko ang sarili ko na mainis. Pero ‘di ba masama rin naman ang mainis? Hmm..paano na? Eh hindi ko talaga maiwasan pag sobra na eh! 
  • Naiinis ako sa mga taong hindi marunong umamin ng pagkakamali. Paanong mababago ang sitwasyon kung wala kang pagkilala na mayroon kang mga pagkukulang? Kung hindi ka pwedeng ituwid ng magulang mo eh di sana ikaw na lang ang magulang at siya ang anak. Kung mas magaling ka sa boss mo eh di sana ikaw na lang ang boss at siya ang staff. Hindi ko sinasabing maging sunud-sunuran ka sa kung kanino man. Gusto ko lang bigyang diin ang halaga ng pakikinig sa pagtatama nakatatanda o nakatataas. Oo, may karapatan ang bawat tao na ihain ang kanyang mga hinaing pero dapat unawain na dapat handa ka rin na makinig kung ano ang sinasabi sa iyo. Oo, maaaring napakarami ng kapalpakan o pagkukulang nila sa iyo, hindi sila perpekto pero ikaw ba, perpekto ka bang tao? Kung ganun ang tingin mo sa sarili mo, malaking problema yan dahil hindi ka tao! Alamin mo kung saang planeta ka nagmula at bumalik ka agad roon para maging mas tahimik, payapa at mabawasan ang mga pasaway sa mundo. 
  • Kung may problema ka sa akin; sa akin mo sabihin hindi yun talak ka nang talak sa ibang tao tungkol sa pagkukulang ko sa iyo. Siguraduhin mo lang na handa ka rin marinig kung ano ang sasabihin ko. 
  • Kung may issue ka sa isang taong malapit sa akin, huwag mo akong idamay. Huwag mo akong pagalitan o pagtaasan ng boses dahil sa mga pagkakamaling hindi naman ako ang may gawa. 
  • Hindi ako nahihiyang magtanong kung hindi ko alam ang ginagawa ko. Kapag tahimik ako ibig sabihin alam ko ang ginagawa ko. 
  • Bago mo ko sermonan, alamin mo muna sana kung bakit ganun ang kinalabasan. Hindi ako tanga para hindi mapagtanto na huli na talaga yon. Pero may mga pagkakataon na kailangan mong ihabol kahit huli at umasa na pwedeng umabot. Imbes na pasakitin mo ang eardrums at damdamin ko sa paninisi sa akin samantalang nais ko lang naman makatulong, sana tinulungan mo na lang din ako bago tuluyang mahuli ang lahat. 
  • Huwag mo akong iwasan dahil nahihiya ka at iniisip mong galit ako, masama ang loob ko o nasasaktan ako. Kung galit ako sa iyo, ni hindi ko gugustuhing makita ka at gagawa ako ng paraan para hindi mangyari ‘yon. Walang kaso sa akin ‘yon, mas naiinis ako sa ginagawa mong pag-iwas dahil naiisip kong ganun pala kababaw ang tingin mo sa akin. 
  • Hindi ko sinasadyang balewalain ka. Talagang napakarami ko lang iniisip sa mga panahong ito. Sana lang maintindihan mo yun kasi kapag nagtampo ka o nag-isip ng kung ano tungkol sa hindi ko pagbibigay ng oras sa iyo eh madadagdagan lang ang mga inaalala ko. 
  • Salamat sa mga umuunawa sa akin, lalo na nitong mga nagdaang dalawang buwan hanggang sa ngayon. Salamat sa mga payo, sa pagpapatawa, sa pag-alala, sa pagpaparamdam ng importansya at pagmamahal. Dahil sa inyo, lalo kong napatunayan na love pa rin ako ni Lord kahit na pasaway ako.
  • Sabi ng isang kaibigan, bago mo ipagkalat ang isang impormasyon, alamin mo muna kung tama o totoo ba iyon kasi nakakasakit ka ng ibang tao sa ginagawa mo. Sang-ayon ako sa kanya. 
  • Kung alam mo kung paanong maging ako sa paraang ini-expect mo, eh di ikaw na lang ang maging ako! 
  • Hanggat kaya ko, iniintindi kita at ang kalagayan mo; sana unawain mo rin naman ako. 
  • Salamat! Hindi mo lang alam kung gaano ko na-appreciate ang mga ginawa at ginagawa mo para sa akin. Pero may hangganan ang lahat ng bagay. 
  • Kung minsan, naiisip ko na mas magaan siguro ang life kung narito ka pa rin. Yun tulad ng dati na anytime kinukulit kita para hingan ng tulong o advice. Nakaka-miss, lalo na ngayon kasi alam ko na marami kang alam tungkol sa mga bagay-bagay na kailangan kong malaman. Nakaka-miss rin yun comfortable silence kapag kasama kita. Minsan, hinihiling ko na sana hindi ka na lang kinuha sa akin. Pero ganun talaga. Maniniwala na lang ako na may mahalagang dahilan kung bakit kailangan kang ipahiram sa akin kahit ilang panahon lang. Natutuwa pa rin ako kasi yun mga happy memories na lang ang naiisip ko ngayon. 

Saturday, November 15, 2008

Sagot sa post ni Karen Santiago na “paano nga ba ang paglimot?”

....ang pinagmulan ng lahat ay isang post sa forum ng KKBMovement.org na..
wuy!.. masyadong mdrama 2.. hehe,, pero..


nais ko lng sna malaman ang mga paraan nyo sa paglimot sa isang tao na minsan naging parte ng buhay mo.. L tagalog lang po tayo ha.. :P para mas ramdam, db?
Naisin ko man na maging purong tagalog ang sagot ko, marahil ay hindi ko rin maiiwasan na gumamit ng wikang banyaga..


‘wag mo lang subukan kalimutan. dahil habang pinipilit mong kalimutan, lalo mo lang maaalala. ‘wag kang mag-alala, sa paglipas ng panahon unti-unti rin mawawala yun sa ala-ala mo.. pasasaan ba at tatanda ka rin at magiging ulyanin! kung nais mong mapadali ito, iwasan ang pagkain ng mga pagkaing pampatalas ng isip pati na rin ng mga pinapatalastas sa telebisyon na bitaminang tulad ng memo plus gold at glutaphos.


teka, ano nga ba ang pinag-uusapan dito? usapang adik ba ito (hindi sa droga ha, ‘di mabuti yun) as in adik ka kaiisip sa taong yon? pwedeng isang kaibigan, kamag-anak, kasama sa trabaho, kaklase, o kaya boy/girl friend, o kahit sino basta tao na pilitin mo man ay hindi mo maiwaglit sa iyong isipan, lagi mong naaalala at nais mong muling makasama.


ayon sa aklat na “how to break your addiction to a person” na sinulat ni Dr. Howard M. Halpern noong panahon na malamang hindi pa isinisilang ang mga KKB sa ngayon, “attachment hunger” ang sanhi ng pagiging adik mo sa isang tao. inumpisahan kong basahin may pitong taon ang nakararaan ang librong ito pero hindi ko natapos kasi tinamad ako. sa makatwid, hindi ako na-adik sa pagbabasa sa kanya dahil yun mga tipong mind-boggling na libro na tulad ng kina Scott Turrow, John Grisham, Nancy Taylor Rosenberg at Mary Roberts Rinehart ayaw kong tulugan hanggat di ko tapos basahin tapos nagigising na lang ako sa umaga na hindi ko alam na nakatulog ako. kaya siguro kahit tanungin mo ko ngayon kung anu-ano nang libro nila ang nabasa ko eh hindi ko matandaan kasi karamihan, pagkatapos kong basahin at nalaman ko na ang ending at napag ugnay-ugnay ko na sa isip ko ang mga pangyayari eh ayos na, ‘di ko na masyado iisipin. pero hanggat may mga tanong sa isip ko eh hindi ako makakatulog at makatulog man ako eh hindi matahimik ang utak ko – pasaway talaga!


teka nga, mabalik tayo sa paksa, ikaw ba yun bang tipong ang drama sa buhay eh “hindi ako mabubuhay ng wala siya” o kaya “siya lang ang nagbigay ng kulay sa buhay kong puno ng pasakit at pagdurusa.” adik na adik nga ang dating mo! yun tipong umiikot na lang sa kanya ang mundo mo. tandaan, anumang sobra ay hindi mabuti. bago ka pa maging permanent resident ng mental hospital eh tigilan mo na yan.


subukan mong ituon ang atensyon sa ibang bagay tulad ng pagsusulat. naku, hindi ko sinasabing sabuyan mo ng pintura lahat ng billboard sa kahabaan ng EDSA; sulatan ng “make peace not war” ang lahat ng pedestrian overpass o di kaya eh sulatan ng “LINISIN MO AKO” gamit ang iyong kaliwang hintuturo ang lahat ng maruming salamin ng kotse at gusaling iyong matagpuan! hindi vandalism ang tinutukoy ko kundi pagsusulat – sa journal, sa notebook mo, kung saan mo trip, kahit sa blog mo pa.


libangin ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin sa kawalan. isang araw, may makakapansin sa iyo at aakalain niyang nakatitig ka sa kanya. matutuwa siya at isiping napaka ganda/gwapo niya kaya mo siya tinititigan (tapos feeling niya may background music kang naririnig habang nakatitig ka sa kanya: “you’re just too good to be true, can’t take my eyes off you; you feel like heaven to touch, oh I wanna hold you so much..). bigla siyang mapapangiti, mag-aayos ng buhok, papantayin ang kuwelyo o kung walang kuwelyo eh magpapanggap na meron (tapos sa isip niya, kumakanta siya ng, “hindi kaya ikaw, baka ikaw na nga..”). ikaw naman, nakatingin pa rin sa kawalan at tila ‘di siya nakikita. magugulat ka na lang kapag nilapitan ka niya at nagpakilala. ayos, may bago ka nang kaibigan! o kung hindi mo naman siya gustong kaibigan eh may bago ka nang iisipin – kung paano umiwas sa isang stalker! tumakbo ka na lang. kung nagkataong nasa mall ka, pumasok sa isang tindahan at bumili ng bagong damit. ‘wag mo na isipin kung mahal ang presyo ang mahalaga eh matakasan ang stalker mo. kung meron kang makikita, bumili ng wig, malaking shades, at wide-brim hat. iterno ito sa bago mong outfit. dumaan sa tindahan ng sapatos at bumili ng tsinelas. siguruhing solid colors ang lahat ng gamit na bibilhin at kinabibilangan ng mga kulay na ito: pula, dilaw, bughaw, luntian, fuchsia, itim at puti. dumaan ka sa isang orthodontist at magpakabit ng braces; kung nakapustiso ka naman, alisin muna pansamantala. sa dami ng inikutan mo, malamang naligaw na ang stalker mo. pero kung sakaling may lahing detektib pala siya at nasundan ka pa rin, malamang ay hindi ka na niya type sa ayos mong ganyan. kung sakaling type ka pa rin niya, malaking problema yan.. tumawag sa mental hospital at i-report na natagpuan mo ang nakatakas nilang pasyente. ngayon lalo kang magpupursigi na kalimutan na yun taong gusto mong kalimutan sa takot na maging magka-kosa kayo ng stalker mo as mental.


bilog lang talaga ang buwan! eto na, seryoso na..


marami pang ibang tao sa paligid mo na pwede mong pagtuunan ng pansin. makipag bonding sa iyong mga magulang at kapatid. higit kanino mang tao, pamilya mo pa rin ang lagi mong takbuhan at tatanggap sa iyo kahit na talikuran ka na ng buong mundo. nariyan din ang iyong mga kaibigan. baka naman dahil sa isang tao eh medyo napabayaan at napalayo ka na sa kanila. at siyempre, ‘wag isara ang mata, puso at isipan sa mga taong hindi mo pa kakilala. itigil mo yang drama mong, “hindi ko kailangan ang kaibigan, marami na akong kaibigan!” malay mo, andyan lang pala sa paligid mo ang taong tunay na magpapahalaga at magmamahal sa iyo kaya lang masyado kang abala sa paglimot sa isang taong wala na o malayo na. ayos lang ‘yan, makipagkaibigan ka lang. wala naman masama run. pag marami ka na kaibigan, as in sobrang dami na talaga at isa ka nang bonggang bonggang sikat sa buong bayan, pwede ka na tumakbo sa darating na halalan o di kaya eh sumali sa mga kontest sa tv kung saan pwede kang manalo sa pamamagitan ng text votes ng sangkaterba mong kaibigan sa iyo! (sabi na kasi bilog ang buwan eh!)

Friday, November 14, 2008

dAzEd

Dazed. Ilang araw nang yan ang status message ko. May mga bagay bagay lang talagang nakakawindang nitong mga nagdaang panahon. Ang hirap ng ganito, ang ending lagi ikaw lahat may kasalanan sa mga nagaganap na kapalpakan sa sanlibutan. Kulang na lang eh ikaw ang ituro na nakinabang ng husto sa fertilizer fund scam. Ano naman magagawa ko eh hindi naman ako perpektong tao. Maraming mga bagay na hindi ko naman kontrolado. Kung perpekto ako at kaya kong kontrolin ang lahat ng bagay eh hindi na ko tao nun, ako na siguro si Lord. Pero naman, I am not! Oo sinusubukan kong maging mabuting tao kahit ang hirap magpakabait sa mundong ito, pero hindi ibig sabihin nun eh magiging manhid na lang ako sa kung anu-anong naririnig kong nakakasama ng loob at nakaka-asar. What am I exactly driving at? Ewan, am dazed nga eh. Tipong ayaw ko na lang isipin pa yun mga yun. Live each day as it comes. Patawa-tawa lang o kaya dedma. Basta every morning hoping na lang ako na maging mas maayos ang lahat. Nope, am not saying that everything will fall into their proper places just like that. I know I have to work things out. Kahit papano nagagawa ko naman. Siguro some more time. Nakakapagod na rin pero I just have to face the realities of life. Keri lang. Whatever happens next, hindi ko alam. Basta I still believe that all things work together for good for people who trust and follow Him.

Friday, November 07, 2008

So Close

I'm so secure. You're here with me.
You stay the same.
Your love remains here in my heart.


So close I believe
You're holding me now, in Your hands I belong.
You'll never let me go;
So close I believe
You're holding me now in Your hands I belong,
You'll never let me go.


You gave Your life and Your endless love.
You set me free & show the way; now I am found


So close I believe
You're holding me now in Your hands I belong,
You'll never let me go.


All along You were beside me
even when I couldn't tell and through the years
You showed me more of You more of You


So close I believe
You're holding me now in Your hands I belong,
You'll never let me go.


Thank you for holding me close. I may not understand everything now but I believe that in due time, I will. What more can I ask for? More patience and a heart that follows Your will. Faith, hope and strength to go on. Yep, I still am a work in progress but let me find rest in knowing that You are in control of everything.

Sunday, November 02, 2008

Of Cupids and Match-Makers

The last time I checked (and that was this morning), I don’t have a tag etched on my forehead that says, “wanted: boyfriend.” And why am I being “praning” about it? Kasi naman ang daming gustong gumanap na Kupido sa istorya ng buhay ko.

Yun Uncle ko na ninong ko sa Kumpil (yep, meron ako nun!), ilang ulit na sinabing may ipakikilala sa akin na taga province. Kesyo mabait raw yun, walang bisyo, may itsura raw at kahawig ni Oyo Boy Sotto. Tsaka ‘di naman daw niya ko ipakikilala run kung luko-luko yun. At nagpatuloy siya sa pagkkwento hanggang makarating kami sa EspaƱa cor. A.H. Lacson (sumabay ako sa kanya mula sa bahay papasok sa office). Naisip ko lang, eh kung mistulang perfect na Mr. Dreamboy itong si Oyo Boy look-a-like eh bakit di siya humanap ng gf sa sarili niya noh! Hmm..kailangan pang magpatulong nun magulang niya sa mga friends nila para ihanap siya ng gf, mahilig daw mag-gym at yun lang ang libangan dahil wala nga raw bisyo..naku po, di naman kaya bf ang type niya?! Ahihihihi.. Ayoko nun, am not a boy! Potential kaagaw pa ata sa mga boys ang lalaking yun! Eeehw! Sa mga pinsang ko na posibleng nagbabasa nito..walang magsusumbong, lagot kayo sa akin! (naks, gamitin ang pagiging senior! Hehe..)

Yun barkada ng Papa ko na nakatira ilang streets away from us eh tinanong minsan si Mama kung single raw ako at kung may bf ako. Nun sinabing wala eh pakikilala raw ako sa anak niya para maging mag balae raw sila! Naisip ko, “anak ng pato naman, kung hindi ka lang matanda eh sisipain kita!”

Yun college friend ko naman eh pakikilala raw ako sa manager niya sa work niya. Eh single raw yun, walang love life at taga Fairview so magkalapit lang daw kami kung sakali. Hmm..pwede siguro kaming magtayo ng Samahan ng mga Walang Love Life, Fairview Chapter! Yun nah!

Yun mga officemates ko naman, mina-match ako kay MOVE President. Aba, nakahanap sila ng bagong source of happiness! Masaya at kinikilig silang lahat habang ako naman eh hiyang-hiya na kay Atty.

Pati nga yun trip namin sa Bohol with people from the Population Commission, sa airport pa lang eh mina-match naman ako dun sa kasama namin sa galing sa UPPI. Tuwang-tuwa pa sila kasi magkakulay raw ang shirt na suot namin tapos nagkatabi pa kami sa eroplano. Naman, masyadong bata yun; gusto ko yun matured! hehehe...

I don’t have anything against these people naman, natatawa lang ako sa kanila but at the same time nakakapikon yun iba. Yep, there’s nothing wrong with meeting and knowing new people, lalo na kung cool naman sila. Ayoko lang yun mga hirit na tulad nun sa barkada ng Tatay ko. Hindi ako naniniwala sa Kupido. Ayaw ko ng dinidiktahan ako kung sino ang gugustuhin ko. Oo, okay lang naman makipag-kilala, open ako sa ganun, but to immediately conclude that we’ll be an item eh ibang usapan na yun.

Teasing friends + torpe guy = deadly combination. Perhaps not exactly. Meron kulang sa equation na yan para maging reality sa istorya ko. Siguro torpe guy raised to the N power where N = unresolved issues from his past multiplied by being so immature that he can’t face it head on. Gosh, I love you’s, even if you repeat it a hundred times and put in the words “so much” are not enough for me to have a romantic relationship with someone. Ang hirap mag let go but at that point that’s the only thing to do. Ito rin ang reason kung bakit sad ako pag Pasko. But my friends (who brought us together) are still my friends, perhaps even closer. Sabi ko nga eh, I have nothing against them. Kasi everything that happened after I first met that guy, decision ko na yun.

Sabi ng officemates ko, ang dami raw pagbabago sa akin lately. Alam ko yun. Pero alam ko rin na they are pointing that out para i-connect sa pagiging “inspired” ko dahil meron daw akong Atty. By the way, this afternoon while talking with Mich she reminded me about Dennis who’s also an ex-seminarian na sinubukan din niyang i-partner sa akin few years back. Hehe..naalala ko, this Dennis guy used to work at NAPC with Mich at umuuwi sa bandang COA. So ang Mich ilang ulit nagpilit na magkita kami sa Philcoa before I go home tapos sinasama niya ang Dennis and since pareho kami ng way pauwi at si Mich ay pa-Cainta eh we end up going home together. Ang result: oo, nag-click kami ni Dennis – si Mich ang pinag-tripan namin asarin habang kami eh wala lang, parang magbarkadang mapang-asar! Now going back to my being “inspired” because of Atty.. walang ganun noh, hindi siya ang dahilan kung bakit ako nagkaka ganito. Dahil lang nag-birthday na naman ako. Ang usual na turning point ng life ko ay birthday ko at Christmas season. I did some reflection and I realized na ang dami kong dapat baguhin sa life ko para maging mas mabuting tao. Yep, I have to grow up some more; to move on with my own life; to think of my future; to enjoy life further. I may not have all the perfect things in life but I still feel so blessed that I am given another year.

As for the Cupids, bahala sila kung saan sila masaya! Basta ako, sinusubukan kong maging mas mature na tao. Sa kasong ito, kahit papano successful naman ako. Kasi nun maliit pa ko, ganito ang mga reactions ko sa mga panunukso:

Umiyak. Dahil cute akong bata, may classmate ako nun kinder na super attracted sa pagiging cute ko (kalimutan muna ang modesty). Tinutukso ko nun iba namin classmates at dahil di pa ko sanay nun sa mga bully eh ang reaction ko lang ay umiyak sa school. Natigil rin naman yun mga panunukso at ang paglapit sa akin nun classmate ko nun minsang umuwi ako sa bahay namin na umiiyak. Pano kasi yun kaklase ko, inabangan kami ni Melody (yun kapit bahay namin na friend at classmate ko) sa labas ng school tapos ninakawan ako ng halik. Whaaaa.. sobrang damsel in distress pa drama ko nun, wala ako nagawa kundi umiyak tapos si Melody pinukpok ng water jug niya yun ulo nun salarin. Siyempre nakarating kay Madir at Pader ang story kaya may I reklamo sa school. Kaya ang ending eh bawal lumapit sa akin si classmate. Nga pala, nun College ako eh nakikita ko pa minsan yun lalaking yun sa tricycle. Gusto ko nga sanang upakan eh; kayang-kaya ko na siyang batukan nun kasi ako lumaki at siya hindi (read: mas matangkad ako sa kanya ng ilang inches). Kaso lang ‘wag na lang, baka marumihan ang puti kong uniporme!

Mang hataw ng tsinelas. Hinampas ko ng tsinelas yun batang lalaki na kalaro ko nun elementary kasi yun mga kalaro namin eh tinutukso kaming dalawa. Pag naaalala ko yun, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit siya ang hinampas ko at hindi yun mga nanunukso!

Makipag-away. Nun high school, meron akong classmate na tinutukso sa akin. 2nd year pa lang kami nun at mula nun tinukso kami as isa’t-isa eh para kaming naging mortal enemies. Nope, not in the way na nag-aaway talaga kami pero nag-iiwasan at naglalaitan lang naman kami (di ba away yun? hehe.. wala lang asaran lang). Kaloka yun dahil pati yun ibang teachers namin pasimpleng nakikisali. And so we continued to stay away from each other. Meron point na may niligawan pa siyang classmate namin, etc. Then came graduation time nun 4th year na kami.. sa isang practice namin ng graduation, nag “sermon” si Mr. Principal. Anak ng pato! Di ko alam kung paano naisingit sa “sermon” niya ang panunukso sa amin dalawa nun classmate ko na yun! Ang nakaka-inis pa run eh nasa school quadrangle kaya kami at andun ang buong graduating class! Hmm.. I stood there imagining that I suddenly disappeared into the air. What happened next? Wala, siniguro ko lang sa sarili ko na kahit yun na lang ang nag-iisang boy sa earth eh ayaw ko sa kanya! Naman, pagkatapos ng lahat ng panlalait namin sa isa’t-isa eh hinding-hindi ko maiisip na maging kami noh! Parang, palanguyin mo na lang ako sa Ilog Pasig men!

Ngayon, wala lang. Patawa-tawa o kaya dedma. Pero pag bordering on making stories na, siyempre deny ko naman dahil di naman totoo. So far ganun. Wala pa naman akong nahahampas, di pa rin naman ako umiiyak! Basta nag warning na ko sa mga nanunukso na kapag ako gumanti walang pikunan! Borrowing Sir Tan-tan’s motto: "I don’t get mad; I get even!" Hehehehe.. Kung meron man maging successful sa mga Kupido sa life ko eh hindi ko alam. No one can tell. Sabi nga ng Prof. ko dati sa RC, “only God knows!”

Sunday, October 26, 2008

One week matapos ang birthday ko...ilang ulit kong narinig ang kantang ito:

When I see you on the street, I lose my concentration.
Just the thought that we might meet, creates anticipation.
Won't you look my way once before you go,
and my eyes will say what you ought to know.
Well, I've been thinkin' about you day and night
and I don't know if it'll work out right.
But somehow I think that it just might, if we try.

Faces come and faces go, in circular rotation.
But something yearns within to grow beyond infatuation.
Won't you look my way, once before you go,
and my eyes will say, what you ought to know.
Well, you got me standin' deaf and blind.
'Cause I see love is just a state of mind.
And who knows what it is that we might find, if we try.

You're walkin' a different direction from most people I've met.
You're givin' me signs of affection I don't usually get.
I don't want you to pledge your future, the future's not yours to give.
Just stand there a little longer and let me watch while you live.

'Cause when I see you on the street, I lose my concentration.
Just the thought that we might meet, creates anticipation.
Won't you look my way, once before you go,
and my eyes will say, what you ought to know.
Well, I've been thinkin' about you day and night
and I don't know if it'll work out right.
But somehow I think that it just might, if we try.
Somehow I think that it just might, if we try.
Yes, somehow I think that it just might, if we try.

Wednesday, October 22, 2008

Bohol

October 19: Flying again..to Bohol this time. Paalam birthday leave (pangalawang taon na ito!). Sige na okay na, first time ko naman pupunta sa Bohol. Wish ko lang: Sana naman may mapuntahan akong ibang lugar bukod sa airport at sa hotel. Sa airport pa lang, alaskado na naman ako. Bakit ba lahat na lang ata ng tao eh pinaplanong i-match ako kung kani-kanino? Uncle ko, kaibigan ni Papa, college friend ko, officemates ko, ngayon pati ba naman itong mga taga ibang opisina? Har..har..buti na lang cool naman itong si Jeoff..wala lang, tawa-tawa lang kami. Sabi ko eh masyado siyang bata kasi naman 23 lang..pakikilala ko na lang sa officemate ko (hehehe..magbalak bang gumanti!). Hirit naman ang bossing ko na meron na raw akong boy (AY, NASAAN?! HEHEHE..). Sa Tagbilaran City lang pala kami magsstay. They have the amenities of the urban city where I came from but more laid back ang slow paced ang buhay. Hay..this is the life!

October 20: Day 1 ng writeshop for the ICPD + 15 Report. Fill in the missing information ang role ko. Salamat sa wifi access, kinulit ko ang mga tao sa office. Salamat helen, vichel, lyn at jun!

October 21: Day 2 na..may plenary presentation ng output..kaloka, binago bigla ang outline ng situational analysis!

October 22: Eto na ang araw na hinihintay ko! May Bohol tour raw kami! Yehey! Post ko na lang pix pagbalik ng manila!

Saturday, October 18, 2008

Thank you…

For the blessing of life;
For never leaving me even in the darkest moments of my life;
For holding me in your arms when the world seemed to cross theirs;
For not keeping me out of your sight and for always reaching out whenever I go astray;
For accepting me as I am while guarding me from going away from your sweet embrace;
For sending me people who make your powers and your presence so real;
For giving me my family; I do not have a perfect one but I am learning a lot from them – I’ve learned how to trust in you, to hope, to dream of better days, to accept my weaknesses, to believe in what I can do, and the list could go on and on;
For the gift of real joy after a moment of extreme loneliness;
For keeping me strong;
For the love, the joy, the peace within, for teaching me to be patient, for the knowledge and wisdom, for keeping my faith in you strong, for helping me become a better person, for every single blessing that You've showered me;
For allowing me to grow-up on my own while you patiently wait on me everyday;
For giving me life and another year to live.

Monday, October 13, 2008

ramblings...

My fourth roundtrip by plane: Samar [preceded by Davao (thanks to UNICEF), Cebu (thanks to UNICEF and ASEAN 2006), and Japan (thanks to NWEC of Japan)].

Magkukwento lang ako kasi naman ‘di pa rin ako makatulog (huhuhu..ano ba ito?!). Papagurin ko lang din sa pagbabasa ng blog ko si Tita Vicky at si Ron-ron. Whehehehehe.. akalain mo nga naman, may nagbabasa pala ng blog ko!

Sa technical side, am both excited and nervous. Sabi ko nga kay Jojo, “eh first time ko kayang gagawin ito!” Yep, alam ko naman yun topic na idi-discuss ko pero alam ko rin na ibang usapan na yun when you have to orient other people about it. At hindi ito usapin ng basta other people lang, these are people from the local communities at lahat sila lalaki. Nun sabihin ni Lyn na ang profile ng pax ay 50, male, high school graduates, mostly farmers and reaction ko ay, “naku po, taong bayan pala!” Naisip ko kasi na hindi mo sila pwedeng i-orient using the usual gender and development jargons na ginagamit ng mga katauhan sa opisina. Eh kung yun ngang isang Senador eh hindi naintindihan (o ayaw lang talaga intindihin) yun gender and development eh, sila pa kaya. “Problemang nakakaloka ito, bakit na naman ba ako napasama rito?” naisip ko habang pinagmumuni-munian kung paano ko nga ba idi-discuss ang topic. Basic, kailangan basic talaga. Ang sabi ni Vichel for that maghanda raw ng interactive activities at icebreakers. Tiwala ako sa payo nun dahil siya ang nag-aral ng community development at alam nya yun concept ng organizing sa community both in theory and practice. Ako, ano ba alam ko run? Bihira nga akong lumabas ng bahay namin at wala talaga akong barkada sa mga kapitbahay kahit na dito na ko nagka-isip at lumaki; ‘di ko rin inaral sa school yun kasi naman if you’re talking about academic background and job mismatch, ako yun isang magandang epitome nun (yep, malayo course ko sa trabaho ko pero magaling ako magpanggap eh, este mag-adjust pala!); ‘di rin ako usually gumagawa ng orientation for the office kasi naman taga-gawa lang ako ng presentations at speech at kung anu-ano pa sa dati kong division at ang nagdedeliver nun eh mga bossing. Pero ibang level na ito dahil nga nasa operations division na ako ngayon. Naisip ko na lang, hayz, bahala na si Lord (nope, hindi si Tita Lourd)!  I  only have one thing in mind while preparing for my topic, I have to make them understand me. While some people may think na madali lang magpakabibo at magpresent run lalo na halos lahat ay zero knowledge sa topic, I personally believe na mas importante yun maintindihan nila kung ano yun dini-discuss mo than na-mesmerize lang sila sa mga kakaibang salita at acronyms na pinagsasabi mo, but at the end of the day they just leave the hall na ang naiwan lang sa memory nila ay ang iyong makukulay at animated na presentations! Para rin news writing yan, ang bottom line is, write to express, not to impress. Sabi ko nga, first time kong gagawin yun kung ano man ang kalabasan eh hindi ko po alam. Baka naman kasi wala akong gift sa pagle-lecture! Har..har..ang alam ko lang kasi eh teacher yun lola ko tapos si Mama nagtuturo sa Church. And since sabi ni Auie noon sa akin mas nakukuha ng anak yun intelligence sa nanay, what are the chances of me also having that gift? Ewan ko! Hehehe..

Logistics, wala naman masyadong problema kasi Plan Philippines ang bahala sa travel namin. Siguro yun fact lang na short preparation talaga for all of us tapos ni hindi kami nagusap-usap as a group kung ano magiging flow ng program, wala naman kasi talagang time for that so ayun patext-text at tawag-tawag lang kaming apat. Basta ang ending eh kita-kits na lang kami sa domestic airport.

Going there: we’re off to Catarman, Northern Samar via Asian Spirit flt 587 around 5:40 am. First time ko sumakay ng small aircraft at first time ko sa domestic terminal 1. Ako pinaka maagang dumating sa aming apat, bale lima pala kami kasama si Ms. Lydia ng Plan Philippines. Sunod na dumating si Ms. Lydia, naisip ko lang na baka siya yun kasi nagkatinginan kami nun nasa waiting area tapos tinanong ko siya kung siya si Ms. Lydia. Sabi niya siya nga raw and alam pala niyang ako si Honey kasi raw nagmeet na kami before sa Multi-stakeholders’ Conference on Pop Dev organized by PLCPD. Hayz, natandaan niya ko pero di ko talaga siya natandaan..(floating to nowhere utak ko nun eh paano kasi ‘di nakarating yun Commissioner namin na dapat magpresent sa parallel session at inorderan ako ng Chief ko na ako ang magpresent! Kumusta naman kaya yun eh mga kilalang tao pa yun nasa panel!)..hehe..niwey, ngayon natatandaan ko na siya! Sumunod na dumating si Jojo  then si Lyn after a few minutes. Yun isa pa namin kasama eh dumating naman bago makasakay lahat ng pasahero ng eroplano. Ang liit pala talaga ng eroplanong yun tapos nun sumakay kami eh mainit patay ang aircon. Usap kami ni Lyn, sabi niya amoy luma raw yun eroplano sabi ko oo nga, parang bus lang; biglang may nag-react sa likod namin sabi eh buti pa nga yun bus may aircon. Anyway, lumapag naman kami ng buo at buhay sa Catarman. Nagulat nga lang ako nun biglang lumapag yun gulong ng plane sa runway kasi parang kang nasa jeep tapos nabangga siya sa nasa unahan niya!

Ewan ko pero, iba talaga feeling pag nasa province, parang laidback at ang bagal ng takbo ng oras. In a way relaxing kasi nakakapagod ang Maynila. Trabaho nga ang pinunta ko run pero at least even for sometime kinalimutan ko yun iba kong trabaho sa office. Happy naman kahit challenging kasi new place, new experience. We first went to Sasa Pension House to settle for a few minutes and leave some of our things then byahe na kami to the Agriculture Training Center sa University of Eastern Philippines for the activity.

Hay this is it na talaga! Lumipas ang maghapon, natapos ang activity. Pagdating ng gabi balik kami sa Sasa. Around 7 pm labas lakad kami sa labas to have dinner. Pansin ko lang, parang matamis and timpla ng mga ulam nila dun. Paglabas namin ng retaurant, umuulan! Lahat kami walang payong kaya nagdecide na sumakay ng pedicab. Nakaka-aliw tingnan yun pedicab dun kasi mukhang kalesa. Nauna ang mga girls, si Lyn at si Ms. Lydia at naiwan ako with the boys para maghintay ng next pedicab. Ang destination namin: isang neighborhood coffee shop na super cool. Amoy coffee shop talaga siya at meron wifi access, astig! Maglalakad na lang sana kaming tatlo pero nagdecide rin na sumakay kasi medyo malakas pa ang ambon, baka matulyan kaming magkasakit eh (pare-pareho kaming walang tulog eh, lamang lang si Dennis dahil siya ay 48 hours na raw di natutulog). Hmmm..ang downside pala nun cool na pedicab na mukhang kalesa ay maliit ang upuan niya. Pano naman kasi, muntik na ata kaming magkabuhol ni Dennis sa sikip ng upuan! Natatawa na lang ako, ito naman si Jojo nagsolo sa kabilang pedicab (madugas!). Sabi ni Dennis, “Honey, masikip talaga ‘di ako nagbibiro” sagot ko, “alam ko, ‘di nga ako makagalaw dito eh, usog ka nga run!” Sabi niya maliit talaga yun upuan ng pedicab, tinanong ko tuloy kung bakit ganun, pang-isahan lang ba talaga yun o sadyang mapapayat ang mga tao sa lugar na yun. Buti na lang hindi naman kalayuan ang coffee shop. Pagdating namin nakaporma na ang dalawang binibini sa sofa at abala na sa kanilang mga laptop. Kaming tatlo ng mga boys, nasa isang table lang habang nag-iisip kung anong oorderin, kwentuhan, basa ng dyaryo. We stayed there until almost 10 pm, few minutes before it closed. So ayun, first day completed!

Back in Sasa, kaloka tig-iisa kami ng room! Kakaiba yun room ko kasi naman dalawa yun bed, pinagtabi pa. Naisip ko nga eh sana inalis na lang yun isa baka mamaya may humiga pang mumu! ‘Di naman ako sensitive sa mga ganung elemento at ‘di ko pinapangarap pero buti na yun safe. Hehe.. Okay naman yun room malaki nga eh, may aircon at electric fan (di kasi kaya ng generator yun aircon pag nag-brownout), cabinet, desk, cable tv, at may bathtub ang cr. Lalo tuloy ako na-ilang kasi naalala ko yun trailer ng movie ni Juday na Kulam! Past midnight na rin ako nakatulog kasi naman naligo ako at matagal matuyo buhok ko. Nagdecide akong huwag patayin ang tv at iwang bukas yun isang ilaw kasi naalala ko yun nasa Summer Place Hotel kami nila Nharleen at Sylvia sa Baguio, patay lahat ng ilaw tapos pag pinatay na yun tv using the remote control dahil nasa bed na kaming lahat eh biglang nagpapatay-sindi yun ilaw! Naisip ko lang, kung sa local channel ko ilalagay eh magsa-signoff sila kaya nilagay ko sa BBC at hinayaan ko lang siyang umandar hanggang sa makatulog ako. Breakfast kami ng 7 am (uy maaga ko nagising!) tapos trip back to the Training Center around 8 am.

All set for Day 2. Mas maraming tao ang inabutan namin. Kasi mas malayo pala ang pinagmulang bayan ng mga ito at ang iba sa kanila ay dun na natulog sa dorm ng center. Inalok ulit kaming mag breakfast pero sabi namin katatapos lang. Si Dennis pala kumain ulit, ‘di ko alam kung nabitin sa food sa Sasa or type lang niya yun food sa Center. Pinagtripan tuloy namin ni Jojo na kunan ng picture habang kumakain! Hehe..

Pagkatapos ng session Nauna na si Ms. Lydia sa Sasa kasi sabi namin gusto lang namin magikot-ikot sa place dahil madaling-araw kinabukasan aalis na kami papuntang Calbayog. Apparently, wala naman mapupuntahan dun kundi yun paliguan (beach) na pinuntahan namin sakay ng tricycle. Malakas naman ang alon nun may naabutan pa nga kaming dalawang boys na sumusubok magsurf. Din rin kami masyadong nagtagal kasi wala naman kaming magawa run. Sumakay ulit kami ng tricycle at dinala kami ni Dennis sa Palengke. Naghahanap sana kami ng mga dried fish at pusit kaso lang di rin kami bumili kasi mahal (mga kuripot pala! hehe..). Naglakad-lakad lang kami hanggang matanaw namin yun Landbank. Nagkayayaan na magcheck ng ATM kasi baka may sahod na. Ayos, meron nga! Habang masaya si Jojo dahil nakakuha ng pero mula sa sahod, nagpalibre kami ng sundae sa Jollibee Catarman. Hehehe..dumayo kami ng Samar para kumain ng chocolate sundae sa Jollibee. Hmmm..kung sa bagay, matagal na panahon din na naging staple food ko ang chocofudge sundae ng Jollibee nun College ako sa USTe. Naiinis nga ko nun sa Jollibee Asturias kapag unavailable ang chocofudge! At talagang nagpicture-an kami sa Jollibee Catarman! Hehehe..Lakad ulit kami hanggang makabalik ng Sasa tapos dinner ulit sa labas then back to Sasa para matulog at magising maaga.

Few minutes before 4 am bumaba na ako sa first floor (aga ko talaga nagigising!). Si Ms. Lydia pa lang ang andun. Around 4:30 dumating si Julio, yun driver ng Plan and off we go headed for Calbayog, Western Samar. Wala kasing flight from Catarman to Manila ng Saturday so via Calbayog kami, PAL Express this time. Binalak kong ipagpatuloy ang pagtulog sa sasakyan pero dahil paliku-liko ang daan at hindi ata sumasayad sa kalsada ang gulong ng sasakyan eh hindi ako makatulog. Nun makita ko na unti-unti nang lumiliwanag, umupo na ko ng tuwid dahil ayaw ko na matulog, hihintayin ko na lang ang sunrise. Nun medyo maliwanag na, napansin kong ang dami-daming manok na nakakalat sa kalsada. Meron pang isa na muntik na namin masagasaan. Meron naman dalawa na lumipad pababa mula sa puno habang parating na kami. Binilang ko nga sila eh, para malibang lang at naka 73 ako ng bilang kasi natigil yun pagbibilang ko kasi naman biglang meron “TOK!” nauntog yun katabi ko sa ulo ko. Naawa nga ako eh pano kung hindi sa ulo ko eh dun sa bintana nauuntog. Kaso lang ‘di ko naman alam ano gagawin ko sa kanya dahil tulog na tulog ata, baka magalit pag ginising ko. Tuloy instead na mga manok sa daan ang bilangin ko eh binilang ko kung ilan ulit siyang nauntog sa akin, bale 19 lahat kasi ginising ko na rin siya dahil nakarating na kami sa airport. Breakfast muna kami matapos magcheck-in ng mga gamit. Naku manual pa pala ang airport run as in manual checking ng bags, pati pag-issue ng boarding pass.

Naaliw na naman ako kakatingin sa bintana ng eroplano. Kitang-kita ko kasi yun mga islands from the plane eh, as in narerecognize ko kung alin part yun may mga community kasi may mga bahay, alin yun taniman, at alin yun mga gubat at bundok kasi puro puno. Tapos parang may guhit na nakaukit sa mga puno na sa palagay ko ay mga major highway ng island. Buong byahe nakatingin lang ako sa bintana, muntik na atang dumikit yun noo ko eh! Hehe.. nakaka-aliw naman kasi manuod, habang kumakanta ako ng “I’m so blessed my Lord, I can see you in all the lovely things so fine and true. I see you in the beauty of the flowers and the rain, I see you between the lines of a sweet refrain..” Hanggang sa mag-announce we’re approaching Manila na at fasten your seatbelt. And so we landed Manila safe and sound. Exit kami thru Terminal 3. Okay pala dun, may option ka to choose between airport taxi at metered taxi. At may mga tarps na malalaki tungkol sa bayad sa metered taxi. So kanya-kanya na kaming sakay, nauna si Ms. Lydia pauwi sa Makati, next si Lyn at naiwan na naman ako with the boys. Si Jojo pinauna na kami ni Dennis at naiwan siya mag-isa. 10 am nasa Magallanes area na kami at dahil umaga naman I decided na ‘wag na magtaxi hanggang bahay. Bumaba kami ni Dennis sa gateway at sumakay ako ng bus papuntang Fairview. Nasa bahay na ko before lunch. Binalak kong matulog pero ‘di ako makatulog. ‘Wag nyo na lang itanong kung bakit! text-text kami nila Meyps at Auie, kumustahan lang. Past midnight (‘di pa rin ako tulog!) nagtext si Mich asking about bus going to Cagayan Valley, ayun text-text kami hanggang sa wakas eh nakatulog din ako! Then nagising ako ng 7 am. Tulog ulit. 8:15 am. Nagbeep yun cellphone ko, ibig sabihin may unread message ako. Galing kay Mich, nadeadbatt raw siya last night. Sabi ko okay lang nakatulog na rin naman ako. Bumangon na ko para mag Sunday Service. Naidlip lang ako ng mga isang oras kanina matapos manood ng Your Song. Eto, Lunes na pala! Past midnight na ulit gising pa rin ako! Whaaa..ano ba ito?! Balik office na naman ako.


Monday, September 22, 2008

update on the overpass

Dahil sa sobrang ka-busyhan sa samu't-saring bagay ay 'di ko na nasulat ito:

Bukas na po ulit yun hagdan ng overpass sa side ng Bank of PI sa Commonwealth Avenue corner Don Antonio!! Dahil sa isang himala (READ: may taong natauhan sa kapalpakan ng ideya niya o di kaya ay mabilis na na-repair ang sira ng hagdan) ay bukas na ulit ito at nakakadaan na ang mga tao!! Anu pa mang uri ng himala ang dumating SALAMAT -- di ko kasi talaga alam kung bakit sinara yun -- dahil ba sa sira o experiment lang.

Yun na lang muna, 'di ako makapagsulat ng mahaba sa blog dahil may ibang pinasusulat sa akin.

Naisip ko lang, love ko talaga ang magsulat. Bakit nga ba hindi ang landas tungo sa pagkakakitaang pagsulat ang aking tinahak?? Ewan, 'wag ninyo akong tanungin kasi baka ma-frustrate lang ako!

Okay na ako. 'Di pa rin naman talaga ako tuluyang nalayo sa aking unang pag-ibig (ang pagsulat). Oo, hindi ako nalayo dahil narito lang siya sa aking puso. Eeeehw! hahahaha... gutom lang ito! Tagal ng Chowking! hehe..

Siya, babalik na ako sa naantalang pagsusulat.

Monday, September 15, 2008

overpass

hindi lang ako maka-alis ng 'di ko nasasabi ito:

 

kainis yun naisip ng kung sino mang nilalang na isara yun isang babaan ng overpass sa commonwealth avenue corner don antonio heights!

kung ginawa nila 'yon dahil sa may sira yun hagdan o mapanganib sa mga dumaraan, sana naman ay marepair ito agad -- pero wala naman akong napansin na sira nun huli akong dumaan and that was thursday night.

 

pero kung ginawa nila yon upang i-control ang flow ng tao, tulad nun ginawa nila sa philcoa (yun lang ang justification na naisip ko kung bakit nila pinutol ang dalawang stairs ng overpass sa philcoa), ibang usapan na yon! hindi naman kasi nakabuti maging sa trapik man at lalo na sa mga pedestrian ang ginawa nila.

 

inis talaga ang initial reaction ko nun dumaan ako last friday night. kasi naman galing ako sa supermarket at may dala akong tatlong plastic bag ng grocery, isang shoulder bag at isang bag ng mga dokumento mula sa meeting. aba, hindi biro yun bigat nun! pero dahil 'di ako marunong mag-drive at wala naman akong kotse eh nagta-tricycle lang ako so I have to cross to the other side via the very long pedestrian overpass. ayos lang naman yun, parang excercise lang kaso lang yun mapilitan akong dumaan sa kabilang hagdan dahil sarado yun usual na daanan eh ibang usapan na yon! malaking pahirap siya!

 

sabado, dumaan ulit ako sa overpass kasama ang mama ko. hay mahirap talaga, istorbo sa trapik at delikado pa ang ginawa nila. kasi naman kung familiar ka sa lugar na yun eh hindi po maayos ang daanan ng pedestrian papunta sa kabilang side ng kalye (harap ng BPI) kung saan sumasakay ng tricycle ang mga tao.

(1) matarik at di sementado ang daan pababa sa kalsada, para kang bumababa ng burol. delikado dahil madulas ito kapag nagputik. kung ako nga nahihirapan eh paano pa ang matatanda at mga bata?

(2) naging maayos ba ang trapik? HINDI! dahil lalong bumagal ang daloy ng sasakyan papasok ng don antonio dahil sa dami ng mga taong tumatawid sa kalsada. siyempre affected nito ang daloy ng sasakyan mula batasan papuntang philcoa.

(3) delikado rin para sa mga tumatawid ang ganitong sistema dahil nga pababa po ang kalsada from commonwealth papasok ng don antonio. natural dahan-dahan ang mga driver dahil medyo matarik talaga ito, eh dagdagan mo pa ng mga taong tumatawid...nightmare ito para sa drivers! oo hindi ako nagd-drive pero common sense lang kailangan para maisip ito, hindi driving skills! naisip ko lang, paano pa kaya kung umuulan at madulas ang kalsada?!

 

ilan lang ito sa mga konkretong dahilan kung bakit di ko gusto ang ginawa nila sa lugar na yun. oo, set aside ko na yun asar ko dahil mabigat yun mga bitbit ko last friday.

 

wish ko lang bumalik na sa dati ang lugar na yun. at kung meron man silang pagbabagong ipatutupad to justify that eh gawin na nila agad para di na mahirapan ang maraming tao.

Thursday, August 21, 2008

light and shade







whew! LSS lang...naisip ko tuloy si lourd at si pards... **KILIG!** ahihihihi...





He will paint the light and shades
The colours and the trees
He will climb the steepest hill
Believing what he sees
He will lay down on the ground
Beneath the old oak tree
He will sleep forever
If you try to set him free

[Chorus]
Sail on the wings of a cloud
Where to, well nobody knows
And cry, cry if you want them to see
Die every day to be free
Be proud to wear the colours that you call your own
Be loud, speak out when you want the world to know
Be strong, hold the flame for everyone to see
Be weak, if you want to love.

He will paint the endless sea.
A mystery to me
He will reach out for the sun,
Not dreaming what he sees
He will fall down on his knees
Angel touching ground
Takes him to the other side
Sweet love is coming down.

[Repeat chorus]



Friday, August 01, 2008

I'm sorry...I need You...

Sometimes, disappointments make me think of just giving up and leaving everything.
But then again, in more sober moments I think of You and I feel ashamed realizing that in times of great trials, I tend to lose faith in You.
I’m sorry.
I need You in my life. 
Help me to see things beyond my worries.
 Remind me to fully trust in You.
Teach me to let go. 
 Allow me to find peace in Your loving embrace.

Monday, July 28, 2008

what if...patol lang (har har)

Papatulan ko lang ulit ito mula sa e-mail ni Louie. Maglilibang lang habang nagku-cool down ('wag nang itanong kung bakit NEED ang cool down)...akin yun bold letters...

Instructions: You have to answer the survey with an honest heart. An honest heartwill give you good luck for the entire year. You may imagine of one people or maybe some people not only one. Answer it,"What if your ex says" referring to you!!! Forward this to all of your friends and hoping that your true friends will send their answers back to you.

1. Why did you let me go? - you're wrong, I never did..ako kaya ang umalis!

2. I still love you - oh, I know, I know... I am so lovable kaya! **grins**

3. When did we last talk? - did we ever really talk?

4. Will you go out with me? - sure, as long as you'll carry my teddy bear! *har..har..har..*

5. Hey, can i give you a ride? - no, thanks teddy's waiting in the car.

6. I cannot keep my promise to you. - I know, that's why I left remember?!

7. My friends say we don't look good together.. - Why, because am too good for you?

8. You have changed. - Yep, I know -- for the better; and you're still the same loser!

9. Can we get back together? - Like we were together?

10. Oh, I know what this is all about. You found someone else. - Actually, hindi ako naghahanap.

11. Don't you realize? You are the one who hurt me! - Ows, nasasaktan ka pala? Pasensya na, akala ko bato ka.

12. How can u forget our memories?? - Sige, let's pretend na totoo 'yan!

13. I will always love you. - At ito rin!

ay naku ano oras kaya ako uuwi?? tiyak puno pa ang commonwealth avenue ngayon!!


I Like For You to be Still

I like for you to be still: it is as though you were absent,
and you hear me from far away and my voice does not touch you.
It seems as though your eyes had flown away
and it seems that a kiss had sealed your mouth.



As all things are filled with my soul
you emerge from the things, filled with my soul.
You are like my soul, a butterfly of dream,
and you are like the word Melancholy.



I like for you to be still, and you seem far away.
It sounds as though you were lamenting, a butterfly cooing like a dove.
And you hear me from far away, and my voice does not reach you:
Let me come to be still in your silence.



And let me talk to you with your silence
that is bright as a lamp, simple as a ring.
You are like the night, with its stillness and constellations.
Your silence is that of a star, as remote and candid.



I like for you to be still: it is as though you were absent,
distant and full of sorrow as though you had died.
One word then, one smile, is enough.
And I am happy, happy that it's not true.



-- Pablo Neruda

Sunday, July 06, 2008

shut-up lines kontra pick-up lines

Naisip ko lang patulan ang forwarded e-mail mula kay Louie (sa akin yun ALL CAPS):


Mag empake ka…sama ka sakin….punta tayo home for the aged……
Kasi i wanna grow old with you…… AYOKONG SUMAMA SA MATANDANG ISIP BATA!


Alarm clock ka ba?
Kasi ginising mo ang natutulog kong puso….. MAY ALARM CLOCK BA NA LAGING TULOG?? HALLER!


Alam mo bang parang 7-11 ang puso ko?……
Kasi 24 oras bukas para sayo….. MATAGAL NA KO DI NAKAIN NG BOPIS! EEEEHW!! NGYARKS!


Nung mahalin kita…..daig ko pa ang na traffic sa edsa……
I can't move on…. BAKIT NAMAN KASI TINAPAKAN MO YAN KALSANDANG BAGONG SEMENTO?! TALO MO PA ANG PASAWAY NA ASO! TSE!


Nakalunok ka ba ng kwitis?
Pag ngumiti ka kc…may spark…. CRA, RETAINERS KO YAN! KWITIS KA JAN!


Pag ako gumawa ng planeta, gusto ko ikaw ang axis ko..
Para sayo lang iikot ang mundo ko..OH MY LORD, IS THAT YOU?


You look like someone I know
My next Girlfriend.... YOU LOOK FAMILIAR TOO! KAMUKHA MO YUN EX KO!


Ako na magbabayad ng tuition fee mo!
Basta pag-aralan mo lang na mahalin ako... KAYA MO BA AKONG PAG-ARALIN SA HARVARD LAW SCHOOL?? KASAMA ALLOWANCE HUH!


Feeling ko mouse tayong dalawa…
You know, we just click. TUMIGIL KA! AYOKO SA DAGANG BAHA!


Excuse me, tatanong ko lang kung didiretsuhin ko bang daan na 'to,
O may ibang shortcut sa puso mo? UPPER CUT GUSTO MO? RIGHT UPPER CUT FOLLOWED BY A LEFT HOOK (POWERFUL AND DANGEROUS COMBI YAN PRE! YEBAH, KNOCKOUT!


May free time ka ba? Samahan mo naman ako sa psychiatrist. ..
Magdala daw kasi ako ng kinababaliwan ko... HINDI PWEDE, AM ON 24/7 PROBATION FOR WANTING TO KILL INSANE PEOPLE


Kung may business ako, lahat ng tao bebentahan ko ng mura,
'Kaw lang ang hindi. Sa'yo lang ako magmamahal. THAT'S WRONG!!! SUMBONG KITA SA DTI, BANTAY BILIHIN YOUTH CLUB VOLUNTEER PA NAMAN AKO NOON!


Bukas sisingilin ko na yung bayad mo sa renta…
Tagal mo na kasing naninirahan sa puso ko eh... ANO KO, CHOLESTEROL??

Wednesday, July 02, 2008

more random thoughts

  • lead BUT i may not always follow
  • there is a fine line between being assertive and being irrational to the core
  • nakakapagod rin magpakabait
  • stay cool - as much as possible


Monday, June 30, 2008

of hearts and recklessness

Don't be reckless with other people's hearts.
Don't put up with people who are reckless with yours.
-- shoutout ni mervin, nakikihiram lang.


Thursday, June 26, 2008

SB once more

Sumunod sa Batas..yan ang nakakalat na tarps ngayon sa mga islands where traffick discipline zone is to be strictly implemented.

Monday, May 19, 2008

of photographs and memories...

naisip ko lang...

dala ko naman ang camera ko nun team building sa bataan, bakit sobrang konti ng picture na nakuha ko? di naman dahilan ang ulan, may waterproof pouch ang camera ko na kasama sa package ng canon. feeling ko, kung di lang nirequest ng timang girls na kunan ko ng picture si auie nun mag reyna elena siya wala talaga akong kinuhang picture. dala ko rin pala camera ko nun pinapunta ko ni bossing sa country gender assessment sa taal vista, tagaytay. pero wala rin akong kuhang larawan dun ni isa.

pero sa get away namin sa lubang, wala akong sawa sa pagkuha ng larawan ng kung anu-ano -- sunset, dagat, shells, corals, siyempre pa-cute pose namin, kung sinu-sinong tao at pati nga yun sementeryo nila sa pulong katihan kinunan ko ng larawan.

bakit ganun?

basta sa nabanggit na dalawang pagkakataon parang wala lang akong ganang kumuha at magpakuha ng larawan -- di normal yun kasi addict kaya ako sa picture!

ewan, baka ayaw ko lang ng memory ng lugar more so, ng mga tao sa lugar na yun. as for the team building site, maganda naman kung sa maganda I mean, it's a marine sanctuary (though wala naman akong na-sight ni isang karaniwang fish). isa pa, basta may dagat at may pool where I can swim, solve na ko. di rin naman ako maarte sa tulugan (eh natulog na nga kami dati sa isang barkada outing sa dalampasigan na banig lang ang higaan at walang bubong dahil lang sa nagkatamaran na bumalik sa room), as long as enjoy at cool ang mga kasama ko. disappointed lang siguro ko sa ilang resort personnel na arogante. at one moment, i told my chief that our activity was cut short to an overnight one instead of 3 days, 2 nights just to have that resort as venue. masyado raw kasing mahal if ganun kahaba and since maganda talaga yun venue eh pinilit na ma-afford even if it meant cutting down on the number of days (at least that was how they announced it during the general assembly). perhaps because of that, I expected a real nice venue but NO, mga bastos na tauhan ang nakaharap ko. sobrang disgusting lang kasi nga ang layo ng binyahe mo tapos ganun uri ng mga tao ang dadatnan mo. for a service-oriented establishment, it's not enough that you have good facilities -- err... ano ba, part naman ng nature ang dagat hindi ba? nagkataon lang na afford nilang bilihin yun lugar. palagay ko dapat lang naman na turuan naman nila mga tauhan nila kung paanong makitungo sa mga clients nila. dapat siguro sa susunod, isama sa assessment ng occular inspection ang capacity ng resort or whatever venue na tumanggap ng ganun karaming guests dahil kung mga bastos na personnel lang din naman ang dadatnan mo eh sayang lang ang gastos at layo ng byahe dahil instead na mag-enjoy kayo ng husto at magbuild ng team spirit nagkakaroon ng hassle dahil sa mga bagay na nakaka-irita at init ng ulo. so i won't be posting sceneries of that resort rather i'll be posting some of our group pictures -- moments na masaya kami, nagkaka-isa, nagtutulungan, nagpapa-cute -- at kahit ilang oras lang kinalimutan ang lahat ng problema ng lipunan.

as for taal vista ewan, sobrang bilis lang kasi nun at trabaho talaga yun. umalis na rin kami agad instead of staying and relaxing for one more night.

Friday, May 02, 2008

PAALAM NA MUNA!

excited ako...

pupunta ko sa medyo malayo...around six hours travel by sea

third world province ang description ng friend ko...text pa niya before, walang signal ang globe dun

text ko sa kanya, MAS MASAYA!

paumanhin sa mga magbabalak na gambalain ang aking pamamahinga...wala talagang way para ako ay makontak nila! ay, tenk you, tenk you Lord! sa kabila ng sunud-sunod na kung anu-anong dapat gawin na pinabayaan mong dumating sa life ko eh makakahinga naman ako ng kaunti ng ilang araw -- at di ko kailangan umiwas o magdahilan kung bakit di ako sumasagot sa tawag o text -- wala raw talagang signal ang Globe dun! whahahaha... kahit bigyan ako ng libreng Smart SIM (yun daw me signal), walang silbi yun kasi locked sa Globe phone ko!

gusto ko lang talaga lumayo ng ilang panahon. parang gusto ko na nga gawin na mahabang panahon eh...lalo na sa mga sinapit ko nitong mga nagdaang araw. sabi ko nga sa friend ko kanina, "ang swerte ko talaga!" (cyempre, I meant the opposite).

pero okay lang naman so far. nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko eh (at least for most of it). feeling ko, great challenge ito sa life ko. masaya kasi may mga bagong matututunan. but at the same time, nakakapagod rin. kahit naman makina nasisira pag nasobrahan ng gamit. kahit baterya nadidiskarga at kailangan i-recharge.

napa-isip na naman ako nun definition ko ng maturity. immature raw kasi ko eh. ewan, siguro kasi madalas childlike ako. pero ilang ulit ko na rin tinanong sa isip ko kung sino ba ang immature, yun childlike o yun childish? kung sa bagay, noon ko pa rin naman napag-isip isip na may kanya-kanyang pananaw naman ang bawat isa kung anong tingin nila sa atin but at the end of the day ikaw pa rin naman ang magde-define kung ano ka. and let me add na kung paano mo dinefine ang sarili mo sa isip mo, lalabas rin ito sa actions mo and you will be that person. and in the end factor pa rin yun kung paano ka makipagkapwa-tao. lagi ko tuloy pinaaalalahanan ang sarili ko na mag cooldown (ang init pa naman ng panahon!). pero minsan talaga eh ang hirap! iniisip ko na lang na pagsubok lang sila sa life!

on another note, parang gusto ko gumawa ng blog wherein i will share these things that am talking about in a humorous way. kesa naman magmukha akong vruja noh, aaliwin ko na lang sarili ko! hmmm....isipin ko muna kung paano..baka makulong ako eh! hehehe...takot ko lang! balita ko kasi kawawa mga babaeng nasa piitan eh. calling...sino bang ahensya nangangasiwa ng mga prisons??? baka may mga polisiyang dapat baguhin diyan dahil mukhang discriminatory para sa mga kababaihan na nasa piitan! aba, kahit sila'y lumabag sa batas eh may mga karapatan pa rin silang dapat igalang ang protektahan ng pamahalaan.

oh my! I think I just exposed myself to possibly another task!

ah basta, lalayas ako bukas...kahit na may meeting sa friday para paghandaan ang hearing sa miyerkules!

Wednesday, April 23, 2008

Congress leaders assure PGMA of the passage of 17 administration bills

House Speaker Prospero Nograles assured President Gloria Macapagal-Arroyo today that the House of Representatives would pass at least 17 bills under the administration’s Common Legislative Agenda (CLA).

Nograles made the assurance during the joint Legislative-Executive and Development Advisory Council (LEDAC) and National Price Coordinating Council (NPCC) meeting in Malacanang Tuesday, which the President presided over.

Press Secretary and Presidential Spokesman Ignacio R. Bunye said House leaders promised to pass on or before May 1, the cheaper quality medicines bill and the income tax exemption for the minimum wage earners from paying income tax.

Bunye said nine senators, 13 congressmen, and sectoral representatives were present during the joint LEDAC and NPCC meeting.

He noted that aside from Congress, the Senate under the leadership of Senate President Manny Villar is equally determined to be part of the solutions to the country’s rice problem by passing 17 priority bills.

“I believe everybody is interested and is looking for solutions. That is a good start,” Bunye said describing the atmosphere during the meeting.

The administration’s Common Legislative Agenda (CLA) to be targeted for passage before end of the first regular session of the 14th Congress in June 2008 are proposed measures on:

1. Affordable Quality Medicines
2. Credit Information System
3. Establishment of the Personal Equity Retirement Account (PERA)
4. The bill amending the Customs Brokers Act
5. The bill imposing stiffer penalties for Illegal Possession of Explosives
6. Amendments to the EPIRA Law
7. Renewable Energy
8. National Tourism Policy
9. Amnesty Proclamation
10. Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) Extension with Credit Access Mechanism
11. Income Tax Exemption for Minimum Wage Earners
12. Consumer Protection
13. Amendments to the Ombudsman Charter
14. Witness Protection
15. Anti-Smuggling Act
16. Magna Carta for Women
17. Fire Protection Modernization

The LEDAC meeting, the first for this year, also discussed the rice problem and measures to mitigate the impact on the lives of the people of the rising prices of other commodities.





TUESDAY, APRIL 22, 2008


http://www.gov.ph/news/?i=20709





News na lang muna...prepare pa ko para sa Public Hearing bukas sa Senate tungkol sa Magna Carta of Women. Marami kong naiisip sa ngayon pero ayusin ko muna flow ng thoughts ko. Na-excite lang ako sa balitang ito! :)

Thursday, April 17, 2008

conversation

Bakit dati? Hindi na ngayon?

Ayaw na niya eh.

Pwede ba yun?

Eh ganun eh.

Inaway mo? Mahirap ang may kaaway, dapat mahalin ang kapwa tao.

Hindi ah! Hindi ko inaway, tsaka mahal ko naman yun. Kaya nga, nirerespeto ko lang ang choice niya.

Ano naman yun?

Ano ba? Eh yun nga yun, ano pa ba gusto mo?

Ex mo no?

Hindi!

Aminin mo na!

Hindi nga eh!

Uuuyy..naglalandi..

Ano naman ang malandi run? Ang gulo mo ah!

Wala, aminin mo na kasi.

Eh hindi nga eh, kulit mo!

Pero gusto mong maging kayo?

Dati.

Bakit dati? Hindi na ngayon?

Eto na naman tayo!

Sagutin mo na kasi!

Dati kasi noon pa yun. Matagal na yun.

Bakit nga hindi na.

Magulo eh!

Anong magulo?

Basta magulo. Maraming magulo sa mundo.

Magulo siya?

Magulo lahat.

Anong lahat?

Magulo. Pati ako magulo kasi naguguluhan ako.

Di ayusin!

Ang ano?

Ang magulo, ano pa?

Hindi madaling ayusin yun.

Have you tried?

Nope. Di naman ako dapat yun.

Sabi mo magulo lahat, pati ikaw? So part ka rin ng gulo. Sinubukan mo bang ayusin?

May point ka dyan pero..

Pero ano?

Wala naman akong choice eh.

Hindi pwedeng walang choice.

Hindi pwede pero pwede. There is such a thing as forced choice.

Meaning?

Meaning you’re laid down with options, wala kang gusto sa options na yun, pero kailangan mong mamili.

Bakit hindi mo gawin kung ano yun gusto mo?

Hindi nga kasama sa options eh!

Ang labo!

Sige, imagine mo ito: hinahabol ka ng isang hayop, pwedeng lobo o leon or whatever basta isang hayop na pag naabutan ka niya eh lalafangin ka niya at siguradong patay ka. Sa pagtakbo mo, nakarating ka sa isang bangin, malalim yun at puro bato ang babagsakan mo at sigurado kang pag tumalon ka ay patay ka rin.

So either you jump or you don’t. may choice hindi ba?

Yep, there is indeed! But it is only a choice between mamatay ka sa pagtalon mo sa bangin o mamatay ka sa paglafang sa iyo nun hayop. In essence, wala kang choice kung hindi ang mamatay. Paano kung ang gusto mo ay mabuhay? Yun ang gusto mo pero hindi nakahain sa iyo yun bilang option. Masasabi mo pa rin bang may choice ka palagi?

Hay..ang layo na ata ng usapan natin?

Oo nga eh but tell me honestly, anong pananaw mo sa mga sinabi ko?

May point ka. But just the same, I’d still ask you bakit hindi mo sinubukan na ayusin?

I told you, magulo. Magulo rin ako.

Until now?

I haven’t thought of that. Kasi nga, I thought then that I had no other choice.

But you had and you still have, tama ba?

Siguro.

Bakit siguro.

Dahil di ako sigurado.

Wala naman imposible right?

Things become impossible when we stop dreaming and working to fulfill our dreams.

So don’t stop.

Ever heard of the phrase hopeless case?

Come on, akala ko ba kaya mong panindigan ang mga gusto mo?

Kung alam kong tama ako and I have enough knowledge para suportahan yun, by all means kaya kong panindigan ang gusto ko.

Pero ayaw mo rin makasakit ng ibang tao. Mas gusto mong magmukmok dyan.

Yes and no.

Ano na naman sagot yan?!

Sabi ng Professor ko dati sa moral theology, ang cardinal rule ay “it depends.”  Kailangan mong i-weigh ang mga options, alin ang mas beneficial sa mga yun.

So tingin mo mas beneficial ang ginawa mo?

What I mean is, generally ayaw kong makasakit o maging cause ng pain para sa ibang tao. Ayaw ko kasi ng masyadong magulong life, at alam kong magulo ang life kung maraming galit sa iyo. But there are instances na hindi maiiwasan makasakit ng iba so, sorry na lang. Tsaka hindi naman ako nagmumukmok ano!

Okay, hindi halata na masaya ka!

Wag ka ngang sarcastic!

Tell me, masaya ka ba?

Generally, yes. But I do get sad. Fluid naman yun eh at marami naman factors kung bakit natutuwa o nalulungkot ang isang tao right?

Yeah.

**Buzz**

Why?

Tumahimik ka na e.

Inaantok na kasi ko.

Boring ba ko kausap?

Hindi, ano ka ba?!

E inantok ka e.

Kulang lang talaga ko sa tulog.

E di ba lagi ka nga late dahil sa kakatulog mo?

Ewan ko ba.

Stressed?

Siguro.

Work? Heart? Ano?

Ewan. A little bit of everything.

Take a break!

I will.

Kalian, kapag naloka ka na? Sayang ang life kapatid!

Soon. Salamat ha.

Saan?

Sa conversation.

Yun ba? Wala yun. Baka nga sobra na mga tanong ko.

Di naman masyado! Haha..

Sabihin mo lang pag sobra na.

O kaya dedma na lang kita! Hehe..

Wag naman ganun!

Joke lang ano ka ba?!

Sige na tulog ka na.

Okiedoks. Salamat.

Thank you din.

Bye-bye.

Bye.

Tuesday, April 15, 2008

gusto ko...

  • gusto ko ng scramble!! yun kinaskas na yelo na nilalagay sa basong plastik tapos bubuhusan nun kulay pink na flavoring na lasang vanilla at lalagyan ng skim milk powder sa ibabaw tsaka maikling straw. dami nagtitinda nito noon sa labas ng school namin (sa OB -- yeah lowlah maecel, taga OB ako remember?! **winks**). sabi ng mama ko 'wag ako bibili ng mga pagkain dun (kasi tinamaan ako ng hepa nun kinder pa ko eh) pero minsan may naglilibre saken kaya nakakain ako nun kahit di ako bumili! (tigas ng ulo! hehe..). naisip ko lang masarap ata yun lalo na ngayon, mainit ang panahon!
  • gusto ko humiga sa grass sa gabi habang nanonood lang ng mga stars..wala akong ibang iisipin, kaya dapat sure na walang snake! (grrrrrr..kasi naman sumakay ako ng bus kahapon, meron siyang movie kung saan meron killer snake na palaki nang palaki habang dumadami yun taong nilalafang niya. whaaaa... super takot kaya ako sa ahas!)
  • gusto kong pumunta sa beach. swim, ride the waves, watch the sunset, magpaka-bum sa buhanginan
  • gusto kong magpamasahe
  • gusto ko ng sinampalukang manok
  • gusto ko matulog

Thursday, April 10, 2008

more random thoughts

  • ang tao pag bad trip, nagiging irrational
  • ang tao pag nabadtrip, may dahilan
  • pwedeng-pwede talaga rito yun idiom na "igisa sa sariling mantika"
  • 'wag kang mag-inarte dahil hindi ka prinsesa!
  • kapag 'di nagawa agad ang pinagagawa mo, malamang meron equally important but more urgent concern na ginagawa yun inutusan mo. kung di ka makapag-hintay, do it yourself pare!
  • naubusan na ko ng supply ng pasensya!

OYSTER

Out of School Youth Service Towards Economic Recovery

Sa mga tulad namin na nagtatanong kung bakit "PULIS OYSTER" ang tawag sa mga nagwawalis sa daan, yan po ang ibig sabihin ng OYSTER (na-interchange lang ang S at Y ng school youth).

Paano ko nalaman? SIMPLE LANG: switch off, unplug and light up efficiently! Teka, mali yun sa campaign pala yun (hello GREENPEACE!). Ibig kong sabihin, simple lang -- tinanong namin ni Helen ang isang Pulis OYSTER kanina nun lumabas kami para bumili ng lunch.

At doon nagtapos ang matagal na naming mithiin na malaman ang hiwagang bumabalot sa Pulis OYSTER.#

Monday, March 31, 2008

Remembering you makes me smile

Suddenly, I remember you. If you were my big brother, what could you have done with all these crap? I suddenly wish that you're here to calm me down and offer a hug. I suddenly realize that through all those years, you still come to my mind when I feel so sad. I suddenly recall how your presence defies loneliness, and how seeing you around paints a  smile on my face. I suddenly long for you once again, after years. I suddenly thank God that He made this special day, and uttered a prayer that someday, I can spend this special day with you. Thank you for being a reason to smile.

Tuesday, March 25, 2008

Almost Lover (bastardized version)

Okay, okay...thanks Auie for reminding me that I am human. I almost forgot that mortal feeling (hahaha). Just reminded me of some blissful moments -- and the "wish am out of this world" months that followed. Na-ah, 'di na ko iyakin (yun ang huling mensahe mo na natanggap ko bilang offline message). Siguro I just got tired of it -- hehehe..  



Your fingertips across my skin (I'll always remember)

The palm trees swaying in the wind ('di nga lang palm trees pero maraming trees)
Images
You sang me Spanish lullabies (nope, just silly songs that made my heart fly)
The sweetest sadness in your eyes (yeah, that was what I see whenever I look in your eyes)
Clever trick (galing talaga!)


Well, I never want to see you unhappy (yep, believe me!)
I thought you'd want the same for me (wishful thinking)


[Chorus]
Goodbye, my almost lover (haha..I like this term!)
Goodbye, my hopeless dream (wala talagang hope) 
I'm trying not to think about you (yep, especially everytime I see a frog!)
Can't you just let me be? (oh, you did! drove me away that was)
So long, my luckless romance (luckless talaga!)
My back is turned on you (ay hindi ah! I don't even know where you are kaya di kita matalikuran! hehe..)
Should've known you'd bring me heartache (kung alam ko lang talaga, sana nakinig ako sa panlalait ng friends ko sa halip na ipagtanggol pa kita!)
Almost lovers always do (bakit nga ba?)


We walked along a crowded street (yep, I love to walk..kahit na may sprain ka!)
You took my hand and danced with me (dance? walang ganun, took my hand lang! haha!)
Images
And when you left, you kissed my lips (uy, hindi ah!)
You told me you would never, never forget
These images (nope, you told me to forget about you -- as if word processor lang ang memory ko na pwedeng mag-delete anytime!)


No

Well, I'd never want to see you unhappy
I thought you'd want the same for me


[Chorus]
Goodbye, my almost lover
Goodbye, my hopeless dream
I'm trying not to think about you
Can't you just let me be?
So long, my luckless romance
My back is turned on you
Should've known you'd bring me heartache
Almost lovers always do


I cannot go to the ocean (hmm..I did a lot of times..sarap kayang mag-emote sa dalampasigan!)
I cannot drive the streets at night (I don't drive, sa passenger seat lang ako --hello Stephen Speaks!)
I cannot wake up in the morning (wala kang kinalaman dun, talagang tanghali na ko magising noon pa man!)
Without you on my mind (ay, may karugtong pala!)
So you're gone and I'm haunted (oh my! ayoko ng mumu!)
And I bet you are just fine (ang galing mo nga eh!)


Did I make it that
Easy to walk right in and out
Of my life? (expertise mo ata yan, kung bakit ba kasi ako pa napag-tripan!)


[Chorus]
Goodbye, my almost lover
Goodbye, my hopeless dream
I'm trying not to think about you
Can't you just let me be?
So long, my luckless romance
My back is turned on you
Should have known you'd bring me heartache
Almost lovers always do


Life goes on and on...Life must go on...

Wednesday, March 19, 2008

kapag may nagsabi sa'yo na... ang bratinela kong tugon

  • kapag may nagsabi sa'yo na masama siyang tao...MANIWALA KA SA KANYA, NO QUESTIONS ASKED!
  • kapag may nagmaganda na nag-edit ng trabaho mo na sa totoo lang ay inaprub na ng director mo...sabihin mo ito: THANKS FOR THE INITIATIVE. YOU EDITED MY WORK WHICH THE DIRECTOR ALREADY APPROVED SO I GUESS YOU HAVE A DIFFERENT APPROACH OR STANDARD IN WRITING. WELL I CAN'T BLAME YOU FOR THAT, KANYA-KANYANG STANDARDS YAN BUT I AM SORRY BECAUSE MINE IS HIGHER AND I HAVE NO PLANS OF YIELDING TO YOUR'S (sabay show ng iyong sweet and charming smile)
  • kapag may nagtanong sa iyo kung bakit wala ka pa rin boy friend...sagutin mo ng: BAKIT, REQUIRED?
  • kapag may nagtanong sa iyo kung bakit ka na-inlab sa taong mahal mo...sagutin mo ng: KAILANGAN BA NG EXPLANATION NUN, HUH, HUH, HUH?!
  • kapag may nagtanong sa iyo kung bakit mo ginagawa o gagawin ang isang bagay...manindigan ka at sabihin mong: GUSTO KO EH! WALA NAMAN AKONG GINUGULANGAN NA TAO AT DITO AKO MALIGAYA -- YUN ANG MAHALAGA (no further explanation required)
  • kapag nauubusan ka na ng pasensya at malapit mo nang batuhin ng lamesa yun taong kina-iinisan mo pero ayaw pa rin tumigil...LUMAYAS KA MUNA SA HARAP NIYA O MAGKUNWARING DI MO SIYA NAKIKITA. ISIPIN MO NA LANG NA HINDI KASI HAPPY ANG CHILDHOOD NIYA!
  • kapag hindi mo matanggap ang "pagtutuwid" na ginagawa ng isang nakatataas sa iyo dahil alam mo naman na tama at di hamak na mas maayos ang gawa mo...SUMANGGUNI SA MAS CREDIBLE AT MAS MATALINO NA MAAARING MAG BACK-UP NG PANIG MO! MAGRESEARCH AT GUMAWA NG ATTRACTIVE NA "TRIVIA" HINGGIL SA PARTIKULAR NA ISYU AT I-POST SA BULLETIN BOARD, BUNDY CLOCK, PINTO NG CR, AT IBA PANG CONSPICUOUS PLACE SA OPISINA KUNG SAAN TIYAK NA MABABASA NIYA. MAAARI RING MAGPALAMINATE KA NITO AT ILAGAY SA ILALIM NG TOPGLASS NG TABLE NIYA (PARANG DESIGN)! KUNG HINDI KA NAMAN ARTISTIC, PADALHAN MO NA LANG NG MEMO O KAYA E-MAIL MO SA KANYA YUN REFERENCE MO!
  • kapag di mo mapigilan ang pagiging bratinela...MAGPOST KA NA LANG SA BLOG MO NG TULAD NITO, KESA NAMAN MAPA-AWAY KA!
PEACE!!! :)

Monday, March 17, 2008

diplomacy

ang hirap talaga...sana pwede akong bumili sa drug store ng sampung banig na diplomasya! haaaay...

Wednesday, March 12, 2008

Meanie Me Strikes Again (Kung bakit mahirap magpaka-bait)

Sumakay ako ng FX kagabi byaheng SM Fairview.

Bandang Espana nagbayad ako ng isang daan, “bayad po, isang Don Antonio galing SM Manila.” Tanong pa ulit yun driver kung saan ako bababa at saan ako galing so may I repeat ako ng aking linya, this time nilakasan ko boses ko kasi nga baka di niya ko narinig, sa likod kasi ko naka-upo.

Tuloy ang byahe. Ilang pasahero rin ang bumaba at sumakay along Quezon Avenue. Wala pa rin akong sukli. “okay lang, baka naubusan ng barya ang mamang driver,” isip ko. Bumaba yun girl sa tapat ko sa Examiner tapos may lalaking sumakay. Wala pa rin akong sukli.

Pag lampas ng EDSA nagbigay ng sukli si Mamang driver “sukli nun isang daan.” Inabot sa akin nun mamang katabi ko kasi siya rin ang nag-abot nun nagbayad ako.

“Thank you po,” sabi ko sa katabi ko. Bumaba na siya sa PNB (after QC Hall) at wala naman sumakay kapalit niya, siguro kasi gabi na.

Pag lampas ng Philcoa, yun lalaking nasa tapat ko (yun sumakay sa Examiner kapalit nun girl) biglang nagsalita, “yun sukli ng isang daan?”

“Saan yun bababa?” tanong ng driver.

“Sa SM,” sagot ng lalaki.

“Saan galing?” tanong ulit ng driver (uy, talagang standard line ba niya yun pag may nagbabayad?)

“Examiner,” parang asar na sagot ng lalaki.

Long pause. Lampas na kami ng Tandang Sora at Luzon so naghahanda na kong bumaba.

“May sinuklian na ko kanina dyan ah” parang nag-iisip na sabi ni mamang driver.

“Napunta po sa kanya,” sagot ng lalaki sabay turo sa akin na para bang isa siyang kawawang bata na inagawan ko ng kendi.

Nainis tuloy ako kasi para bang nang-aagaw ako ng sukli (sa lahat ng ayoko yun ganun eh kasi di ko naman ugali ang manguha ng di sa akin o pag-aari ng iba) so sabi ko “inabot po sa akin yun sukli ko, isang daan yun binayad ko. Don Antonio galing SM.”

“Saan ka sumakay?” tanong ng driver sa akin.

“SM Manila po,” sagot ko (pinipilit kong magpaka-cool kahit naiirita na ko at gusto ko nang ipalunok sa lalaki sa tapat ko ang iPod na hawak niya)

“Saan ka bababa?” tanong ulit ng driver (grrr…isa ka pa Mamang driver, ilang ulit ko nang sinabi yan!!)

“Don Antonio po, dyan lang yun bago tumawid ng Ever,” sagot ko (siyempre, nagpupumilit pa rin magpakabait).

“Kasi sukli yun nun SM,” sabi ni Mamang driver.

Kinuha ko na nga yun coin purse ko para ipasa sa kaasar na lalaki yun sukli (and meanie me dictates that I slap it on his face!), pero naisip ko bakit ba kailangan ko pa ibigay eh tama rin naman yun amount kung sa akin mapunta yun sukli, bakit di na lang niya suklian ulit yun lalaki?

So sabi ko, “eh nasaan na po yun sukli ko, malapit na kong bumaba. Magkano po ba ang singil ‘nyo sa Don Antonio galing SM? Pareho rin naman kasi kung susuklian ‘nyo ko ng bago. Kanina pa ho kasi ako nagbayad, Espana pa lang bakit wala pa akong sukli?”

Long pause. Lampas na kami ng Suzuaregui. Parang nag-iisip pa rin yun driver. Bago umabot sa Diliman Prep School binigyan niya ng sukli yun lalaki.

“Mama, sa overpass lang po,” sabi ko nun makita ko na ang Red Ribbon. So, bumaba na ko. In fairness, marahan kong isinara ang pinto ng FX kahit na nga ang sabi ni meanie me eh ipitin ko ng pinto ang hinliliit nun panget na lalaking yun!

So what drove meanie me to really come out of the open (or at least in my mind) once again?

The answer is simple. Mga taong nakaka-asar! In that particular incident, it’s not the driver but the guy sitting across me. Why? Because of the way he pointed at me while saying sa akin napunta yun sukli niya, as if I deliberately stolen what is rightfully his. First, the change was given to me by the man sitting beside me – dahil alam niyang nagbayad ako ng isang daan at hindi pa ako nasuklian. Second, nagpapaka-cool na nga ako at inisip kong baka wala pa kasing barya kaya di ako sinusuklian tapos ako pa yun lumabas na masama. And third, I don’t really recall that no-good man who kept on fidgeting on his iPod paying a hundred peso bill or even paying his fare for that matter. Mind you, I almost blurted that out while Mamang driver seemed at a loss. Ang sabi ni meanie me, “lakas ng loob mong magdemand ng sukli eh di ka pa nga nagbabayad. Wala ka naman ibang ginawa pag-upo mo jan kundi kalikutin yang iPod mo, paano mo sasabihing nagbayad ka ng isang daan? Hoy, hindi porque meron ka niyan eh hindi ka na mukhang manggugulang!! Tsaka fwedeh ba, ‘wag mong ipangalandakan sa’kin yan dahil meron din ako niyan, mas maganda pa! Tse!”

Naku, kung ganito talaga mga tao sa earth paano akong magpapaka-bait?? Pero siyempre, dahil nga gud gerl na raw ako eh talagang pigil na pigil yun (at tenk you Lord sa gift of self control!).

Wednesday, February 06, 2008

Be Still

“Be still,” yan ang mensaheng ni-reveal sa akin kanina matapos ang isang solemn moment -- ng pag-iyak. It’s a command. Naman, medyo matagal ko na rin di nagamit ang tear ducts ko noh kaya kanina, dahil sa dami ng mga gumugulo sa isip ko eh di ko na rin napigilan ang umiyak. Kapag nga naman dumating ang challenges eh talagang sunud-sunod! So eto naman ako parang wala lang. Magaling akong magpanggap eh, I often look as if I take everything lightly and act childlike; nagmumukha tuloy akong immature sa harap ng madla. But let them think what they want to think, eh sa hindi ko trip ang magpa victim effect eh! Anyway, wala naman akong balak isulat lahat rito kung ano nga ba yun pinuproblema ko kasi baka di matapos ang blog ko; it’s just that natauhan lang ako kanina. In then middle of thinking about what to do and worrying that I may not be able to do anything anyway; in the middle of feeling helpless and tired; in the middle of asking why those things happen at such exact precision at talagang sabay-sabay sila; in the middle of thinking about certain people in my life; in the middle of crying and asking for answers.. I found myself humming a hymn. Calm down. Be still. May I be reminded of this always. Yep, I am strugling. To be a better person, to stand for what is just, to speak my mind with tact. Strugling, I said. Dahil mahirap. I want to detach. I need to detach to be able to soar.



Hide me now, under Your wings
Cover me, within Your mighty hand
Find rest my soul, in Christ alone
Know His power, in quietness and trust
When the oceans rise and thunders roar
I will soar with You, above the storm
Father, You are King over the flood
I will be still, know You are God